Tyron
Akala ko magtutuloy-tuloy ang maganda ko mood dahil kahapon pero hindi ko inaasahan ang pagdalaw ng Victor na iyon. Sa totoo lang hindi ko talaga maiwasang hindi mainis sa boyfriend ni Renee dahil kahit saang angulo ko tingnan hindi talaga sila bagay na dalawa.
Buong maghapon ko lang palihim na pinanonood sa salas ang mga itong magkulitan. Ayokong hayaan na makapag-sarilinan ang mga ito hindi naman sa wala akong tiwala kay Renee sa Victor na iyon ako walang katiwatiwala baka kasi ano ang gawin nito sa asawa ko. Kung puwede ko lang talagang i-ban ang Victor na yan na puwedeng-puwede ko namang gawin kaya lang, I still considered Renee's feeling. Hanggang sa maisipan na ng bisita nitong umuwi na rin sa wakas.
"Paano pare aalis na ko ikaw na ang bahala sa babe ko paki alagaan mo," pagpapaalam nito.
'Huwag ka sanang babalik pa'
"Ako nang bahala kayang-kaya ko siya alagaan," saad ko.
"Salamat pare," ani nito.
Hinatid naman ni Renee ang bisita nito sa may pinto palabas pagkatapos ay lumapit naman ito sa akin.
"T-Tyron," tawag nito sa pangalan ko.
"Bakit may sasabihin ka ba?" tanong ko.
"Puwede bang pag-usapan na natin yung tungkol sa pagbabalik ko sa trabaho ayoko talaga magresign," ani nito.
"Hindi ba ang sabi ko pag-usapan natin yan kapag magaling ka na," ani ko,
"Okay na naman na itong pasa ko sa mukha," katwiran nito.
Napabuntung-hininga na lang ako dahil gustong-gusto na nitong makabalik sa trabaho kahit hindi pa masyadong nawawala ang pasa nito. Kung ako lang ang masusunod ayoko na talagang magtrabaho pa ito kayang-kaya ko namang ibigay ang kahit na anong gustuhin nito pero dahil nga gusto ko itong suportahan sa mga gusto nitong gawin ay wala naman akong ibang choice.
"Kung gusto mo nang bumalik sa trabaho sige hindi na kita pipigilan pa," saad ko na lamang.
"Salamat, Tyron," nakangiting ani nito.
Makita ko lang na nakangiti si Renee napupuno nang galak ang puso.
"Ano gusto mong hapunan mamaya ipagluluto kita," masayang ani nito.
"Kahit ano dahil alam kong basta ikaw ang nagluto masarap," nakangiting saad ko.
Kinabukasan nga ay bumalik na si Renee sa pagtatrabaho sa restaurant ni Archer ako pa nga rin mismo ang naghatid rito sa trabaho at nagsabi kay Archer nasa susunod na masaktan ulit ang asawa ko ay hinding-hindi ko na ulit ito pababalikin pa sa trabaho.
Habang abalang-abala ako ay hindi ko inaasahan ang biglaang pagpasok nang kung sino sa opisina ko kasundo nito ang secretary ko.
"I'm sorry po sir hindi ko na po siya napigilan sa pagpasok," paumanhin ni Rebecca.
"It's okay Rebecca iwan mo na kami," saad ko tumango naman ito bago kami iniwan ng unexpected guest ko.
"It's fancy meeting you here, Irish," nakangising saad ko hindi ko na ito inalok na maupo pa dahil wala naman na kong balak pa na pahabain ang kung ano mang sasabihin nito.
"Anong atraso ko sayo Tyron bakit ka nagpull-out ng investment sa company namin at hindi lang yun pati ibang investor hinikayat mo rin na magpull-out ng investment nila," saad nito.
"Ang bilis mo naman yatang makalimot sa ginawa mo," ani ko naman.
Napakunot-noo naman ito sa sinabi ko na tila walang ideya sa sinabi ko kung sabagay hindi naman nito alam na asawa ko si Renee pero wala pa rin itong karapatan na saktan ang kahit na sino.
"Remember the one you hurt in Archer's restaurant, his my husband."
Lumihistro naman sa mukha nito ang pagkagulat sa sinabi ko. Now, she know that she mess up with the wrong person.
Renee
After ng dalawang araw na pahinga sa wakas ay nakabalik na rin ako sa trabaho. Laking tuwa ni Archer na bumalik pa ko trabaho at nagbilin pa nga ang asawa ko nasa susunod na maulit yung nangyari sa akin magresign na daw talaga ako.
Nakakapagod ang buong araw ko dahil madaming costumer sa restaurant kaya naman gusto kong nang magpahinga. Nakapagluto naman na ako ng hapunan para sa asawa ko hindi ako nito nagawang sunduin kanina dahil may mga dapat pa ito tapusin na trabaho kaya late itong makakauwi dalawang araw din kasi itong hindi rin pumasok sa trabaho. Mahihiga na sana pero narinig ko ang pagtunog ng telepono kaya naman bumangon ako upang sagutin.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
"Renee?" tawag nang nasa kabilang linya
"Y-yes? sino ito?" tanong ko
"It's me, Diana."
Bahagya naman akong natigilan sa pangalang binanggit nito.
'Ang ex ni Tyron'
"W-Wala rito si Tyron nasa office tawagan mo na lang siya sa cellphone para---,"hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin nang magsalita ito.
"Ikaw talaga ang gusto kong makausap," saad nito. Napakunot-noo naman ako sa sinabi nito.
"A-Ako bakit? w-wala naman tayong dapat na pag-usapan at---."
"Meron, Renee... Ibalik mo na sa akin si Tyron tapos na palabas ninyo. I've got his point mas mahalaga ang pamilya at pag-iibigan kaysa anupamang bagay sa mundong ito. Anytime babalik na ako riyan, ipapa-cancel ko na lang ang kontrata ko rito kaya naman ibalik mo na siya sa akin."
"Diana, wala akong ibabalik sayo hindi isang bagay si Tyron na puwedeng iwan at babalikan mo kung kailan mo gustuhin saka isa pa wala akong alam sa mga pinagsasabi mo," giit ko pa.
"Ang kasal ninyong biglaan kahit na ano pang sabihin ninyo alam kong isa lang iyong palabas. Magkano ba talaga ang ibinayad niya sa iyo para pakasal ka sa kanya. Akala mo ba ay naniniwala akong may namamagitang pag-ibig sa inyong dalawa."
Nakadama ako ng inis sa sinabi ni Diana kahit na ba totoong may perang involve sa pagpapakasal ko kay Tyron hindi naman talaga iyon ang dahilan...
'Mahal ko si Tyron'
"Bahala ka kung anong pinaniniwalaan mo Diana." saad ko na lamang.
"Renee, tama na ibalik mo na siya sa akin mahal namin ang isa't-isa pero nagkaroon lamang kami ng hindi pagkakaintindihan. Just let him go, kilala ko si Tyron alam ko kung kailan lang siya nagkukunwari."
"Kung naniniwala ka talagang mahal ka ni Tyron siya ang kausapin mo huwag ako at kung ano man ang pasya niya susunod na lang ako," pagkatapos kong sabihin iyon ay ibinaba ko na ang telepono.
'Oh God! ang babaeng iyon ang lakas makainsulto, pero paano kung na-realize ni Tyron na mahal pa niya si Diana at makipagbalikan dito'
Hindi na malayang nakaidlip ako sa pag-iisip sa possilidad na makakabalikan sina Tyron at Diana pero maya-maya lang ay naalimpungatan sa pakiramdam na may humahaplos sa pisngi ko.
"T-Tyron dumating ka na pala," saad ko at nang muli ko na namang maalala ang pag-uusap namin ni Diana kanina ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin si Tyron.
**********
Hi, dear readers sa wakas ay muli po akong nakapag-update less stress ako ngayon sa paperworks sa school kasi bakasyon na, mahirap po kasi gumawa ng kuwento kapag maraming iniisip. Sana po huwag kayong magsawa sa paghihintay sa update😘😘😘
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)
Romance"Marry me Renee." saad ni Tyron Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo...