"Marry me Renee." saad ni Tyron"A-ano?" muntik na kong mahulog sa sofa sa sinabi ni Tyron.
"Well, it sounds crazy and ridiculous, pero iyon ang mabisang paraan para makaiwas ka kay George Hernandez dahil kahit gaano siya kaimpluwensya, bilang isang Zaavedra kaya kong tapatan at higitan ang anumang impluwensyang meron siya at iyon din ang paraan para magkaroon ako ng karapatang protektahan ka laban sa kanya at hindi na magkaroon ng pagkakataon ang tatay mo na bawiin ka sa akin kapag asawa mo na ako. And I doubt, kung babawiin ka pa niya kapag nalaman niya na isang Zaavedra ang napangasawa mo, hindi ba? Well, I'm sorry to say this but it also came from you right? na mukhang pera ang tatay mo kaya gusto niyang ipakasal ka kay George na pinakamayaman sa bayan ninyo."
Ilang sandali matapos magsalita si Tyron ay hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang alok nito maliban sa mukhang pera ang tatay ko. At kahit alam ko ang katotohanang iyon masakit pa rin palang marinig mula sa bibig ng ibang tao.
"So, what can you say about my proposal?"
"B-bakit?" balik tanong ko. Hindi ba niya nakikita na kahit na pusong babae ako ay lalaki pa rin ako. Kahit na tanggap ang same sex marriage sa Pilipinas, sa mata ng lipunan hindi pa rin tanggap ang katulad ko. Sa kagwapuhan taglay nito kahit na sinong babae ay magkakandarapa rito. Kaya hindi ko lubos maisip na katulad ko lang pipiniliin nitong pakasalan.
"Anong bakit?"
"B-bakit ako ang pakakasalan mo, maraming babae diyan handang pumayag sa alok mo saka pareho tayong lalaki ano na lang ang sasabihin ng iba kung sakali"
"Look I don't have any interest in other woman and I also don't care about what anothers will say, this is my life and I will do anything I want."
"Pero ilang araw pa lang tayong magkakailala. Isa pa hindi biro ang salitang kasal, it is a lifetime commitment at hindi ka naman siguro papatali sa---"
"Don't worry, hindi masasabing lifetime committement ang kasal na alok ko sayo dahil maghihiwalay rin tayo. It just a temporary set-up dahil kagaya mo may sarili rin akong problema na pinagdaraanan bago tayo nagkakilala. I was piss off to my fashion model girlfriend that always rejecting my marriage proposal because she prioritize her career and before our path cross, we argue about re-newing contact from her modeling agency. I got mad at her, dahil hindi iyon ang naging usapan namin last year bago ko siya pinatawad sa pagre-renew uli ng kontrata. And I've already told her, wala na siyang babalikan dahil pinili niya ang career niya kaysa sa akin. At sa kinakaharap mong problema ngayon, siguro naman ay hindi ka na talo kapag pumayag ka. Afterall, our marriage will not be consummated I mean sa papel at salita lang tayo pakakasal. Never kitang gagalawin no sex involve, no string attached, no commitment maliban sa kailangan mong ingatan ang pangalan ko sa panahong kasal pa tayo, and i'll do the same." mahabang sabi ni Tyron.
Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo ng kasal. Isa pa ay kaya nga tinakasan ko si George ay ayaw kong makasal sa lalaking hindi ko naman mahal at magdusa habang buhay. Pero ngayon isang kasal pa rin ba ang makapagliligtas sa akin sa buhay na inaayawan ko.
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)
Romance"Marry me Renee." saad ni Tyron Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo...