Renee
Nakahinga ako nang maluwag ang buong akala ko kasi talaga nagalit sa akin si Tyron sa hindi ko malamang dahilan nang bigla na lang itong nag-walkout kagabi, trabaho lang naman pala ang dahilan.
"O, di ba katatapos mo lang mag-excersice ang dami mo na namang kinakain," saad ko nang mapansin kong kumukuha na naman ito nang isa pang serving plate ng fried rice.
"Ang sarap kasi talaga ng fried rice mo na maraming bawang."
"Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga." natatawang saad ko.
Nasasayahan akong gustong-gusto ni Tyron ang mga pagkaing niluluto ko at masaya akong napagsisilbihan ko ito.
"Siya nga pala puwede bang hindi muna ako sumama sayo ngayon sa opisina mo may kaibigan kasi akong kikitaan." pagpapaalam ko.
Nakita ko ang pagkunot-noo nito sa sinabi ko.
"Kaibigan? Hindi ba ang sabi mo wala kang kaibigan o kakilala dito sa maynila?"
"O-Oo nga, kailan lang naman kasi kami nagkaroon ng komunikasyon."
"Okay, sige kung gusto mong makipagkita sa kaibigan mo papayagan kita pero kailangang kasama ang mga bodyguards, understand?"
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa gusto nito. Laking pasalamat ko nang pinayagan ako ni Tyron. Ang totoo ay makikipagkita ako kay Victor nakauwi na kasi ito ng Pilipinas at gustong makipagkita sa akin.
Matapos kong maglinis nang buong unit naghanda na ako sa pag-alis. Katulad nang gusto ni Tyron kasama ko ang mga bodyguards na umalis papunta sa restaurant na malapit lang dito sa condominium kung saan kami magkikita ni Victor.
Nang makarating ako sa lugar kung saan kami magkikita ay hindi naman ako nahirapang hanapin si Victor sa loob nang restaurant dahil pigura pa lang nito ay kilala ko na.
"It's that you, Ren?" saka ako niyakap. "OMG sexy ka pa rin at lalo ka pang gumanda samantalang ako kahit anong gawin hindi ko pa rin ma-achive ang ganyang sexy ganda lang," natatawang saad nito. "Halika maupo ka." yakag nito sa akin.
"Thank you, Victor," nakangiting saad ko.
Napa-roll eyes naman ito nang tinawag ko itong 'Victor'.
"Puwede ba bakla alam mo namang hate na hate ko ang pangalang Victor ang brusko kasing pakinggan, call me Vicky," iritang saad nito.
"Okay, sorry na, Vicky." natatawang saad ko.
Ang totoo hindi ko boyfriend si Victor a.k.a Vicky dahil pareho kami nang gender preference saka magkaibigan na kami simula pagkabata at sabay na lumaki. Nagsinungaling ako kay Tyron nang sabihin kong boyfriend ko si Victor kaya hindi ko na rin sinabi kung sino ba talaga ang kikitain ko baka kasi kung ano pa ang isipin nito. At siyempre hindi rin alam ni Victor na ipinakilala ko itong boyfriend.
"Anyway, nag-order na ako ng foodies natin para kapag dumating ka ma-serve na agad. Don't worry alam ko namang magugustuhan mo 'yun." saka ito napatingin sa labas nang restaurant.
"Okay," saad ko. "Sino yung tinitingnan mo diyan?" tanong ko.
"Yung mga MIB sa labas."
"MIB?" nakakunot noong tanong ko.
"MIB meaning men in black, tingnan mo yung apat na lalaki sa labas na parang mga bodyguards." saad nito na nakatingin pa rin sa labas.
"A-Actually mga bodyguards ko sila."
Napatingin naman agad ito sa akin na may nanlalaking mga mata.
"Wait, the last time na magka-chat tayo ang sabi mo hindi natuloy na makasal ka kay George. So, bakit ka may mga bodyguards? paki-explain."
"Ganito kasi 'yun," ikinuwento ko rito ang buong detalye kung paano ko nakilala si Tyron hanggang sa ikinasal kami.
"What! So, may asawa ka at hindi si George kundi nagngangalang Tyron Zaavedra?"
Tumango naman ako bilang pagsagot sa sinabi nito.
"Papable ba iyang asawa mo hindi katulad ni George na kamukha ni shrek," tanong nito.
"Oo, guwapo si Tyron at higit sa lahat napakabait din niya siya yung tipo nang taong gugustuhin mong mahalin," nakangiting saad ko.
"So, mahal mo na yung asawa tama ba?"
"O-Oo," pag-amin ko. "Pero kagaya nga nang sinabi ko nagpapanggap lang kaming mag-asawa ni Tyron."
"Napapanggap o hindi, still mag-asawa pa rin kayo at nagsasama sa iisang bubong. Who knows he will see your good qualities at ma-fall siya sayo."
Napangiti ako sa sinabi ni Victor at masaya akong may napagsasabihan akong kaibigan tungkol sa amin ni Tyron.
"M-meron pa sana akong gustong sabihin sa iyo," saad ko.
"Ano naman 'yun," curious na tanong nito.
"A-Ang totoo kasi bago kami ikinasal ni Tyron ang sabi ko may boyfriend ako na nangibang bansa ginamit ko ang pangalan mo."
"Anoooo!" gulat sigaw nito kaya naman pati ang ibang customers nang restaurant ay napatingin sa amin.
"Naku, Sorry po, sorry, sorry," paumanhin ko sa ibang customers. "Ano ka ba hindi mo na naman kailangang sumigaw."
"Nakakaloka ka bakla paanong hindi ako mapapasigaw ginamit mo lang naman pangalan ko, to introduce me as your boyfriend, paano kung maniwala talaga 'yun."
"Huwag kang mag-alala sasabihin ko rin naman kay Tyron yung katotohanang hindi naman kita boyfriend ayoko ko rin namang ma-misunderstand niya ako."
"Dapat lang, dahil kung hindi makukurot kita sa singit."
Natawa na lang ako sa sinabi nito at hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga pagkaing in-order nito.Marami pa kaming napagkuwentuhan habang kumakain katulad na lang na may boyfriend na ito.
"So, paano aalis na ko, see you next time at ipapakilala kita sa boyfriend ko," saad nito na halong kilig nang banggitin ang boyfriend nito.
"Sige bye na, mag-iingat ka."
"Siyempre naman, magpapakasal kami nang boyfriend ko, sige na bye." saka ako nito bineso-beso bago ito lumakad paalis.
Matapos ang pagkikita namin ni Victor ay dumaan pa muna kami sa grocery paubos na kasi ang stock namin sa unit.
Nasa lane ano ng mga de lata at pilit kong inaabot ang pineapple chunk na nasa may kataasan na estante. Hanggang sa may isang kamay na umabot sa inaabot ko.
"I notice that your having a hard time getting this, here," saad ng lalaki pagkaharap ko dito saka nito iniabot sakin ang pineapple chunk.
Hindi ko naman maiwasang mamangha sa kaguwapuhan ng lalaki kaharap ko.
"S-Salamat sa tulong," nakangiting pasasalamat ko.
"Welcome," saad nito. "By the I'm Archer and you are?" saka nito nilahad ang palad.
"I-I'm Renee," saad ko at hindi naman ako nag-alangan na abutin ang palad nito upang makipagkamay. "Salamat ulit, sige alis na ko," nakangiting pagpapaalam ko rito saka ako nagpunta sa meat section.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil ang kagaan-gaan ng loob ko sa lalaking nagpakikilalang Archer at ang mga mata nito parang nakita ko na kung saan pero hindi ko naman matandaan.
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)
عاطفية"Marry me Renee." saad ni Tyron Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo...