Renee
Masasarap lahat ng putaheng iniluto ni Archer hindi naman nakapagtataka iyon dahil nalaman kong isa palang Chef si Archer at nagmamay-ari ng restaurant.
"I heard from Tyron na tapos ka raw ng culinary arts, may iba ka pa ba plano bukod sa maging may bahay nitong si Tyron," nakangiting tanong ni Archer.
Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon ni Archer pero sa totoo lang ay gusto kong magtrabaho. Hindi sa naiinip ako sa tuwing isinasama ako ni Tyron sa opisina nito pero naisip ko kasi hindi puwedeng dumepende na lang ako palagi kay Tyron.
"Ang totoo niyan gusto kong magtrabaho," sagot ko.
Talagang pinag-iisipan ko ng mabuti ang desisyon na magtrabaho saka paano na lang kung hindi ako magawang mahalin nito. Isa pa kahit na sinabi nito na kung matapos man ang lahat sa amin ay babayaran ako nito katulad ng una naming kasunduan hindi ko naman tatanggapin ang ibibigay nito kaya mas makabubuti na rin ang makaipon ako habang nasa poder ako nito.
"What! gusto mong magtrabaho?" hindi makapaniwalang tanong ni Tyron.
"Oo, Tyron pasensiya ka na ang totoo sasabihin ko naman sayo itong plano ko naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon," saad ko. "Gusto ko talagang magtrabaho kaya sana payagan mo ko," dagdag ko pa.
Napabungtung-hininga naman ito sa sinabi ko dahil alam nitong nakapagdesisyon na ako tungkol sa bagay na iyon.
"Kung papayag ako saan ka naman magtatrabaho?" tanong ni Tyron.
"He can work for me, tutal kulang ako ng staff sa restaurant," alok ni Archer.
Hindi ko naman inaasahan ang alok na iyon ni Archer sa akin.
"Alam kong mapapanatag ka Tyron kung sa akin siya magtatrabaho" dagdag na saad pa ni Archer.
"It's depends in Renee's decision," saad nito Tyron na nakatingin sa akin.
"So, what do you think Renee?" tanong naman ni Archer sa akin.
Hindi na rin masama kung kay Archer ako magtatrabaho pero baka naman isipin ng mga staff nito na kaya ako nakapasok sa trabahong iyon dahil kaibigan nito ang asawa ko.
"Gusto ko sana kaso baka naman isipin ng mga staff na kaya ako natanggap sa trabaho ay dahil asawa ako ng kaibigan mo," saad ko sa ikinababahala ko.
"No need to worry about that, you will be undergo an cooking test and my staff will be the one who decide if you are really capable to do the job," nakangiting saad nito.
Natuwa naman ako sa sinabing iyon ni Archer.
"Kung ganun sige susubukan kong gawin ang makakaya ko para makapagtrabaho ako sa restaurant mo," nakangiting saad ko.
"I know, that you can do it," nakangiting saad ni Archer. "Tomorrow in the morning you can drop by to my restaurant," dagdag pa nito.
Tyron
"Talaga bang gustong -gusto mong magtrabaho?" tanong ko kay Renee na kaming dalawa na lang at kaaalis lang ni Archer.
Hindi ko naman kasi inaasahan na may ganitong plano ito na magtrabaho hindi ko tuloy maiwasan mag-isip na baka nagsasawa na itong makasama ako palagi.
"Oo gusto ko," sagot nito.
"O, baka naman nagsasawa ka na makasama ako?" medyo pabirong tanong ko pa.
"Hindi naman sa ganun, ayoko naman kasi na palagi na lang akong nakadepende sa iyo," sagot nito.
"Wala namang problema sa akin iyon mag-asawa naman tayo," saad ko.
"Pero alam naman nating pareho na temporary lang ang lahat ng ito di ba ayoko lang na masanay ako," saad nito.
Kung ganun ay talagang inisip nito na panandalian lang ang lahat sa aming dalawa ni hindi man lang ba sumagi sa isip nito na puwede rin na maging pang habangbuhay ang pagsasama naming dalawa.
Muli naman akong napabungtung-hininga katulad kanina nang mapag-usapan na gusto nitong magtrabaho. Sa totoo lang hindi ko rin kasi gusto ang kaisipan na magtatrabaho si Renee kay Archer dahil hindi maiiwasan na maging malapit ang mga ito pero mali rin naman ang pag-isipan ko nang hindi maganda ang intensiyon ng matalik kong kaibigan na matulungan ang asawa kong makapag-trabaho.
'Damn it, masyado naman yata akong napaparanoid gusto lang naman ng asawa ko ang magtrabaho'
"If your already decided I'll support you, sa mga gusto mong gawin," saad ko.
"Salamat," nakangiting saad nito.
'He really is beautiful when he smile, no wonder I fall for this young man'
"You should go to bed, ihahatid pa kita bukas sa restaurant ni Arc," nakangiting saad ko rito.
"Sige, ikaw rin magpahinga ka na, good night," nakangiting ring saad nito akma na sana itong tatalikod nang pigilan ko ito sa kamay.
"Wait," pigil ko rito.
"Bakit?" may pagtatakang tanong nito.
"Goodnight," nakangiting saad ko pa saka naman ako kumilos upang hinalikan ito sa pisngi. I just want to kiss him even if it's on the cheeks.
'He smell really nice'
Hindi ko rin mapigilan na masamyo ang mabango nitong amoy nang damping halikan ko ito sa pisngi.
"S-Sige, pasok na ko sa kuwarto ko," saad nito saka nagmamadaling itong pumasok ito sa sariling kuwarto.
'Damn it, Did my gesture made him uneasy'
Imbis nasa sariling kuwarto ko ako pumasok ay dumiretso ako mini bar para sumimsim ng alak. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito. Nameet ko ang love rival ko sa pagmamahal ni Renee. Gusto kong pag-isipan kung papaano nga ba mababaling ang pagmamahal ni Renee sa akin gayung naisipan na nitong magtrabaho hindi na kami gaanong magkakasama.
Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong umiinom nang alak nang maisipan kong lumapit sa tapat nang pinto ni Renee at pihitin ang seradura nito upang buksan at hindi naman ako nabigo na di mabuksan ang pinto dahil hindi naman ito naka-lock.
'Masyado talaga siyang tiwala sa akin na wala akong balak na hindi maganda sa kanya hindi man lang naglolock ng pinto'
Bahagya kong binuksan ang pinto ng kuwarto nito at pumasok. Lumapit ako kay Renee na himbing na himbing nang natutulog at pinagmasdan ito. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi haplusin ang maganda nitong mukha pati na rin ang mapupula nitong labi. Napalunok naman ako at hindi ko na nga pa muling napigilan ang aking sarili na halikan ang labi nito. Dampi lang ginawa kong paghalik sa labi nito dahil ayokong magising ko ito kung tatagalan ko pa ang paghalik.
'Damn it, para naman ako nitong magnanakaw sa ginagawa ko pero totoo namang nagnanakaw ako nang halik'
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)
Romance"Marry me Renee." saad ni Tyron Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo...