ZBS1#13

817 70 7
                                    

Tyron

Pagkatapos na pagkatapos nang meeting ko agad kong ini-on ang cellphone ko. Ibinilin ko kasi kay Diaz na kuhaan ng litrato kung sino ang kaibigang kikitain ni Renee kailangan kong malaman kung babae ba ito o lalaki.

Nang matanggap ko ang mga litratong isi-nend sa akin ni Diaz bungad sakin ang litratong may kayakap na lalaki si Renee. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang makita ko iyon, I feel the urge to punch that man whoever is he, dahil niyayakap nito ang asawa ko. Bago pa ko mag-isip nang kung anu-ano tinawagan ko si Diaz.

"Hello po, Sir," saad nito sa kabilang linya.

"I see the photos you send, nalaman mo ba yung pangalan nung lalaki?"

"Pasensiya na po sir, hindi po."

"Ganun ba, ang asawa ko na lang ang tatanugin ko" saka ako napabuntung-hininga. "Nasaan na kayo ngayon magkasama pa rin ba sila?" tanong ko pa.

"Hindi na po sir, nasa grocery po kami ngayon. Namimili po ng supply si sir Renee."

"Salamat Diaz, I will end this call now, mag-iingat kayo sa pag-uwi." bilin ko pa dito.

"Sige po sir," saad nito saka ko pinatay ang tawag.

Napahilot ako sa sentido ko at bahagyang napatawa sa sarili ko. Bakit ko nga ba inaalam pa kung babae o lalaki ang kaibigan ni Renee. In the first place, pagpapanggap lang naman ang pagiging mag-asawa namin. Kung umasta kasi ako ngayon para akong nagseselos.

'I am really that jealous? Did I really fall in love with him in a short period of time?'

Kailangan kong alamin at siguraduhin kung ano ba talaga itong nararamdaman ko para kay Renee.

Nang makauwi ako sa unit naabutan kong nagluluto nang hapunan si Renee.

"Nandiyan ka na pala," saad nito nang mapansin ako. "Tamang-tama ang dating mo luto na itong adobong manok, magpalit ka muna."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito saka ako pumasok sa silid ko upang makapagpalit nang damit. Nang matapos ako ay dumiretso na agad ako sa dining table.

"Halika kumain na tayo," nakangiting aya pa nito sa akin.

Agad namang nilagayan nang kanin  at ulam ni Renee ang plato ko.

"Salamat," pasasalamat ko.

Ngumiti naman si Renee sa akin saka ito nagsimulang kumain ganun din ako. Habang kumakain nag-iisip ako kung itatanong ko ba kung sino ang kaibigan nito.

'Damn it, bahala na nga!'

"Renee, gusto ko sanang malaman kung sino ang kaibigan mo," tanong ko.

Nagulat na lang ako nang bigla itong nabulunan kaya naman agad akong lumapit rito at ibinigyan ito ng tubig.

"Ayos ka lang ba?" saad ko na may pag-aalala habang hinahagod ko ang likod nito.

"A-Ayos lang ako, salamat."

"Good so, puwede muna sigurong sagutin ang tanong ko sino ang kaibigan mo?"

Pag-uulit ko sa tanong ko kanina pero nanatili lang itong tahimik kaya naman napabungtung-hininga ako.

"Mahirap bang sagutin ang tanong ko Renee, sino ang kaibigan mo?" muli kong tanong.

"S-Si V-Victor," sagot nito.

'Victor, the name sound familiar where did I hear it'

Ilang sandali rin akong nag-isip kung saan ko ba iyon narinig hanggang sa maalala kong pangalan iyon ng boyfriend ni Renee. Kaya pala hindi ako magawang sagutin agad nito sa tanong ko. Nang malaman ko kung sino ba talaga ang lalaking kasama nito, I felt a fang of jealousy.

"You lied to me Renee, hindi ka nakipagkita sa kaibigan mo kundi sa boyfriend mo." inis na saad ko.

"S-Sorry k-kung nagsinungaling ako ano kasi---."

"Hindi ba ang sabi ko kailangan mong ingatan ang pangalan ko habang kasal tayo, but what did you do. You lied to me to meet your lover. Sana nagsabi ka na lang nang totoo na nakauwi na pala ang boyfriend mo at magkikita kayong dalawa. Maiintindihan ko naman 'yun hindi sana ako nagagalit sayo ngayon." pagpuputol ko sa kung anumang sasabihin ni Renee.

Hindi ko maiwasang isipin nasa pagbabalik nang Victor na iyon ay baka hiwalayan na rin ako ni Renee at hindi ko matatanggap ang bagay na iyon. Kung kanina iniisip ko kung may feeling na ba ako kay Renee. Now, I'm certain that I do fall for him at hinding-hindi ko hahayaang mabawi pa ito ni Victor.

'His only mine'

"S-Sorry, hindi ko na uulitin," nayukong saad nito.

"Dapat lang," saad ko. "Did your boyfriend aware in our situation?" tanong ko pa.

"O-Oo, naipaliwanag ko na at naiintindihan naman niya." nakayukong saad pa rin nito.

"Good," saad ko saka ko ipinaharap ang mukha nito sa akin at tinitigan ito sa mga mata. "I want you to always remember that your married to me, at habang kasal tayo sa akin ka lang. Understand?"

Tango lang ang isinagot nito sa akin sa sinabi ko. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa labi nitong mapupula hindi ko naman mapigilan ang mapalunok. I feel the urge of kissing him but before I lost control to myself. At gawin ko nga ang nasa isip ko ay lumayo na ko rito. I needed to make  Renee fall for me too, before to do what I want. At wala akong pakialam kahit nasa buhay na nito ngayon si Victor dahil sisiguraduhin kong magiging akin si Renee.

"S-Sorry, na talaga Tyron huwag ka nang magalit."

Napabungtung-hininga naman ako kinakalma ko ang sarili kong huwag itong halikan.

"Hindi naman ako galit sayo, I was just a bit disappointed, you know I trusted you," saad ko. "Pero kung gusto mong maging okay tayo, I want to meet your boyfriend, gusto ko siyang makilala." dagdag ko pa.

Gulat naman itong napatingin sa akin na hindi inaasahang sasabihin ko ang bagay na iyon.

"S-Sige, kailan mo ba gusto?" tanong nito.

"Tomorrow, lunch time."

"Bukas agad?"

"Yes."

"O-Okay." pagsang-ayon nito.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon