ZBS1#7

797 76 1
                                    

Renee

"Let's go?" nakangiting saad ni Tyron nang buksan nito ang pinto ng unit. "After more than two weeks nang pagkukulong, this is your first time na lalabas ng condo unit. So, enjoy it feel the fresh air. Ipapasyal kita sa mall, kakain tayo sa labas, mamimili ng mga damit at gamit mo."

Nang banggitin ni Tyron ang paglabas namin ay hindi ko mapigilan ang kabahan ito ang unang pagkakataon na lalabas ako ng condo unit nito. Baka kasi makasalubong namin si George sa paglabas namin.

"B-Baka makita ako ni George at ng mga tauhan niya, b-baka---" hindi ko na naituloy pa ang iba ko pang sasabihin ng magsalita ito.

"Don't worry, wala na siyang karapatang bawiin ka sa akin. Always remember that you are now my legal husband, may karapatan na akong ipakulong siya kapag hinarass ka niya."

"P-pero---" walang babalang hinawakan ni Tyron ang kamay ko at inakay ako palabas ng unit nito.

"C'mon!" aya sakin ni Tyron palabas.

Nagulat pa ko ng paglabas namin nang makita ang anim na malalaking lalaki na nakabantay sa pasilyo.

Mga mukhang tigasin, malalaki ang katawan at mukhang bumabanat talaga pero disente naman ang mga damit parang mga bodyguard ng politiko.

"S-Sino sila?" hindi ko napigilan ang magtanong.

"They are your bodyguards, our bodyguard."

Talagang hindi birong abala at salapi  ang ibinubuhos ni Tyron sa paglabas naming iyon.

"B-Bakit may mga baril sila sa tagiliran?" tanong ko nang mapansin ko ang baril sa baywang ng anim na kalalakihan.

"Of course, just in case na may manggulo kailangang ready sila. Don't worry, may permit to carry naman sila. So, Let's go?" saka nito hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko na alam kung kinabahan ba ko dahil kay George o dahil sa paghawak ni Tyron sa kamay ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay nito. Humarap sa akin si Tyron at tinitigan ako sa mga mata.

"Just relax! I'm here beside you, your safe," saad ni Tyron sa akin.

'Ang guwapo talaga niya at napakabait niya pa sa akin, masama bang makadama ako ng paghanga sa lalaking pinakasalan ko. Pero hindi puwede dahil sa huli maghihiwalay rin kami at ako lang ang masasaktan'

"Diaz, alisto kayo," bilin nito at sinenyasang sumunod sa amin.

"Yes, Sir!" sagot ng mga ito.

Habang tinatalunton namin ang mahabang pasilyo patungo sa elevator ay sumulpot sa dulo ng pasilyo ang ilang malalaking lalaki kabilang ang taong kinatatakutan ko.

"Si G-George!" napakapit ako sa braso ni Tyron. "It's him."

"Relax," ginagap ni Tyron ang kamay ko at masuyong pinisil. "Diaz, kalaban 'yan, be ready!"

"Yes, Sir!" saka sinenyasan nito ang mga kasamahan.

Nagpatuloy kami sa paghakbang na magkahawak kamay, hanggang sa makarating kami sa dulo ng pasilyo kung saan nakahilera ang pitong lalaki kabilang si George na tila nagulat nang makita ako.

"At totoo nga ang report sa akin na nanatili ka sa condo na ito, nagago mo ako," nakangising saad ni George habang nakatitig sa akin. "Alam mo bang pumunta ako sa inyo dahil baka umuwi ka. Pero anong dinatnan ko? Ang bakante ninyong bahay, ang mga bulok ninyong gamit. Wala na roon ang nanay at tatay mo. Natakasan mo ako, natakasan pa ko ng tatay mong mukhang pera!"

'Wala na sila nanay sa lugar namin pero nasaan na sila ngayon?'

"A-ano bang kailangan mo sa kanila? Kung nakakuha man sayo ng pera ang tatay ko ikaw ang kusang nagbigay niyon sa kanya! Abot ka nang abot sa kanya ng pera para mabaon siya sa utang at inuudyukan mo pa siya na magsugal at puwede ba, tigilan mo na ako. Hindi ako sasama sayo lalong hindi ako pakakasal!" angil ko kay George.

"Bakit? Dahil ba..." sumulyap si George kay Tyron at sa magkahawak naming kamay. "May ipinagmamalaki ka na?"

"He's my husband now, stop pestering him," matigas na saad ni Tyron.

"Husband! At sinong niloloko mo? Ilang linggo pa lang---"

"I don't care if you believe it or not, basta layuan mo ang asawa ko. Dahil kung maimpluwensiya ka mas maimpluwensiya ako sayo." seryosong saad ni Tyron.

Kumunot ang noo ni George sa sinabi ni Tyron.

"Sino ka ba? Kilala mo ba kung sino ako?"

"Kilala kita... ikaw si George Hernandez, ako ba kilala mo?"

Bahagyang natigilan si George sa tanong na iyon ni Tyron.

"Bakit, sino ka ba?"

"Ako lang naman ang nagpakuha sa probinsiya sa pamilya ng asawa ko para makasigurado akong hindi mo sila masasaktan. Ipinadala ko sila sa isang isla na pag-aari ko."

'Kung ganun si Tyron pala kumuha sa mga magulang ko'

Natigilan si George sa sinabi ni Tyron tila na-realize yata na hindi basta ordinaryong tao ang kausap nito.

"Anyway, I'm Tyron Zaavedra," pakilala ni Tyron.

"I-Ikaw si Tyron... Zaavedra?"

"Yeah, and I'm the owner of this condominium building. Since, kasal na kami ni Renee, he is now Mr. Renee Zaavedra. So, don't you dare to touch even the single strand of his hair," saad ni Tyron.

Walang masabi si George tila ito napipi.

"So, kung wala ka nang sasabihin. We have to go, may date pa kasi kami ng asawa ko, excuse me," inakay na ako ni Tyron patungo sa elevator kasunod ang mga bodyguards.

"Salamat," saad ko kay Tyron.

"Saan?" nakangiting tanong nito saka bumaling sakin habang palabas kami ng elevator.

"S-sa mga nagawa mo. Tama ka, hindi ako magagalaw ni George ngayong kasal na tayo."

"Well, first of all no need to thank me cause it's my duty to protect you as your partner."

"Salamat pa rin lalo na sa ginawa mong pagkuha sa pamilya ko bago pa sila gawan ng masama ni George."

"Pamilya mo sila kaya naman responsibilidad ko na rin sila," nakangiting saad nito.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon