Renee
Sa sobrang pagkagulat ko sa ginawa ng babae hindi agad ako nakapagreact para protektahan ang sarili ko. Patuloy pa rin ito sa pagsabunot sa buhok ko na galit na galit.
"Malandi ka," galit na galit na saad ng hindi ko kilalang babae.
"Stop it! Irish," tinig ni Archer na pilit na tinatanggal ang kamay ng babae sa pagkakasabunot nito sa buhok ko. Nang magtagumpay ito ay buong lakas nitong itinulak ang babaeng nagngangalang Irish muntikan pa nga itong matumba sa lakas ng tulak ni Archer.
"Ayos ka lang ba nasaktan ka ba?" nag-aalalang saad nito na sinusuri ang mukha ko. "How stupid of me, of course your not okay your already hurt," dagdag na saad pa nito.
"How dare you, push me Arc?" inis na saad ni Irish.
Hinarap naman ni Archer si Irish pagkatapos nito masuri ang mukha ko.
"Paanong hindi kita itutulak nananakit ka nang walang dahilan, What is your problem, Irish?" galit na tanong ni Archer.
"Hindi ko siya sasaktan kung hindi ka niya nilalandi sa labas pa lang rinig na rinig ko na ang malakas na tawa mo at ikaw ang problema ko dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sayo!" galit na saad din ni Irish.
"May dahilan ba para sagutin ko ang mga tawag mo wala naman di ba, were not committed to each other," saad ni Archer.
"W-what I-I thought were already into a relationship," hindi makapaniwalang saad nito.
"Hindi porke't nagtagal tayo ng tatlong buwan, as fuck buddy. Magkarelasyon na tayo, don't assume anything we all know that it was just a pure lust between the two of us nothing more," saad ni Archer.
"Y-You're a jerk Arc, I-I hate you!" saad ni Irish.
"I already know that you don't need to said it and hate me all you want I don't care," saad ni Archer.
Galit na galit namang umalis ang babae sa restaurant ni Archer buti na lamang ay sarado ang restaurant kapag tanghali walang mga costumer at bubuksan lang after ng lunch. Muli naman akong hinarap ni Archer at inalalayan akong maupo at sinuri ang mukha ko.
"Damn it, Tyron might kill me if he saw this bruise in your face," nag-aalalang saad nito.
"Huwag ka ngang OA hindi magagawa ni Tyron yun sayo saka ako nang bahalang magpaliwanag kay Tyron tungkol sa nangyari," saad ko.
"No, ako nang magsasabi kay Tyron, after all I'm the one that responsible for this, I'm so sorry," paumanhin nito.
"Ano ka ba hindi mo na kailangan mag-sorry hindi naman ikaw yung nanakit sa akin," katwiran ko pa.
"Just sit here I'm going to get a cold compress for your bruise, tatawagan ko na rin si Tyron para masundo ka na," saad nito saka lumabas ng opisina.
Tyron
Agad akong bumiyahe papunta sa restaurant ni Archer ng mareceive ko tawag nito, that Renee needs me. Hindi ko na naman naitanong ang ibang detalye dahil yun lang ang sinabi nito at agad rin naman nitong tinapos ang tawag. Kaya naman hindi na ko nag-aksaya ng oras at umalis agad ng opisina and cancel all my appointments for this day.
Nang makarating ako sa restaurant ay agad rin naman akong dumiretso sa opisina ni Archer. Hindi ko na nagawa pang kumatok dirediretso na agad ako at naabutan ko si Ren na nakaupo sa sofa na may hawak na cold compress na idinadampi nito sa mukha. Sa pag-aalala ko agad rin akong lumapit at sinuri ang mukha nito.
"T-Tyron," saad nito.
"What happened to your face?" nag-aalalang tanong ko nang makita ko ang maliit na pasa sa kaliwang mukha nito. Pakiramdam ko nang mga oras na yun ay masasaktan o mapapatay ko ang may kagagawan ng pasa nito sa mukha.
"K-kasi a-ano ---." hindi na naituloy ni Renee ang iba nitong sasabihin ng magsalita si Archer
"I'm sorry, Tyron this is all my fault," saad ni Archer.
Agad ko namang hinarap si Archer nang marinig ang sinabi nito.
"So, care to tell me what actually happened Arc, why it is your fault?" may bahid na inis na saad ko.
Nagsimula naman nang magkuwento si Archer ng mga nangyari kanina. Pagkatapos kong marinig ang buong kuwento ay napabuntung-hininga na lang ako.
"Nasaktan si Ren dahil sa nagselos si Irish," saad ko pa.
"Yes, sobrang bilis ng mga pangyayari kaya hindi ko agad napigilan si Irish sa pananakit kay Renee. I'm really sorry, that I could not protect him" paumahin ni Archer.
"Kasalanan mo nga talaga kung nagagawa mo sanang kontrolin yang mga babae mo hindi ito mangyayari kay Renee," inis na saad ko.
"Ano ka ba Tyron hindi naman kasalanan ni Archer ang mga nangyari at hindi niya rin ginusto kaya naman huwag ka nang magalit sa kaibigan mo," pagtatanggol ni Renee kay Archer.
Hindi ko naman mapigilan ang hindi makaramdam ng pagkainis dahil sa kinakampihan pa nito si Archer.
"Paanong hindi ko siya sisisihin sa nangyari sayo, in the first place he is the cause of what happened to you," inis na saad ko.
"Pero hindi naman kasi siya yung nanakit sa akin kaya huwag mo na siyang sisisihin," katwiran pa nito.
"Ipinagtatanggol mo ba siya," inis na saad ko.
"Ayoko lang na nag-aaway kayo nang dahil lang sa akin," katwiran nito.
Mas lalo naman akong nainis dahil sa sinabi nito. Ano bang tingin nito sa sarili na hindi ito worth it pag-awayan kung alam lang sana nito na napaimportante siya sa buhay ko.
"Fine, I won't blame him anymore," saad ko. "Tutal naman ito na ang magiging huling araw mo dito sa trabaho" dagdag ko pa.
Larawan naman sa mukha nito ang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
"P-pero b-bakit naman Tyron?" tanong ni Renee.
"I won't let this happened to you again, that's why your not working here anymore," mariing saad ko pa.
Hindi ko talaga mapigilan ang magalit sa tuwing titingin ako sa mukha nito at makita ang pasa nito. Pagbabayaran ni Irish ang pananakit sa asawa ko, I will crash her. Hindi ko rin na hinayaan pang maprotesta si Renee sa sinabi ko at binuhat ko na ito nang pa-bridal style. Hinarap ko naman si Archer bago kami umalis ni Renee.
"Arc, mag-reresign na ang asawa ko sa trabaho," mariing saad ko pa.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at lumabas na sa restaurant habang buhat ko si Renee.
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)
Romance"Marry me Renee." saad ni Tyron Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo...