ZBS1#19

453 29 2
                                    

Renee

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magtrabaho ako sa restaurant ni Archer bilang isang chef assistant at talaga namang nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Kahit naman kaibigan ni Tyron si Archer ay dumaan pa rin naman ako sa proper way of hiring. Ayoko rin naman isipin ng mga katrabaho ko na kaya ako natanggap sa trabaho ay dahil magkaibigan ang asawa ko at si Archer.

"Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako masanay-sanay na tawaging asawa si Tyron, idagdag pa na minsang napanaginipan ko na hinalikan daw ako nito sa mga labi."

Tuwing maalala ko ang panaginip na iyon ay hindi ko mapigilang hindi pamulahan ng mukha. Naiisip ko tuloy na masyado bang malaki ang pagnanasa ko kay Tyron kaya nananaginip ako ng ganun.

"Ren, tara na kain na tayo," aya sa akin ni Gwen na isa sa mga katrabaho ko na waitress sa restaurant.

"Sige na, mauna na kayo tatapusin ko lang itong paghuhugas ng mga ingredients para mamaya," saad ko kay Gwen.

"Yun, lang ba talaga baka naman hinihintay mo lang si sir Archer na yayain ka ulit na sabay kayo kumain katulad na lang nang mga nakaraang araw," hirit naman ni Helen na isa rin sa mga katrabaho ko.

"Ano ka ba naman Helen yan talagang bibig mo kahit kailan walang filter," saad pa ni Gwen sabay siko nito kay Helen na hindi na ganun kalakasan. 

"Hindi naman sa ganun gusto ko lang talagang tapusin ito bago ako maglunch, saka isa pa sabi ko naman sa inyo na may asawa na ako," katwiran ko pa.

"Pagpasensiya mo na lang itong si Helen malaki lang kasi talaga ang pagnanasa nito kay sir Archer kaya lang wala namang interest sa kanya," dagdag na saad pa ni Gwen.

Hindi ko rin naman masisisi si Helen kung mag-isip ito ng kakaiba sa pag-aaya sa akin ni Archer na sabay kaming kumain maglunch. Hindi ko naman magawang tanggihan ang alok nitong paanyaya dahil sa ito ang boss ko. Ayoko rin naman bigyang kulay ang ginagawang iyon ni Archer dahil alam kong wala naman itong kakaibang intensiyon bukod sa pakikipagkaibigan nito sa akin na asawa ng matalik nitong kaibigan.

"Oo nga, sinabi mo pero hindi naman namin nakikitang inihahatid ka at sinusundo malay ba namin kung totoo," hirit pang muli ni Helen.

Palaging maaga kasi akong pumapasok at wala pa sila kaya naman hindi na naaabutan ng mga ito si Tyron. Tuwing uwian naman ako rin ang naiiwan nauuna na mga ito umuwi kaya hindi na rin ng mga ito na sinusundo ako. Nakakahiya naman kay Tyron kung magdemand ako na agahan ang pagsundo sa akin pag-uwian dahil alam ko kung gaano rin ito ka-busy sa trabaho.

"Huwag mo na lamang intindihin iyang si Helen naiinggit lang iyan sayo dahil ikaw nabibigyan ng atensiyon ni sir Archer samantalang siya kahit anong papansin niya di man lamang magkainteres sa kanya si sir. Well, kahit ako rin naman si sir hindi ako magkakainteres diyan kay Helen sa ugali pa lang bagsak nasa qualifications," saad naman ni Kuya June na isa rin sa mga katrabaho ko ang Chef sa restaurant.

"Excuse me, June ako rin naman hindi ka papasa sa qualifications na hinahanap ko lalaki kahit ikaw pa ang kaisa-isang lalaking matira sa balat ng lupa at kahit gaano ka pa kasarap magluto ay hinding-hindi ako magkakainteres sayo," medyo inis na saad ni Helen.

 Sa dalawang linggong pagtatrabaho ko sa restaurant madalas ko nang nakikita ang pagbabangayan nina kuya June at Helen kaya naman hindi na ko magtataka kung magkakatuluyan ang mga ito dahil sa tingin ko mukhang may pagtingin naman itong si kuya June kay Helen.

Natigil lang sa pagbabangayan sina kuya June at Helen nang may tumikhim sa may pinto ng kitchen at nandoon ang boss naming si Archer.

"June and Helen nag-aaway ba kayo?" tanong ni Archer.

"Hindi po sila nag-aaway sir naglalambigan po," nakangiting saad ni Gwen. Hindi ko na rin pa napigilan ang bahagyang mapangiti sa sinabi nito.

"Oh, really I didn't know that the two of you are lovers, congratulations," saad naman ni Archer.

"Huwag po kayong maniwala kay Gwen sir hindi po kami naglalambigan at hindi rin po kami mag-jowa sir mortal enemy po kami, ikaw Gwen huwag kang fake news mamaya maniwala talaga sayo si sir," giit saad ni Helen sabay walk out nito palabas ng kitchen.

Napatingin na lamang kami sa papalabas na si Helen.

"I think I said something that offended her," saad ni Archer

"Huwag ninyo na lang po intindihin si Helen sir ganun lang talaga yun kapag napipikon siguro gutom na yun, sige po ikukuha ko lang ng pagkain," saad naman ni Gwen saka umalis.

"Ako rin sir ipaghahanda ko na rin kayo ni Renee ng makakain," saad ni kuya June saka ito umalis at naiwan na lamang kaming dalawa ni Archer.

"It's already lunch time," saad ni Archer. "Sabayan mo na ulit akong kumain," anyaya nito.

"A-ano kasi ---,"

"Tell me honestly did I make you uncomfortable by asking to join me every to lunchtime?" nakakunot-noo nitong tanong.

Sa totoo lang komportable akong kasama ko ito hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko ay palagi akong safe kapag magkasama kami at masarap rin itong kausap.

"Hindi ganun sir Archer ka lang kasi hindi magandang tingnan dahil amo kita at empleyado mo ako kahit pa sabihing kaibigan mo ang asawa kong si Tyron," saad ko.

"That's a relief that I didn't make you uncomfortable and I get it when I am your boss and your employee, but can let me have lunch with for one last time," ani nito.

"Okay, sige walang problema," nakangiting ani ko.

"Thank you," nakangiti ring saad nito.

Matapos maihatid ni kuya June ang pagkain dito sa opisina ni Archer ay nagsimula na rin kaming kumain. Ito na huling araw na sasabayan kong maglunch si Archer sa mga araw na sabay kaming naglulunch nito may alam na rin ako kahit papaano sa buhay nito dahil ito na rin ang kusang nagkukuwento. 

"Nakakalungkot na ito na ang huling araw na sasabayan mo akong maglunch," malungkot na saad nito.

"Huwag kang malungkot anytime naman kung may time ka puwede ka pumunta sa bahay ni Tyron para sabayan kami magdinner," saad ko.

"Oh really," nakangiting saad nito. "But I doubt it, knowing Tyron mukhang gusto ka niya palaging ma-solo," dagdag nito.

Hindi ko naman mapigilang hindi pamulahan nang mukha dahil sa sinabi nito.

"Your blushing," nag-aasar na saad nito habang tumatawa.

Nagulat na lamang kami nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Archer at pumasok ang isang magandang babae. Lumapit ito sa akin saka ako nito sinampal at sinabunutan.


**********

Thank god, that I finally updated another chapter to this story. I think it's already 6 months since my last update. Sobrang naging busy lang po ako sa trabaho kaya hindi nakakapag-update. Bukas po ulit mag-update ako ng another chapter. To all my readers that always waiting for the update I really appreciated the support, sana po ay hindi kayo magsawa. 😘😘😘




Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon