ZBS1#8

836 66 1
                                    

Renee

"P-patawarin mo ako, anak," nakayukong saad ni tatay. "Huli na nang maisip kong napakalaki ng kasalanan ko sa iyo."

Nandito kami ngayon ni Tyron sa Isla Maribella na pag-aari nito. Hindi natuloy ang naunang plano ni Tyron dahil sa nangyari sa condo kaya naman naisipan na lang nito na dalhin ako sa mga magulang ko.

"Huwag na ninyong isipin iyon, 'tay kalimutan na po natin 'yon. Ang mahalaga po hindi ako nakasal kay George at wala siyang nagawang masama laban sa inyo ni nanay." pagpapatawad ko kay tatay.

"S-Salamat, anak."

Kahit naman nagawa akong ipagbili ni tatay kay George ayokong magtanim ng sama ng loob dahil tatay ko pa rin naman ito.

"Anak buti na lang at nakilala mo itong si Tyron," saad naman ni nanay. "Mukhang napakabait ng asawa mo, nangako nga siya sa amin na kapag malamig na ang sitwasyon ay paluluwasin na niya kami sa lungsod."

"Tama po kayo 'nay talaga pong napakabuti ni Tyron." nakangiting saad ko.

Napasulyap ako kay Tyron na abala sa pakikipag-usap kay Miko na kasalukuyang namamahala sa Maribella Resort.

'Kung alam ninyo lang panandalian lang ang lahat sa amin'

Sa isiping iyon tila may kirot akong nadarama sa aking puso.

"Pero alam mo, sa tingin ko ay mukhang mas mayaman siya kay George, ano?" saad ni tatay.

"Ernesto, ano ka ba nakakahiya sa anak natin, yaman naman iyang naiisip mo!" singhal ni nanay.

"P-pasensiya na," nakayukong saad ni tatay.

Napangiti na lang ako kung paano pagsabihan ni nanay ang tatay. Nakikita ko naman kay tatay ang kagustuhan nitong magbago at natutuwa ako sa kaisipang iyon.

"Alam mo ba anak nang malaman namin na natakasan mo si George nakatakot kami. Buti na lang at dumating agad ang mga tauhan ng asawa mo." pagsasaad ni nanay.

Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ni Tyron sa sinabing iyon ni nanay. Napatingin rin naman sa akin si Tyron at nginitian ako kaya naman nginitian ko rin ito.

'Thank you so much Tyron. Hulog ka ng langit sa buhay namin ng pamilya ko'

Sa Isla Maribella kami nagpalipas ng gabi sa kagustuhan na rin ni Tyron. Tumutuloy kami isa sa mga kuwarto ng resort. Since alam na nang mga trabahador ng Isla Maribella ang kaugnayan ko kay Tyron Zaavedra. Wala kaming choice kung hindi ang magsama sa iisang kuwarto.

"Dito ka na sa kama matulog sa sofa na lang ako," ani ni Tyron.

Napatingin ako sa sofang sinabi nito maliit lang ito kumpara sa tangkad ni Tyron na six feet, siguradong mahihirapan ito sa pagtulog.

"Sigurado kang sa sofa ka matutulog para kasing hindi ka kakasya diyan"

"So, what do you suggest, na tabi tayong matulog?"

"K-Kung okay lang sayo malaki naman yung kama puwede tayong maglagay ng unan sa gitna."

"Okay," nakangiting pagsang-ayon nito.

Namayani ang tahimikan sa pagitan namin ni Tyron tila kami nagpapakiramdaman.

"So, who's going to take a shower first you or me?" basag ni Tyron sa katahimikan.

"S-sige mauna ka na lang," saad ko.

Nang makapasok sa banyo si Tyron ay inayos ko na ang kamang tutulugan namin inilagay ko sa gitna ang malaking unan sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas pero narinig ko na ang pagbukas ng pinto nang banyo. Napatingin ako sa papalabas na si Tyron na nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko napigilan ang mapalunok sa tanawing nakikita ko.

Natuon ang mga mata ko sa malapad nitong dibdib sa mga brasong mamasel. All in all ay talaga nga namang napakakisig ni Tyron. Napadako ang tingin ko sa pinong balahibo nito sa dibdib pababa sa tiyan hanggang dumako sa may puson nito.

"Renee," pagtawag naman ni Tyron habang palapit sa akin.

Tila natauhan naman ako sa pagtawag na iyon sa akin ni Tyron. Hindi ko mapigilan ang pamulahan ng mukha  nang dahil napatulala talaga ako sa kakisigan nito. At talaga nag-explore pa ang mga mata ko sa hindi naman dapat nitong patunguhan.

"Aren't you going to take a shower,"

"H-Ha, O-Oo," dali-dali naman akong pumasok sa banyo.

'Grabe nakakahiya sana naman hindi niya nahalatang napatulala ako sa kakisigan niya'

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo. Pero sana lang paglabas ko ay tulog na ito.

"Finally, lumabas ka na rin nang banyo. Akala ko nakatulog ka doon sa loob," bungad nito sa akin paglabas ko pa lang ng banyo.

Napatingin ako sa ayos ni Tyron nakasuot na ito ng muscle t-shirt at broad short. Nakaupo ito sa sofa habang nanonood ng telebisyon.

"G-Ganun ba hindi ko napansin, masarap kasing mag-shower," pagdadahilan ko.

Medyo nailang naman ako nang pasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Come here join me sit beside me," aya nito sa akin.

"S-Sige," pagsang-ayon ko.

Ayoko namang tanggihan si Tyron kaya naman kagaya ng gusto nito ay naupo ako katabi ito. Sa pagtabi ko kay Tyron hindi ko sinasadyang magtama ang braso namin. Naramdaman kong para akong nakuryente kaya naman napalayo ako rito.

"Renee, are you alright?" natatakang tanong nito.

"H-Ha, O-Oo medyo nagulat lang ako sa pinanood natin," parang tangang padadahilan ko dahil hindi naman suspense yung palabas kundi action.

Mukhang bumenta naman kay Tyron yung pagdadahilan ko dahil nag-focus na ulit ito sa panonood.

Napakarami kong nagawang kagagahan sa unang pagkakataon na magsasama kami sa isang kuwarto. Pakiramdam ko magiging napakahabang gabi nito para sa akin.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon