ZBS1#1

1.5K 86 1
                                    

Renee

"Hindi! ayokong pakasal sa lalaking iyon!" sigaw na tanggi ko kay tatay.

"Ang lakas ng loob mong mag-inarte eh! bakla ka naman buti nga natipuhan ka ni George at nagkaroon ka rin ng silbi sa akin!"

"Kahit ganito lang ako 'tay hindi pa rin ako papatol sa manyakis na 'yon!" sabi ko pa kay tatay.

"Wala, ka talagang kuwenta hindi ka marunong sumunod!" sabay igkas ng palad ni tatay sa pisngi ko.

"Ah!" naaigik ako dahil bumalandra ako sa dingding ng bahay namin dahil sa lakas ng sampal ni tatay.

"E-Ernesto, ano ka ba? Huwag mong saktan ang anak mo!" sabi ni nanay kay tatay na iniharang ang sarili niya ng akmang sasaktan ulit ako ni tatay.

"Huwag kang makialam dito Rosita! Matagal na akong nagtitimpi diyan sa anak mo napakatigas ng ulo sinabi ko na sa kanyang si George ang dapat niyang pakasalan para makaahon tayo sa hirap ilang beses pa rin niyang tinatanggihan!"

"Makaahon sa hirap o baka naman gusto mong sabihin ay para masunod ang layaw mo?" hindi nakatiis na sumbat ni nanay kay tatay.

"Isa ka pa! Kaya lumaking matigas ang ulo ng anak mo dahil kunsintidora ka!" sabay igkas naman ng palad ni tatay sa mukha ni nanay.

"Nay! 'tay, huwag ninyong saktan ang nanay ko!" sabi ko kay tatay saka agad na dinaluhan si nanay na bumalandra sa may gilid ng papag.

"Ah, ganoon?" sabi ni tatay na inilang hakbang lang kami ni nanay at gigil na sinabunutan ang buhok ko. "Puwes, kung ayaw mong masaktan kayong mag-ina sumunod ka sa utos ko pakasalan mo si George at bigyan mo kami ng maraming pera!"

"Ayoko!"

Minsan pang muli akong sinampal ni tatay at wala akong nagawa kundi ang umiyak kagaya rin nang wala akong nagawa nang sunduin ako ni George ng sumunod na araw.

"H-hindi! 'tay, huwag ninyo akong ibigay sa kanya, aray! Ano ba? Bitawan ninyo ako!" nagwala ako nang piliting isakay sa kotse nang dalawang tauhan ni George.

"Tumahimik ka! Sumama ka nang maaayos" nakapamaywang lang na sabi ni tatay.

"Hindi! Ayoko!"

Pero kahit anong pagtanggi ko ay walang nangyari dahil nagawa na nila akong isakay sa loob ng sasakyan sa mismong tabi ni George

"Hi, Baby," nakangising sabi nito.

"Hayup ka! Bakit mo ito ginagawa sa akin wala kang karapatang gawin ito," galit na sabi ko nang harapin ang lalaking bukod sa maaskad na ang mukha ay maitim pa. Iyon nga lang ay maporma ito sa suot na damit at nangingintab na malalaking kuwintas at bracelet na yari sa makapal na ginto na nasa leeg at braso nito.

"Kapag kasal na tayo ay nasa akin na ang lahat ng karapatan na angkinin ka," saka akmang hahaplusin nito ang pisngi ko.

"Huwag mo akong hawakan demonyo ka!" agad ko namang natabig ang kamay nito.

Naiiling na napangisi si George. "Sige, saka na lang kita hahawakan kapag kasal na tayo baka naman sabihin mo na hindi ako maginoo," sabi nito saka bumaling sa bintana. "Tatay Ernesto, heto nga pala ang konting panggastos," saka iniabot nito kay tatay na abot tenga ang ngiti ang makapal na sobreng may lamang pera.

"Naku, maraming salamat George," dalawang kamay pang tinanggap ni tatay ang sobre. "Napakabuti mo talaga sa pamilya ko."

"Wala iyon tatay Ernesto, siyanga pala may pa-derby daw sa kabilang baryo bakit hindi ka dumayo roon at baka mapalago mo iyang ibinigay kong pera."

"Aba oo nga, ano? Sige, mamaya ay babawas ako ng kaunti rito."

"O, bakit naman konti lang? Pa-derby iyon dapat ay malaki ang baon mong puhunan."

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon