ZBS1#5

874 69 1
                                    

Renee

"Marry me Renee." saad ni Tyron

"A-ano?" muntik na kong mahulog sa sofa sa sinabi ni Tyron.

"Well, it sounds crazy and ridiculous, pero iyon ang mabisang paraan para makaiwas ka kay George Hernandez dahil kahit gaano siya kaimpluwensya, bilang isang Zaavedra kaya kong tapatan at higitan ang anumang impluwensyang meron siya at iyon din ang paraan para magkaroon ako ng karapatang protektahan ka laban sa kanya at hindi na magkaroon ng pagkakataon ang tatay mo na bawiin ka sa akin kapag asawa mo na ako. And I doubt, kung babawiin ka pa niya kapag nalaman niya na isang Zaavedra ang napangasawa mo, hindi ba? Well, I'm sorry to say this but it also came from you right? na mukhang pera ang tatay mo kaya gusto niyang ipakasal ka kay George na pinakamayaman sa bayan ninyo."

Ilang sandali matapos magsalita si Tyron ay hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang alok nito maliban sa mukhang pera ang tatay ko. At kahit alam ko ang katotohanang iyon masakit pa rin palang marinig mula sa bibig ng ibang tao.

"So, what can you say about my proposal?"

"B-bakit?" balik tanong ko. Hindi ba niya nakikita na kahit na pusong babae ako ay lalaki pa rin ako. Kahit na tanggap ang same sex marriage sa Pilipinas, sa mata ng lipunan hindi pa rin tanggap ang katulad ko. Sa kagwapuhan taglay nito kahit na sinong babae ay magkakandarapa rito. Kaya hindi ko lubos maisip na katulad ko lang pipiniliin nitong pakasalan.

"Anong bakit?"

"B-bakit ako ang pakakasalan mo, maraming babae diyan handang pumayag sa alok mo saka pareho tayong lalaki ano na lang ang sasabihin ng iba kung sakali"

"Look I don't have any interest in other woman and I also don't care about what anothers will say, this is my life and I will do anything I want."

"Pero ilang araw pa lang tayong magkakailala. Isa pa hindi biro ang salitang kasal, it is a lifetime commitment at hindi ka naman siguro papatali sa---"

"Don't worry, hindi masasabing lifetime committement ang kasal na alok ko sayo dahil maghihiwalay rin tayo. It just a temporary set-up dahil kagaya mo may sarili rin akong problema na pinagdaraanan bago tayo nagkakilala. I was piss off to my fashion model girlfriend that always rejecting my marriage proposal because she prioritize her career and before our path cross, we argue about re-newing contact from her modeling agency. I got mad at her, dahil hindi iyon ang naging usapan namin last year bago ko siya pinatawad sa pagre-renew uli ng kontrata. And I've already told her, wala na siyang babalikan dahil pinili niya ang career niya kaysa sa akin. At sa kinakaharap mong problema ngayon, siguro naman ay hindi ka na talo kapag pumayag ka. Afterall, our marriage will not be consummated I mean sa papel at salita lang tayo pakakasal. Never kitang gagalawin no sex involve, no string attached, no commitment maliban sa kailangan mong ingatan ang pangalan ko sa panahong kasal pa tayo, and I'll do the same." mahabang sabi ni Tyron.

Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo ng kasal. Isa pa ay kaya nga tinakasan ko si George ay ayaw kong makasal sa lalaking hindi ko naman mahal at magdusa habang buhay. Pero ngayon isang kasal pa rin ba ang makapagliligtas sa akin sa buhay na inaayawan ko.

"N-naguguluhan ako," saad ko

"Of course, magugulo talaga ang isip mo sa alok ko kahit naman ako ay nag-iisip din kung tama bang alukin kita ng ganoong klaseng proposal. But come to think of it, you should choose the lesser evil. Sa akin may pagkakataon kang makalaya samantalang kay George siguradong matatali ka na sa kanya habang buhay. At ako, maipamumukha ko kay Diana na isang maling pagkakamaling balewalain at habang buhay na kaligayahan sa piling ko."

"Mahal na mahal mo talaga siya kaya sobra kang nasasaktan sa pagbalewala niya sa iyo."

"Yes, I do love her but fot me it's more on my ego my wounded pride. Siya pa lang ang unang babaeng inalok ko ng kasal pero ilang beses niya akong tinanggihan, nakakainis at nakakabuwisit pala. Anyway, may isang bagay pa nga pala na dapat mong malaman. If you agreed in my marriage proposal. You'll be compensated, kapag maayos ang divorce natin someday. I'll give you a lot of money enough for you to live well and your family. How about five million pesos, a house and lot, and a car?"

Hindi ko maiiwasang madismaya, he sounds like a businessman. Para bang isang deal lang ang iniaalok nito sa akin. Kunsabagay isa nga pala itong businessman at Ceo pa. Noong una alam ko na talagang mayaman ito sa pananamit at tindig palang pero ang hindi ko akalain na napakayaman pala ng pamilya nito. Aksidente ko kasing nabasa ang article sa magazine na featured ito kasama ang pamilya.

Ganito ba talaga ang mga mayayamang tao parang nagtatapon lang ng pera dahil sa nasaling ang ego at pride? Pero kung papayag naman ako sa alok nito matatakasan ko na si George

"So, anong sagot mo?" tanong ni Tyron.

"H-hindi ganoon kadaling magdesisyon," ang sagot ko.

"I know, I'll give you two days and two nights to think about my proposal. Hanggang doon lang ang kaya kong ibigay na palugit."

Napalunok ako alam kong ginipit ako ni Tyron. Pero tama naman ito, I should choose the lesser evil.

"H-hayaan mo pag-iisipan ko itong mabuti at sa sandaling makapagdesisyon ako sasabihin ko agad sa iyo."

"Good! I'll wait to your answer and I hope that you'll say yes. So, then take a rest and I'll take mine too, Goodnight," paalam nito.

Pumasok na rin ako sa aking kwarto. Iniisip ko ang alok ni Tyron na kasal kung papayag ba ko o tatanggi. Kung tatanggihan ko ang alok nito kay George ang bagsak ko at kailanman ay hindi na ako makakawala pa. Kaya naman nakapagdesisyon na ko pero sana tama ang gagawin ko.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon