ZBS1#4

906 75 5
                                    

Tyron

"May unit nga rito si George Hernandez at hinahanap ang kanyang mapapangasawa, which is you. Kahit ang mga security guard ay inaaway at sinisisi niya dahil natakasan mo siya," saad ko.

Nandito kami sala nakaupo sa sofa nang magkaharap.

"So, naniniwala ka na sa mga sinabi ko?" saad nito

"Yes, kahit naman hindi ko pa naririnig ang sinabi ng inutusan ko ay naniniwala na ako sa mga sinabi mo. Anyway, inalam ko na rin kung anong klaseng tao si George."

"A-anong nalaman mo?"

"He's rich a multi-millionaire, arrogant and ruthless. Higit sa lahat maimpluwensiya siyang tao at ginagamit ang kanyang pera para makuha ang lahat ng kanyang gusto."

"Kaya nga ayoko sa kanya." segunda nito.

"Idagdag pang pangit siya, right?" I teased him.

"H-hindi naman ako tumitingin sa panlabas na anyo." apela nito.

"I know, naniniwala ako sa iyo. I was just teasing you," nakingiting saad ko.

"Salamat, sa tingin mo kailan ako puwedeng lumabas?" tanong nito.

"Well, I don't know either. Sa tingin ko mas ligtas ka kung nandito ka na lang muna."

Napabuntung-hininga na lang ito sa sinabi ko.

"Kung ganoon, magtatagal pa talaga ako dito sa unit mo?" Tanong nito.

"Absolutely."

"Hindi ko alam kung paano ako makakabayad sa pagtulong mo sa akin. Malaking abala na ang ginagawa ko sayo."

"No, it's okay. Hindi naman ako naaabala kahit narito ka. Kahit tatlong araw ka na rito parang kagaya pa rin ng dati. Lagi ka naman kasing nagkukulong sa silid mo kapag nandito ako," saad ko.

"Nahihiya kasi akong magpakalat-kalat dito sa sala."

"Hey, anong magpakalat-kalat? Ano ka, basura?"

"Kasi nga---" pinutol ko na ang anumang sasabihin nito.

"Renee, we're friends now. At kapag tumulong ako, I always give my one hundred percent."

"Salamat, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi ako dito sa unit mo napadpad." nakangiting saad nito.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakakikita kong nakangiti si Renee nagiging masaya at nabubuo ang araw ko.

"You're welcome. Siyanga pala may mga uwi akong damit para sa iyo. Nag-uwi na rin ako ng pagkain natin."

"M-mga damit? Pero ibinili mo na ako kahapon."

"Mas mainam na marami kang damit. Para kapag puwede ka nang lumabas dito may magagamit ka saan ka man pumunta."

"Salamat."

"Welcome, iayos muna lang ang pagkain natin, okay?"

"O-oo, pahinga ka muna tatawagin na lang kita kapag naayos ko na."

"Sige," Tumalikod na ito bitbit ang pagkaing inuwi ko.

Nakita ko kanina si George sa lobby galit na galit sa mga guwardiya parang papatay na sa galit. Lalo na sa mga tauhan niyang tatanga-tanga raw. Hindi ko masisi si George Hernandez napaganda naman kasi ni Renee kahit pa sabing isa itong lalaki. Nanghihinayang siguro ang gagong yun. Sorry na lang siya hindi na niya makikita si Renee kahit ano pa ang gawin niya.

*****

"So, you called, why?"

"Babe, anong klaseng tanong ba naman iyan, of course I miss you," malambing na tanong ni Diana sa akin mula sa kabilang linya. "Hanggang ngayon ba naman nagtatampo ka pa rin sa akin?"

Hindi ko mapigilan ang mainis sa sinabi ni Diana. So all along, ang inisip nito nagtatampo lang ako sa kanya.

"Hindi ito isang simpleng tampo lang Diana. I'm fed up"

"Babe---" pinutol ko na agad ang anumang sasabihin nito.

"Hindi ka ba talaga naniniwalang tinatapos ko na ang relasyon natin the last time we talked."

"But Babe please try to understand me."

"I do always understand you in everything because I love you."

"And I love you too."

"Really you love me but you choose your career over me."

"Please, last na talaga ito pagkatapos nito pakakasal na tayo."

"Ilang beses ko na bang narinig sayo iyan Diana. At saka kagaya nga nang sinabi ko tapos na tayo."

"Babe, ano ka ba? Ganun na lang yun babaliwalain at itatapon muna lang yung limang taong pinagsamahan natin?"

"For the record Diana, wala akong ibang ginawa kundi ang pahalagahan ka at ang relasyon natin."

"Please, huwag ka namang parang bata."

"Parang bata? Diana naman ang gusto magpakasal at buo ng pamilya kasama ka ganyan ba mag-isip ang isang bata. Pero mukhang wala ka namang interes na maging Mrs. Tyron Zaavedra."

"No, I do love to be your wife. Uuwi ako ng Pilipinas, maybe after one month then let's talk and fix everything."

I felt really dissappointed to what she said. Kung talagang mahal ako ni Diana uuwi ito agad-agad pero hindi gusto pa nitong maghintay pa ako ng isang buwan bago kami mag-usap. Anong tingin nito sakin tangang maghihintay pa rin sa kanya.

I had enough, I think this is the best way to end everything with her

"By that time, kasal na ako sa iba. So, Diana huwag ka nang mag-abala pa."

"Tyron!"

"Bye," saka ko na tinapos ang tawag.

Muli na namang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko ang caller si Diana ulit kaya naman ini-off ko na lang para hindi na ulit ako nito matawagan.

"Tyron, nakahanda na ang pagkain kain na tayo." tawag sakin ni Renee mula sa pinto ng kuwarto ko kung saan ito nakatayo.

Hindi ko maiwasang mapatitig kay Renee. He is too beautiful for a man, looks submissive, and innocent.

"Sige, let's eat," tumayo at hakbang na ako patungo sa pinto.

Tumalikod naman na si Renee at nauna na itong bumalik sa dining room. Hanggang may kung anong ideya ang pumasok sa utak ko habang nakasunod ako kay Renee.

Kung siya na lang kaya ang yayain ko nang kasal. Kung uuwi si Diana gusto kong patunayan sa kanya na kayang-kaya ko gawin ang mga sinabi ko at ipagpalit sa iba lalo pa't hindi sa isang babae kundi sa isang pusong babae. I'll give her the biggest surprise of her life

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon