ZBS1#11

777 69 2
                                    

Renee

Pinagbuti ko pa ang pagsisilbi kay Tyron na parang tunay na asawa. Ipinagluluto ko ito nang masasarap na pagkain baka kasi sa ginagawa kong iyon ay mahulog ang loob nito sa akin. Di ba nga may kasabihang 'through a man's heart is through his stomach'.

"Wow! Ang sarap mo talagang magluto, nabusog na naman ako," saad nito habang hinihimas pa ang tiyan.

"Kaya ba mukhang kinakalimutan mo na ang diet mo?" natatawang saad ko habang inililigpit ang mga pinggang pinagkainan namin.

"Well, magwo-workout na lang ako bukas," nakangiting saad nito.

"Eh, ang tamad mo ngang bumangon sa umaga," nakangiti ring ani ko.

"Ang sarap naman kasing matulog pero bukas ay gisingin mo na lang ako ng maaga para mapilitan akong bumangon at nang makapag-workout sa gym sa ibaba," saad nito.

"Baka naman para matikman mo ang fried rice ko na maraming bawang at daing na bangus na may sawsawang suka at sili," saad ko pa.

"Iyon ba ang breakfast natin bukas? Siguradong mapaparami na naman ang kain ko nito bukas," nakangiting ani ni Tyron.

"Magwo-workout daw pero pagkain pa rin naman ang nasa isip," natatawang saad ko.

"And it's your fault, masarap ka kasing magluto. Nung hindi pa kita nakikilala nasanay na akong kumain sa labas kaya naman limitado lang kain ko. Pero nang makasal tayo at magsimula ka nang magluto para sa akin hindi ko na mapigil ang kumain," nakangiting ani nito.

"Ayaw mo ba nang ganoon na may nagluluto para sayo?" tanong ko naman.

"Anong ayaw! I really, really like it. Gusto ko nga ay maging kusinera na kita, for life," sagot naman nito.

Kapwa kami natigilan sa huling sinabi nito.

"Pero alam ko namang hindi puwede 'yun, hindi nga pala kusinera ang papel mo sa buhay ko kundi asawa na hihiwalayan din, when the times comes" seryosong saad nito na walang kangiti-ngiti sa mga labi.

At nagulat na lang ako nang padarag na tumayo ito at lumabas ng dining room.

'Anong nangyari kay Tyron? Bakit bigla na lang siyang nag-walkout anong problema niya?'

Tyron

'Damn it! What's wrong with me? Bakit biglang uminit ang ulo ko nang maalala ko ang talagang dapat na mangyari sa kasal namin'

Naiiling na lang ako habang nagpapahangin sa beranda nang silid ko.

'Isang buwan at dalawang linggo na kaming kasal at lagi na lang akong nagmamadali sa pag-uwi mula sa opisina dahil gusto kong matikman ang kanyang luto at gusto ko rin siyang makasalo sa pagkain.'

Marahan akong napapikit at dinama ang hangin na tumatama sa aking mukha. Hindi ko maiwasan ang muling maalaala ang unang pagtatagpo namin ni Renee pati na rin malalambot nitong mga labi.

Malakas na tunog ng cellphone ang pumukaw sa lumilipad na diwa ko. Inabot ko ang cellphone at tiningnan ang caller.

'Si Diana tumatawag bakit na naman kaya'

Iniisip ko kung sasagutin ko ang tawag nito. Pero sa huli sinagot ko na rin kahit naman papaano may pinagsamahan din kami.

"Hello?" sagot ko sa tawag

"Tyron, let's talk?" ani nito.

"Ano pa bang kailangan mo baka magising ang asawa ko at---"

"I-I love you, p-please come back to me."

"Diana, may asawa na ako."

"P-pero alam kong ako pa rin ang mahal mo"

"I've told you, ang asawa ko ang ma---"

"I love you! I love you so much, babe! I'm sorry kung hindi ko agad narealize na ang mas mahalaga pala sa akin ay ang pagmamahal ko sayo. Nandito ako sa New York pero ikaw pa rin ang nasa isip ko. Please, say that you still love me! And I'm coming back to you right away, tayo na lang ulit. Kakalimutan ko na ang modeling career ko, i will become full time wife, a mother to your children just leave him. Ipa-annul mo ang kasal mo sa kanya at tayo ang magpakasal. And everything will be, okay," mahabang saad nito.

Kung hindi ko lang siguro nakilala si Renee baka nakipagbalikan na akong muli kay Diana, but it's too late for her.

"Diana, It's too late for your realization. Hinding-hindi ko sisirain ang pamilyang binubuo pa lang namin ng asawa ko."

"Binubuo? Tyron hinding-hindi ka kayang bigyan ng baklang 'yun ng anak pero ako kahit ilan ang gusto mo kayang-kaya kong ibigay sayo."

"Even though he can't give me a child I still not going to ruin my marriage because I'm happy to be with him. Saka kung gustuhin kong magkaanak may paraan pa rin naman, through surrogacy. So, stop wasting your time convincing me, para makipagbalikan sayo. Cause it's already a hopeless case, Diana."

"T-Tyron."

"I'm sorry... and please, don't bothered me anymore." saad ko bago ini-off ang cellphone ko.

'Now she'd realizes that she choose the wrong decision for not marrying me'

Kinabukasan maaga akong gumising para makapag-jogging dahil pakiramdam ko nadadagdagan ang timbang ko. Ang sarap naman kasi talagang magluto ni Renee kaya nakakalimutan ko ang mag-diet.

Pagpasok ko nang unit naabutan kong naghahanda na nang breakfast si Renee.

"Good morning," bati nito sa akin nang mapansin ako.

"Good morning."

"Halika kumain na tayo," aya nito sa akin.

"Nag-exercise ka?"

"Oo," sagot ko. "Yung nangyari pala kagabi na bigla akong nag-walkout pasensya na, naalala ko kasing may nakalimutan akong tapusin na trabaho na hindi ko natapos sa opisina." pagdadahilan ko.

"Ganun ba mabuti naman ang akala ko kasi may nagawa akong mali at nagalit ka sa akin."

"H-Hindi ako galit sayo tungkol lang talaga sa trabaho ko ang lahat." saad ko.

"Wala na sa akin yung nangyari kagabi kalimutan na natin at kumain na lang tayo," nakangiti nitong saad.

Kaya naman nagsimula na kaming magpatuloy sa pagkain nang niluto nitong fried rice na maraming bawang at daing na bangus na may sawsawang suka na may sili. At sigurado akong mapaparami na naman ang kain ko.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon