ZBS1#10

788 66 4
                                    

Renee

Natigilan ako sa pagpasok nang unit ng makita ko ang maganda at matangkad na babaeng nakaupo sa sofa.

"Sino ka?" nagtatakang tanong ko.

"Ako dapat ang nagtatanong kung sino ka at kung anong ginagawa mo dito sa condo ng boyfriend ko?"

Agad ko namang naunawaan kung sino ang tinutukoy nitong boyfriend.

'Marahil ay siya si Diana.'

"A-Ako si Renee ang asa---," hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabuhin ng tumakbo ito para salubungin ng yakap ang bagong dating na si Tyron.

"Babe, I miss you."

Agad namang tinanggal ni Tyron ang pagkakayakap nang babae rito at lumapit sa akin at inakbayan ako. Lihim na napasinghap ako nang maramdaman ko ang init ng katawan nito at ang bahagyang paghapit nito sa akin palapit sa katawan nito sa sarili kong katawan.

"Kailan ka pa dumating?" kaswal na tanong nito sa babae.

"K-Kaninang hapon lang at mula sa airport ay dito na ko ako tumuloy, since may sariling susi naman ako. S-Sino siya, babe?"

"Siya ang asawa ko." saad ni Tyron.

"A-Asawa," gulat na sambit nito.

"Yes!"

"But, Tyron bakit mo ginawa? Sinabi ko naman sa iyo na hindi pa tayo break at pagbalik ko mag-uusap tayo."

"Nang pumirma ka nang kontrata Diana tinapos ko na ang lahat sa atin at sa tingin mo ba hihintayin pa kita."

"Alam kong galit ka lang sa akin kaya mo ginagawa ito, hindi ako naniniwala na magagawa mo akong ipagpalit sa baklang 'yan!"

"Well believe it or not, I don't care. Hinding-hindi na kita babalikan."

"No, I know you still love me." muling yumakap si Diana kay Tyron pero agad din itong inalis ni Tyron.

"Stop it! Diana tingin mo ba kung mahal pa kita magpapakasal ako sa iba. I don't love you anymore, at kasalanan mo 'yon dahil sa pangbabale wala mo sa relasyon natin. You're not just a spoiled-brat, demanding ka rin at sobrang tiwala mo sa sarili. You're too selfish! Kaya masisi mo ba akong magmahal ng iba?"

"Magmahal? Sinabi mo bang mahal mo na ang baklang 'yan. Tyron I know your an straight guy, kaya paano mo siya mamahalin."

"Diana sabi ng nakakarami, love is no gender or preferences. Kaya wala kang karapatan na kuwestiyonin ang pagmamahal ko para sa asawa ko at kung nagawa ko man siyang mahalin, it is because he is way better than you."

'Masama bang humiling na sana magawa talaga akong mahalin ni Tyron'

"T-Tyron." sambit ni Diana

"Diana, it's all over, okay? Just live in our own life. Nakapirma ka na naman ng bagong kontrata sa agency mo, so be it. And, ako may pinirmahan na ring ibang klaseng kontrata at iyon ay ang marriage contract namin nang asawa ko. So, please just let it go, huwag mo nang paniwalain ang sarili mo na mahal pa rin kita."

"Huwag mo rin akong papaniwalain na pinakasalan mo ang baklang 'yan dahil mahal mo siya! I won't buy it, you love no one but me!"

"C'mon, Diana tumigil ka na. Mahiya ka naman sa asawa ko para kang walang pinag-aralan."

"Bakit naman mahihiya sa baklang 'yan binabawi ko lang naman kung ano ang akin. At sino ba siya? Saang basura mo ba siya nadampot."

"How dare you Diana, huwag na huwag mong ikumpara sa basura ang asawa ko dahil kung ipagkukompara ko kayong dalawa. He was even a real gem compared to you. Ang mabuti pa Diana umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga bodyguards na nasa labas."

Ilang sandali namang hindi nakakibo si Diana.

"Okay, aalis ako ngayon, but Tyron I know that deep inside your heart you still love me and I'm going to win you back." saad nito at humakbang na palabas nang unit.

Nakahingi naman ako nang maluwag nang tuluyan ng makaalis si Diana habang si Tyron naman ay napapailing na lang.

"Renee, I'm sorry kung---"

"Hindi mo kailangang mag-sorry inaasahan ko nang mangyayari ang ganito na makakaharap ko ang ex mo, hindi ko lang inaakala na ngayon, na pagkatapos na ma-meet ko ang pamilya ang ex mo naman." saad ko.

"But, still I own you an apology." nakangiting saad ni Tyron.

Lalo talagang gumaguwapo ni Tyron kapag nakangiti.

"T-Tyron puwede ba kong magtanong?"

"Sige, ano ba yun?"

'Mahal mo pa ba si Diana?' iyan sana ang gusto kong itanong kay Tyron pero nagbago na ang isip ko. Natatakot akong sumagot ito ng 'Oo'. Alam kong gusto lang ni Tyron bigyan nang leksyon ang dating kasintahan kaya na sabi nito ang mga bagay na iyon kanina pero hindi ibig sabihin niyon ay wala na itong pagpamamahal para rito.

"Anong gusto mong almusal bukas?"

"Akala ko kung ano na, siyempre yung niluluto mong fried rice na maraming bawang at daing na bangus na may sawsawang suka at sili." natatawang saad ni Tyron.

"Sige ipagluluto kita."

"Anyway, it's a long day for the both of us. Let's take a rest."

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Ngunit bago ako pumasok sa kuwarto ko tinawag ako ni Tyron.

"Renee, Goodnight."

"Goodnight din," saka ako tuluyang pumasok sa loob nang kuwarto ko.

Gustuhin ko mang matulog na hindi pa rin ako dalawalin ng antok. Iniisip ko pa rin sa nangyari kanina. Paano na lang kung magkabalikan si Tyron at Diana ano na lang ang mangyayari sa akin.

'Hindi puwede kailangang gumawa ako ng paraan para makalimutan ni Tyron ang ex niya. Impossible man pero kailangang magkagusto rin siya sa akin pero sa anong paraan naman kaya'

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon