ZBS1#25

377 21 3
                                    

Tyron

I want to confess may feeling to Renee to make him fully mine forever, hindi ko na papatagalin lalo pa na alam ko rin na mutual ang feeling naming dalawa. Kinausap ko na nga si Archer to prepared a romantic dinner date for me in his restaurant. Siyempre hindi naman ako nakaligtas sa panunukso ng kaibigan ko na iyon.

Tumunog naman ang cellphone ko tiningnan ko kung kanino galing ang mensahe kay Renee pala kaya naman agad ko iyong binasa.

'Tyron, maaga ang out namin ngayon nakauwi na rin ako sa bahay si sir Archer ang naghatid sa akin kagaya ng bilin mo, may gusto ka bang dinner mamaya ipagluluto kita' ang basa ko sa mensahe nito.

Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti sa huling mensahe nito. 

'He really always cared in my well being this is the reason that's why I fall for him'

Tinawagan ko na si Renee para hindi na ito magluto ng dinner dahil nga sa may plano akong  dinner date para samin mamaya.

"Hello," he answer in a sweet baritone voice. 

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong mag-imagine, to hear his voice while moaning my name in bed.

"Hello, Tyron," muling saad ni Renee na pumukaw sa mahalay kong isipan.

'Damn it, I am really a pervert'

"Hello, Ren," bati ko.

"Tyron, may gusto ka ba para sa dinner natin mamaya," tanong nito

"You don't have to consume your energy to cook for the dinner today," ani ko.

"Ganun ba, hindi ka ba dito sa bahay magdinner gagabihin ka ba sa pagtatrabaho kung ganun huwag kang papagutom diyan?" tanong nito.

"Nope, hindi ako gagabihin uuwi ako ng maaga sabay tayong magdinner sa labas kaya naman hindi mo na kailangan pa magluto mamaya."

"Bakit sa labas pa tayo magdinner mamaya kung puwede ako na lang naman ang magluto?" takang tanong nito.

"Because today is a special day for me," saad ko.

"Pero hindi naman ngayon ang birthday mo," ani nito. 

Kahit hindi ko ito nakikita siguradong nakakunot-noo na ito ngayon ang cute lang kasi nito, I can't help myself but to smile on that thought.

"Quit asking question, Ren malalaman no rin mamaya," nakangiting saad ko.

"Okay, hihintayin na lang kita," ani nito.

"I will fetch after my work, bye," paalam ko.

"Bye," ani nito saka ito nawala sa kabilang linya.

Matapos ang tawag ay tumayo ako mula sa swivel chair at niluwagan ang suot kong kurbata at napasulyap sa aking relo at napabuntong-hininga alas-dos pa lang ng hapon. Napatingin ako sa pinto ng makarinig ng katok mula roon ilang sandali lang ay sumilip doon ang aking secretary.

"Sir, gusto po kayong makausap ni Ms. Diana?" saad nito.

'Ano na naman ba ang kailangan ni Diana sa akin tapos na kami'

Huminga muna ako nang malalim bago ko sabihin sa secretary ko na papasukin si Diana. Pagkatapos ay nakita kong pumasok sa opisina ko si Diana.

"What do you want Diana?" kaswal na tanong ko.

Lumapit ito sa akin, she wrapped her arms around my neck. Kung dati sa tuwing yayakap ito sa akin ay buong puso ko itong tutugunan at hahapitin palapit sa akin, pero ngayon hindi na dahil wala na akong pagmamahal pa para kay Diana.

"Ikaw lang ang kailangan ko babe, I want you back," saka nito sinubukang halikan ako sa labi pero agad akong umiwas.

Inalis ko ang mga braso ni Diana na nakayakap sa akin at lumayo ako rito. Ang tanging taong may karapatan na yakapin at halikan ako ay Renee ang asawa ko.

"Alin sa salitang may asawa na ko ang hindi maintindihan doon Diana," mariing saad ko.

Ilang beses ko bang dapat ipaintindi sa babaeng ito na tapos na talaga ang lahat sa amin para naman kasi itong bata dapat inu-ulit hanggang sa maintindihan nito.

"Alin din sa salitang mahal kita ang hindi mo maintindihan Tyron hindi ko kaya ang mabuhay ng wala ka sa piling ko," ani nito.

"Sana naisip mo iyan noong pinili mo ang career mo over me," hindi ko napigilang nanunumbat ko.

"Kaya nga ako nandito dahil ikaw na ang pinipili ko Tyron, I decided to cancel my contract to the agency."

"Huli ka na dahil kasal na ko."

"Alam kong nagawa mo lang magpakasal dahil nagalit ka sa akin pero ngayon nandito na ko iyong-iyo na ko Tyron bumalik ka na sa akin, please mahal na mahal kita nagsisi na ko babe."

"I'm sorry, pero wala na talaga kong pagmamahal pa para sayo Diana, I Don't love you anymore and I love my husband," saad ko. Alam ko nasasaktan ko ito sa mga sinabi ko pero dapat nitong maintindihan ang bagay na iyon.

"B-Bakit ang bilis na yata Tyron limang taon tayong magkarelasyon samantalang ang baklang iyon ilang buwan palang kayong magkasama," lumuluhang saad nito.

"I can explain it either but all I know is I do love him."

"Iniwan ko na lahat para sayo Tyron, please ako na lang ulit gagawin lahat gusto mo balikan mo lang ulit ako," saka ako nito niyakap ng mahigpit habang umiiyak.

Inalis ko ang pagkakayak sa akin ni Diana at hinawakan ito sa magkabilang braso.

"Huli na para sa ating dalawang Diana kahit ilang ulit ka pang magmakaawa na balikan kita hindi ko babalik sayo sana maintindihan mo hindi na tayo kailanman makakabalikan na dalawa kahit ano pa ang gawin mo," ani ko. "Hanggang pagiging magkaibigan na lang puwede ko mai-offer sayo since kahit papaano ay may pinagsamahan naman tayong dalawa," dagdag ko pa.

Lumapit ako sa may intercom para sabihin sa secretary ko na samahan na papalabas ng opisina si Diana dahil tapos na kaming mag-usap. Hindi nagtagal ay pumasok na ang secretary ko at inananyayahan na palabas si Diana pero bago ito tuluyang makalabas ay nagsalita ito.

"Mahal na mahal kita Tyron," saad nito bago tuluyang lumabas ng opisina ko.

Naupo ako sa swivel chair ko sumakit ang sentido ko sa pakikipag-usap kay Diana pero mukhang sa tingin ko naman ay naintindihan na nito na wala na talaga kaming pag-asa pa na magkabalikan pang muli.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon