Renee
"T-Tyron siya si Victor, Victor si Tyron nga pala siya yung taong tumulong sa akin." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa sa isa't-isa.
"Nice meeting you, pare," saad ni Victor na lalaking lalaki ang boses saka iniabot ang kamay upang makipagkamay kay Tyron.
Laking pasalamat ko talaga na pumayag si Victor na makipagkita sa amin. At pumayag rin ito na magpanggap muna na boyfriend ko kuno habang hindi ko pa nasasabi kay Tyron ang katotohanan. Hindi pa kasi ako absuwelto sa unang beses na pagsisinungaling ko kay Tyron.
"It's nice meeting you too," seryosong saad naman ni Tyron na kinamayan si Victor ngunit na pansin ko ang bahagyang pagngiwi nito matapos kamayan si Tyron.
"Ayos ka lang ba Victor?" tanong ko.
"O-Oo, ayos lang ako."
"Sigurado ka?" paninigurado ko.
"Oo, naman kaya huwag ka nang mag-alala," matamis na ngiting tugon ni Victor na hinawakan pa ang kamay ko.
Nagtataka naman ako sa gesture na ginawa ni Victor kaya naman pinanlakihan ko ito nang mga mata. Nagulat naman ako nang biglang dumukwang si Victor na nakaupo sa harapan ko.
"Just leave it all to me just go with the flow ka na lang titingnan lang natin kung hindi magselos iyang asawa mo sa akin ganti ko ito sa kanya sa paglapirot niya sa maganda kong kamay matitikman niya ngayon ang ganti ng baklang na api" bulong nito sa tenga ko.
"Baliw ka talaga," natatawang bulong na saad ko rin rito.
"EHEM."
Parehas naman kami ni Victor na napatingin kay Tyron nang tumikhim ito.
"I just want to remind the two of you that this is a public place."
"Oh, sorry pare namiss ko lang kasing lambingin itong babe ko, If you don't mind," malambing na saad ni Victor.
Gusto kong pumalakpak dahil ang galing talagang umarte ni Victor para talaga itong malambing na boyfriend.
"Of course I don't mind," nakangising tugon ni Tyron saka naman ito sumenyas isang waitress ng restaurant.
"Yes, sirs may I take your orders?" tanong nang lumapit na waitress.
"Ikaw na lang pare ang mag-order nang lahat tutal mukhang madalas ka naman dito," saad ni Victor.
Tango lang ang naging sagot ni Tyron kay Victor saka ito nag-order. Matapos masigurado ang order namin ay agad rin namang umalis ang waitress.
"Sinabi sa akin ni Renee ay aware ka na sa sitwasyon naming dalawa," saad ni Tyron kay Victor.
"Yes, he explain it to me that in order to save him you have to marry him. Naiintindihan ko naman kung anong sitwasyon ninyo dalawa at nagpapasalamat ako sayo dahil sa panahon na nangangailangan siya nang tulong ay may isang katulad mo na handang tumulong," saad ni Victor saka ito tumayo at niyakap si Tyron. "Thank you very much" dagdag pa mito.
Nagulat ako sa ginawang iyon ni Victor habang yakap naman nito si Tyron ay bumigkas ito ng salita na walang maririnig na tinig sa akin na ang bango raw nang asawa ko.
Ang lokong iyon nagawa pang makachansing kay Tyron. Nakita ko rin naman sa mukha ni Tyron ang pagkagulat sa ginawa ni Victor.
"Pasensiya na pare na-carried away lang ako."
Muli ko na namang pinanlakihan nang mga mata si Victor.
"I-I just did what I have to do, no need to thank me," saad ni Tyron. "At natatandaan ko rin na nasabi sa akin ni Renee bago kami ikasal ang ninyong balak magpakasal pagbalik mo, but I'm afraid you can't do that because were still married and I can't say for how long," dagdag pa ni Tyron.
Napatingin naman sa akin si Victor nang banggitin ni Tyron na may balak nga kuno kaming magpakasal pagbalik nito. Nakalimutan ko kasing sabihin ang bagay na iyon kay Victor.
"Handa naman akong maghintay kay Renee kahit gaano pa katagal," nakangiting saad ni Victor.
"Really, well let's see," nakangiti ring saad ni Tyron.
"Puwede ko naman sigurong ayaing lumabas minsan si Renee di ba?" tanong ni Tyron.
"Of course, but he can't leave without his bodyguard."
"No, problem basta ba magkaroon lang ako nang pagkakataon na makasama si Renee ako na ang napakasayang lalaki sa mundo," malambing na saad ni Victor na sa akin nakatingin sabay hawak ulit sa kamay ko na talaga namang pinanindigan ang pag-arte.
Napatingin naman ako kay Tyron seryoso lang mukha nito habang nakatingin sa kamay namin ni Victor. Hindi ko alam kung nagseselos ba ito sa ginagawa ni Victor dahil seryoso lang mukha nito para nga itong walang pakialam. Di rin naman nagtagal ay dumating na ang mga orders namin.
"Here," saad ni Tyron habang inilalagyan ng mga pagkain ang pinggan ko.
"Salamat," nakangiting saad ko. Pagkatapos ay ako naman ang nag-lagay nang pagkain sa pinggan nito.
"Thanks," nakangiti ring saad nito.
"Ako ba Renee hindi mo lalagyan ng pagkain ang plate ko," saad naman ni Victor.
"H-Ha, sige," saka ko naman nilagyan nang pagkain ang pinggan nito.
"Salamat, babe ang sweet mo talaga," saad ni Victor sabay pinisil pa ang pisngi ko.
"Ano ba ang sakit kaya," saway ko rito. Pero hindi pa rin ito tumigil kaya ang nangyari ay nagkukulitan na kaming dalawa ni Victor.
"EHEM."
Napatigil na kami ng tumikhim si Tyron at napaayos nang upo.
"Can we just eat first, bago pa lulamig ang mga pagkain," seryosong saad samin ni Tyron.
"S-Sorry, sige kumain na tayo."
Nag-umpisa na nga kaming kumain at habang nasa kalagitnaan kami nang pagkain ay itinapat ni Victor sa bibig ko ang kutsara nito.
"Here, say ah," saad nito na ang gustong gawin ay subuan ako. "Come on, eat it," saad pa nito kaya naman kinain ko na. "Ako naman ang subuan mo," utos ni Victor.
Ginawa ko naman ang gustong mangyari ni Victor pero bago pa nito masubo ang pagkain ay bigla na lang tumayo si Tyron.
"Tyron, may problema ba?," tanong ko.
"I need to go to the restroom, excuse me," saad nito saka ito humakbang paalis.
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)
Romance"Marry me Renee." saad ni Tyron Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo...