ZBS1#17

644 57 2
                                    

Tyron

"Aray," narinig kong daing ni Renee.

Lalapitan ko na sana ito nang maunahan ako ni Archer. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Kinuha nito ang kamay ni Renee upang suriin ang nasugatang daliri nito.

Napakunot-noo na lang akong tinitignan ang ginagawang iyon ni Archer.

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong ni Archer.

"A-ayos lang ako maliit na sugat lang ito," sagot ni Renee.

"It's not okay, Renee puwedeng nainspeksyon ang sugat mo kaya kailangan gamutin natin 'yan," ani pa Archer.

"Ayos lang talaga ako," saad ni Renee

Napatingin naman sa gawi ko Renee at agad naman nitong binawi ang kamay mula kay Archer.

"Kukunin ko lang yung first aid kit," saad ko saka umalis nang kusina upang kunin ang first aid kit sa kuwarto ko.

Kakaiba ang pag-alala nito nang masugatan si Renee hindi ko tuloy maiwasan mag-isip nang hindi maganda sa mga ikinilos ni Archer. Alam ko mali ang mag-conclude ng mga bagay-bagay na wala naman talagang basehan. Isa pa matagal na kaming magkaibigan ni Archer at halos magkapatid na kaming dalawa kung mag-turingan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapailing at mapangiti pati sarili kong kaibigan pinagseselosan ko na rin. Noon naman naging malapit din si Diana at Archer hindi naman ako nakaramdam ng ganito ngayon lang. Masyado naman yata akong nagiging malisyoso.

'Did I really fall deeply in him, that I felt a fang of jealousy even in my bestfriend'

Lumabas na ako nang kuwarto dala ang first aid kit, naabutan kong nakaupo sa sofa si Renee habang si Archer ay nasa kusina at itinuloy ang pagluluto. Agad naman akong lumapit kay Renee at naupo sa tabi nito.

"Give me your hand let me treat your wound," saad ko.

"Ako na lang kaya ko na maliit na sugat lang ito," saad naman ni Renee.

"No, Let me treat your wound, para malinis ng mabuti kahit maliit na sugat lang iyan puwede pa ring maimpeksiyon yan," ani ko saka ko kinuha ang kamay nito para hindi na ulit ito makatanggi pa.

Renee

Gusto ko sana ako na lang gumamot sa maliit na sugat ko pero hindi na ako nakatanggi pa nang kinuha ni Tyron ang kamay ko para gamutin ang maliit na sugat ko sa darili

"Magsabi ka lang kung masakit," ani nito.

Tango lang ang tanging naging sagot ko rito.

Habang ginagamot ni Tyron ang sugat ko hindi ko napigilang hindi mapagmasdan ang mukha ni Tyron. Kahit na seryoso ang mukha nito sa ginagawa ay napakaguwapo pa rin nito. Kung puwede lang sana na huminto ang oras para matitigan ko pa ito nang matagal.

"What can you say about my bestfriend Archer," hindi ko inaasahang tanong sakin ni Tyron.

"Mabait siya at sa tingin ko masaya siyang maging kaibigan sa katunayan nga ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya," saad ko.

"Really, I think he likes you too," nakatitig na saad nito sa akin.

"Talaga gusto niya rin ako maging kaibigan," nakangiting saad ko masaya akong malaman gusto rin ako maging kaibigan ni Archer.

Napailing ito at sa hindi ko lamang dahilan ay napangiti na lamang sa akin si Tyron.

"It's done, next time mag-iingat ka para   hindi ka masugatan," saad pa nito nang matapos gamutin ang sugat ko.

"Oo, salamat," pasasalamat ko. "Paano balik na ko dun sa kusina," ani ko saka tumayo pero nagulat ako nang pigilan ako ni Tyron hinawakan ako nito sa braso.

Dahil hindi ko inaasahan ang paghawak ni Tyron sa braso ko para pigilan ako kaya naman hindi ko nagawang mabalanse ang katawan ko kaya ang ending napaupo ako sa kandungan nito.

Halos magkayakap na kami ni Tyron sa posisyon namin at konti na lang ang pagitan nang mga mukha namin konti na lang rin at magdadampi na ang labi namin. Sobrang bilis ng tibok nang puso lalo na at ganito kami kalapit ni Tyron sa isa't-isa.

'Naririnig kaya niya ang lakas ng tibok ng puso ko'

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyong iyon na nagkatitigan lang kami hanggang sa may marinig akong tumikhim kaya naman dali-dali akong tumayo sa pagkakakandong ko kay Tyron.

"Sorry, to disturb you guys but I do need help in the kitchen," nakangiting naman saad sa amin ni Archer.

"S-sige, tulungan na kita," nauutal na saad ko kay Archer.

"Nope, hindi mo puwedeng basain ang sugat mo hayaan mong kami na lang ni Arc sa kusina," saad ni Tyron.

"Pero---."

"Tama si Ty, hayaan muna lang kaming dalawa ang magluto kahit na alam kong walang ka talent-talent itong Ty si pagluluto puwede na siyang maging assistant cook ko na lang sa kusina," nakangiting segunda nito.

Hindi ko rin napigilang mapangiti sa sinabing iyon ni Archer.

"Lakas mo ring talagang mang-asar Arc," ani ni Tyron.

"Pero, Archer bisita ka namin saka di ba gusto mong matikman ang luto ko?" tanong ko.

"Maybe some other time marami pa namang pagkakataon ang luto ko na lang muna tikman mo, anong malay natin mag-change of heart ka at ako na lang ang mahalin mo," nakangiting ni pagbibiro ng saad nito.

"What did you say, Arc?" Seryosong saad naman ni Tyron sa kaibigan.

"Chill bro I'm just kidding, masyado ka namang seryoso pare ano natatakot ka na bang iwan ka ng asawa mo kapag natikman niya ang luto ko," pang-aasar pang saad ni Archer na inakbayan pa si Tyron.

"Puro ka kalokohan, tara na at tapusin na lang natin yung niluluto mo," saad ni Tyron na inalis ang pagkaka-akbay sa kanya ni Archer saka nauna na sa kusina.

"Come on bro, biro lang 'yun porke't ba may asawa ka na hindi ka na ba puwedeng biruin," narinig ko pang saad ni Archer habang nakasunod ito kay Tyron patungong kusina.

*****

Finally nakapag-update na ako, at muli nagpapasalamat ako sa mga readers na patuloy na nagbabasa at matiyagang naghihintay sa pag-update ko. Thanks a lot.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon