ZBS1#23

406 25 2
                                    

Renee

Alam kong nagulat si Tyron sa ginawa kong pagyakap dito hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Diana kanina agad din naman akong bumitaw sa pagkakayakap ko rito. Hindi ko nga rin alam kung dapat ko pa bang sabihin kay Tyron na nakausap ko ang ex-girlfriend nito.

"P-pasensya na kung bigla na lang kitang niyakap hindi kasi naging maganda ang panaginip ko," pagsisinungaling ko.

"Ayos lang sakin kahit ilang beses mo pa kong yakapin," nakangiting saad nito.

"Teka nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita ng pagkain," akma na sana akong tatayo pero pinigilan ako nito.

"No, just stay here pahinga ka lang kaya ko na ang sarili ko masyado ka sigurong napagod sa trabaho kaya naman nanaginip ka ng hindi maganda," ani nito. "Siyanga pala nakakita na ako ng bahay para sa pamilya mo, next week ay ipapasundo ko na sila sa resort para makaluwas na sila."

"T-Talaga? thank you so much, Tyron! h-hindi ko talaga alam kung paano ka pasasalamatan sa mga kabutihan mo," nakangiting saad ko.

"Palagi mo lang akong ipagluto ng masasarap na pagkain okay na ko dun," nakangiting saad nito.

"Grabe gutom ka na siguro kumain ka na kaya," nakangiting ani ko.

Natigilan kami ni Tyron nang tumunog ang cellphone nito tiningnan pa nito ang caller bago nito sinagot ang tawag.

'Si Diana kaya ang caller'

"Yes, Lucas bakit?" ani ni Tyron sa kabilang linya.

'Lucas pala akala ko si Diana ano ba 'yan masyado naman yata akong napaparanoid'

"Okay, I'll be on my way hintayin mo ka diyan," saad nito saka tinapos ang tawag.

"Aalis ka?" tanong ko.

"Yeah, I need to accompany my brother I think he has a problem," saad nito.

"Ganun ba, mag-ingat ka sa pagdrive," ani ko.

"Yeah for you, mag-iingat ako sige na matulog ka pa ulit, goodnight," ani nito at ginawaran ako ng halik noo saka ito lumabas ng kuwarto ko.

Nakangiting napasapo na lang ako sa noo kong hinalikan ni Tyron. Hindi ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa sweet na katulad ni Tyron.

Tyron

Nandito ako ngayon sa isang Bar inanyayahan akong mag-inom ni Lucas dahil ako lang ang available na sa aming magkakapatid ay wala akong choice kundi ang samahan ito. Hindi ko na nga sinabi kay Renee na sa bar ang punta ko. 

Alam naming magkakapatid na masyadong mahina ang alcohol tolerance ni Lucas sa alak kaya kailangan talaga nito ng makakasama dahil baka kung ano ang mangyari dito. Ikinuwento nito kung paano nito nahuli ang girlfriend na nakikipagtalik sa ibang lalaki.

"Niloko niya ko Ty, manloloko siya," saad nito sabay inom ng alak.

"Yeah, I know ilang beses mo nang sinabi yan," ani ko na pinanonood ito kung paano nito gawing tubig ang alak.

"Minahal ko naman siya ano pa ba ang kulang sakin."

"Walang kulang sayo hindi lang siya makontento sayo."

"Buti ka pa mahal ka ng asawa mo," ani nito.

Napailing na lang ako sa inaakto ni Lucas kung alam lang nito na ang totoong namamagitan sa amin ni Renee.

"Tama na ang pag-inom Lucas, iuuwi na kita," awat ko pa sa kapatid ko.

"Hindi pa ko lasing Ty."

Napabungtung-hininga na lang ako at walang magawa dahil ayaw talaga nitong magpaawat sa pag-inom hinayaan ko na lamang ito tutal kasama naman ako nito. Panay pa nga ang lapit sa amin ng mga babae pero dedma na lang ako.

Hanggang sa mahagip ng paningin ko ang taong hindi ko inaasahang  makikita ko sa lugar na iyon walang iba kundi si Victor lalo pa't may kasama itong isang pang lalaki na mukhang isang foreigner at sweet na sweet pa ang mga ito sa isa't-isa. Hindi naman ako nakatiis at nilapitan ko kaagad ang mga ito. Nang makalapit ako nanlalaki ang mga mata ni Victor nang makikilala ako.

"Victor, What is the meaning of this?" nakakunot-noong tanong ko.

"A-Ano kasi---"

"Love who is he?" tanong ng kasama nitong foreigner.

"H-is my friend love," ani nito.

"L-ove" hindi makapaniwalang saad ko sa palitan ng endearment ng mga ito.

'Naguguluhan ako dahil ang alam ko ay boyfriend ni Renee si Victor pero ano itong nakikita at naririnig ko'

"Ahm... Love can you wait me here I will just talk to my friend."

"Yeah, sure."

"Sa labas na lang tayo mag-usap Tyron," saad nito.

Nang makalabas kami ay kaagad naman akong nagtanong.

"Ano ba talagang meron sa inyo ni Renee, Victor niloloko mo ba siya?" diretsong tanong ko.

"Ang buong katotohanan ay wala naman talaga kaming relasyon ni Renee yung kasama ko siya ang karelasyon ko. As you can see, pusong babae rin ako hindi kami magiging magkasintahan ni Renee dahil boylet rin ang gusto ko at besty lang kami hanggang dun lang," mahabang saad nito.

"In short nagpapanggap lang kayong dalawa na magkasintahan ganun,"

"Oo," pag-amin nito.

"Wala palang kuwenta yung mga pagseselos ko," sambit ko.

"So, nagseselos ka pala samin ng asawa mo,"

"Yeah, I admit it,"

"Kung ganun may silbi naman pala yung pagpapanggap na ginagawa namin sabi na ko na talaga may feelings ka sa kaibigan ko, huwag ka mag-alala may feelings rin si Renee sayo parehas lang kayo ng nararamdaman," saad nito.

"R-Really."

"Oo, kaya naman umamin ka na dun sa kaibigan ko," saad pa nito.

'Kung ganun parehas lang kaming may feelings sa isa't-isa'

Hindi ko na napigilang hindi mapangiti sa kaisipang yun pero mas maganda kung maririnig ko mismo sa bibig ni Renee na mahal rin ako nito.

"Can you do me a favor," ani ko.

"Ano 'yun?"

"Huwag mong sabihin kay Renee na alam ko na ang tungkol sa pagpapanggap ninyo."

"Okay, fine," ani nito. "Sige na babalikan ko na yung boyfriend ko dun sa loob siguradong naiinip na yun na wala ako," ani nito saka pumasok sa loob ng bar.

Natutuwa ako sa nalaman kong wala naman talagang relasyon si Victor at Renee pero bakit naman kaya nagsinungngaling siya tungkol sa bagay na 'yun. 

Nang balikan ko sa loob ng bar si Lucas ay wala na ito sa puwesto nito kung saan ko ito iniwan kanina.

'Damn it, saan naman kaya nagpunta ang isang 'yun nawala lang ako saglit hindi kaya nagbanyo'

Nagpunta ako ng banyo para masiguradong nandun nga si Lucas pero wala ito roon nilibot ko na ang buong bar pero wala ito kahit saang sulok. Naisipan kong tawagan ang cellphone nito pero out of coverage area naman. Wala akong choice kundi ang makiusap na makita ang cctv footage ng bar buti na lang at pumayag. Nakita ko ang paglabas nito nang bar na may kasama pasakay sa taxi.


Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon