ZBS1#24

293 20 2
                                    

Renee

Hindi ko pa rin maalis-alis sa isip ko ang pagtawag ng ex-girlfriend ni Tyron. Natatakot akong baka makipagbalikan ang dalawa lalo pa't mukhang determinado talaga si Diana na makipag-ayos kay Tyron.

"Hey, Renee are alright," saad ni Tyron.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakahinto na ang kotse ni Tyron at nandito na pala kami sa tapat ng restaurant.

"O-Oo, ayos lang ako," ani ko na lamang.

Hindi ko naman inaasahan ang sunod na ginawa ni Tyron hinawakan nito ang kamay ko at pinagsalikop ang kamay naming dalawa. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nito.

"Sigurado ka kanina pa kasi tinatawag pero hindi ka naman sumasagot. Is there something wrong?" may pag-aalalang saad nito.

"A-Ayos lang talag ako, Tyron," nakangiting ani ko.

"May problema ka ba puwede mong sabihin sa akin," tanong nito.

'Paano ko ba sasabihin sayo na natatakot akong magkabalikan kayo ng ex mong si Diana'

"Wala naman akong problema," saad ko pa.

"Kung may problema ka, don't hesitate to tell me I will help you," nakangiting ani nito.

Tumango na lamang ako bilang kasagutan dito.

"Susunduin kita mamaya, huwag ka masyadong magpakapagod sa trabaho," ani nito saka ito humalik sa noo ko na palagi nitong ginagawa sa tuwing inihahatid ako nito sa trabaho.

Kaya nga lalo pa akong napapamahal kay Tyron dahil sa mga sweet gesture nito sa akin masyado na akong nasasanay.

"Ikaw rin huwag ka rin masyado magpakapagod sa trabaho, sige na lalabas na ko," nakangiting saad ko saka ako lumabas ng kotse nito.

Nang nakaalis na si Tyron ay saka naman ako pumasok sa loob ng restaurant. Itutuon ko na lamang muna ang isip ko sa pagtatrabaho.

**********

Kagaya pa rin ng dati na napakarami ang customer na kumakain sa reataurant ni sir Archer talaga naman kasi dinadayo pa para lang dito kumain. Nang magtanghalian na ay sinabihan kami ni sir Archer na isasarado na ang restaurant at kinabukasan ulit magbabalik ang regular service sa mga customer.

"Sir, bakit po aga nating magsasara ngayon?"tanong ni Gwen.

Maging ako man curious kung bakit maaga ang sarado ng restaurant ngayon wala naman kasing special holiday.

"Well, my friend just called me and want to occupied this whole restaurant for a surprise romantic dinner date for his wife," nakangiting saad ni sir Archer na sa akin nakatingin.

"Talaga po sir, ang sweet naman po pala ng kaibigan ninyo," kinikilig na saad ni Helen.

"Yeah, you can say that," sang-ayon ni sir Archer. "Since maaga magsasara ang restaurant puwedeng maaga na rin kayong umuwi."

"Sir, hindi na po ba kami ang magset-up," tanong ng isa sa mga katrabaho na waiter.

"Hindi na kailangan may ibang gagawa niyan," ani ni sir Archer.

Natuwa naman ang mga kasamahan ko dahil maaga sila makakauwi at buo pa ang sahod. Matapos magbilin ni sir Archer ay nagsi-alisan na rin ang mga katrabaho ko para makauwi na rin. Samantalang napabutung-hininga naman ako ang buong akala ko ay magiging busy ako buong araw para hindi ko masyadong maisip si Diana na pilit ginugulo ang relasyong meron kami ni Tyron.

'Ano nga bang relasyon meron kami ni Tyron bukod sa mag-asawa lang kaming dalawa sa papel'

Muli ay ko na naman napigilan ang sarili kong mapabungtung-hininga.

"May problema ka ba?," tanong ni sir Archer na hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na pala.

"Wala naman po akong problema," pagsisinungsling ko.

"Alam mo bang kanina pa kita pinagmamasdan dahil nakaalis na ang iba ikaw nandito pa. Kung may problema ka puwede kang magsabi sa akin may problema ba kayo ni Tyron?."

Masyado ba kong transparent para malaman nito ang mga laman ng utak ko.

"Don't worry I am a good listener, kung ano man ang sasabihin mo sa akin makakaasa kang hindi makakarating kay Tyron."

"Pero di ba magkaibigan kayo," saad ko.

"But, your also my friend," nakangiting saad nito.

Nakakatuwa na nadagdagan na naman ang kaibigan ko sa katauhan ni sir Archer. Hindi ko talaga maintindihan pero ewan ko ba kung bakit napakagaan ng loob ko kay sir Archer kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magkuwento tungkol sa pag-uusap namin ni Diana.

"So, In other words your threated to Diana's presences," saad nito pagkatapos kong magkuwento.

"O-Oo," pag-amin ko. "Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na baka ang piliin ni Tyron ay si Diana kung ikukumpara kaming dalawa ng estado ni Diana talong-talo ako at isa pa limang taon silang magkarelasyon samantalang ako ilang buwan pa lang kami ni Tyron."

"Huwag mong ikumpara ang sarili po kay Diana. Hindi naman basehan ang estado ninyo sa buhay at ang tagal ng inyong pagsasama ang mahalaga ay pagmamahal sayo ni Tyron," saad nito.

'Pagmamahal..... hindi ko nga alam kung mahal ba ako ni Tyron o kahit man kaunting pagkagusto'

"Isa pa kilala ko si Tyron hindi niya sisirain ang pagsasama ninyong dalawang hindi ka niya hihiwalayan para lang makipagbalikan kay Diana lalo pa isang beses lang sa buong buhay niya puwede siyang ikasal," nakangiting dagdag pa nito.

Napakunot-noo naman ako sa huling sinabi nito na sa buong buhay ni Tyron isang beses lang ito puwedeng ikasal.

"A-Anong ibig mong sabihin sa huling sinabi mo na isang beses lang siya puwedeng maikasal," tanong ko.

"Hindi ba nabanggit ni Tyron sayo ang bagay na iyan?" tanong rin nito imbes na sagutin ang tanong ko.

Umiling lang ako bilang kasagutan sa tanong nito.

"Damn it, masyado pala kong naging madaldal mas mabuting kay Tyron mo na lang alamin," ani na lamang nito na hindi gustong sagutin ang tanong ko.

Mukhang kay Tyron ko na lang aalamin ang tungkol sa bagay na iyon.

"Salamat sa pakikinig mo sa akin sir Acher," sinserong pasasalamat ko.

"It's my pleasure, basta kung may problema ka nandito lang ako handang makinig sayo," nakangiting saad nito. "Magpahinga ka na rin," dagdag pa nito.

"Sige po, sir uuwi na po ako," pagpapaalam ko saka ko tumalikod kay sir Archer.

'Mag-txt na lang ako kay Tyron na maaga ang uwi namin ngayon para hindi na niya ko sunduin'

"Wait," pigil nito sa akin kaya muling humarap ako rito.

"Bakit po?" tanong ko.

"Ihahatid na kita," alok nito sa akin.

"Hindi na po kaya ko namang umuwing mag-isa," ani ko.

"No, I insist, isa nagbilin na rin si Tyron na ako na raw ang maghatid sayo pauwi," ani nito.

Hindi na ko tumanggi pa ulit sa alok nito since si Tyron naman ang nagbilin kay sir Archer. Habang nasa biyahe pauwi ay naging palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ni sir Archer.

'Bakit kaya sa buong buhay ni Tyron isang beses lang ito puwedeng maikasal'

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon