Renee
Napaangat ang mukha ko sa sinabi nito at hindi maiwasan ang pamulahan ako ng mukha.
"P-paano mo nalaman na ikaw ang unang lalaking n-nakahalik sa akin?"
Natawa naman ito ng pagak sa tanong ko.
"Well honestly your too obvious, ni hindi mo alam kung papaano mo igagalaw ang labi mo. I've kiss a lot of woman before so I can justify who are experience and inexperience. Anyway, sigurado naman akong hindi ka lang umaarte."
Muli akong napayuko at napakagat labi. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa ang gusto ko lang naman patahimikin ito ng oras na iyon dahil takot na takot akong mahuli ng mga tauhan ni George.
Grabe sobrang nakakahiya
"S-sorry, nagawa ko lang naman iyon dahil---."
"Because your too desperate na manahimik ako. It's okay, I fully understand." nakangiti nitong saad.
Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa amin.
"Anyway, inumin muna iyang alak."
"P-pero----."
"C'mon, hindi nakalalasing ang isang shot ng alak. It will only help you to relax. Sige na, inom na."
Tiningnan ko muna ang wine glass na binigay nito. Wala naman sigurong masama kung subukan ko sabi nga nito hindi naman ako malalasing.
"S-sige." saka ko inilapit sa bibig ko ang wine glass at bahagyang sumimsim. Gumuhit ang pait ng alak sa lalamunan ko. Bahagyang napangiwi ako pero pinigil ko para hindi masamid o mapaubo sa halip ay idineretso ko na ang pag-inom hanggang sa masaid ang laman.
Unti-unti ay nakakaramdam kong ang panlalamig ng aking palad ay tila nag-iinit, maging ang aking pisngi ay tila nangangapal at parang nilalagnat marahil ay dahil ito sa ininom kong alak.
"So are you relax now?"
"Ah y-yes."
"Kung ganoon, can I ask question about the other details of what really happened?"
"Ah, sige para lubos mo akong maunawaan," nagsimula na akong magkuwento mula umpisa hanggang sa kung paano ako mapadpad dito sa loob ng unit nito.
"I-I can't forgive my father, dahil alam niya ang talagang plano sa akin ng lalaking iyon pero mas mahalaga sa kanya ang pera. Literal niya akong ibinenta kay George at ang magiging resibo ng kabayaran ko ay ang marriage certificate kapag nakasal na kami."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito matapos marinig ang buong kuwento ko.
"I can't believe, na may tao palang kagaya ng tatay mo." saad nito.
"Kahit ako hindi makapaniwalang magagawa niya sa akin iyon. Pero may isang kamag-anak namin ang nakapagsabi sa akin na hindi naman daw siya ang tatay ko at anak lang ako sa una ng nanay ko kaya mas naunawaan ko kung bakit ganoon ang turing niya sa a-akin."
"For now just forget your bastard father so, what's your plan? Kung ganyang may nag-aabang sayo sa labas na mga tauhan ng taong tinatakasan mo?" sunud- sunod na tanong nito.
"E-ewan ko pero kailangan kong makalabas ng building na ito."
"And then, saan ka pupunta? May mapupuntahan ka ba dito sa lungsod?"
Natigilan ako sa tanong nito, wala akong kamag-anak o kakilala sa lungsod dahil ngayon lamang ako nakaluwas.
"Wala kang mapupuntahan hindi ba?"
"O-oo."
"Then you shouldn't go outside because is too dangerous. Hindi lang sa tauhan ng taong tinatakasan mo maging sa mga taong magkakaroon ng interes na pagsamantalahan ka."
"H-ha" ang nasabi ko na lang dahil hindi ko siya masyadong maunawaan.
"You're beautiful for a man, I know that your aware on that. That's why a guy name George was eagered to marry you, right?"
"O-oo p-pero---" hindi ko na naman magawang tapusin ang sasahin ko ng magsalita ito.
"So, what's your plan? Kapag makikita ka nang mga humahabol sayo ay mahahanap ka ng mapagtataguan mo at kapag may lalaking naroon ay hahalikan mo rin para manahimik?"
"How dare you!" hindi ko napigilang magtaas ng boses.
"Well, I'm just being honest here. Kahit na gaano pa kadelikado ang kalagayan mo kanina hindi mo dapat ginawa iyon. Paano pala kung nagkataon na hindi ako ang nakatapat mo at sa masamang tao, ano sa tingin mo mangyayari sayo?"
Napayuko na lang ako sa sinabi nito.
"I-I know pero nalito lang naman kasi ako kanina at nataranta dahil ayokong mahuli ng mga tauhan ni George"
"At mauulit ang pagkalito at pagkataranta mo kapag nalagay ka uli sa ganoong sitwasyon. I bet on that."
"A-ano na ngayon ang gagawin ko?"
"Stay here for a while, habang maiinit ka pa sa labas."
"H-ha" hindi pa rin ma-proseso sa utak ko ang sinabi nito.
"Hanggang narito ka sa loob ng unit ko ligtas ka. Hanggang walang nakakaalam na nagtatago ka rito hindi ka nila makikita. And don't worry I can assure you that I am a gentleman well, huwag mo lang uli akong hahalikan."
"H-hindi na, s-sorry," nahihiyang saad ko at hindi ko rin maiwasang pamulahan ng mukha.
"It means, okay ka na sa ideyang dito ka muna?"
"K-kung magtitiwala ka sa isang kagaya ko na h-hindi mo naman lubos na kilala."
"Actually, hindi dapat talaga ako magtiwala sayo. Ikaw lang naman ang nagsabi na kaya ka hinahabol ng mga lalaking iyon ay tauhan sila na lalaking pinipilit kang pakasalan. Malay ko ba kung totoo iyon. Another thing is I don't even know you but if you'll tell me your real name, pikit-mata akong magtitiwala sayo. And you know why?"
"W-why?" ang tanong ko.
"Because I don't want to feel guilty, kapag natuklasan kong totoo naman pala ang mga sinasabi mo. Well, I have my ways to know if you really telling the truth. Anyways, I'm Tyron Zaavedra at ako ang may-ari ng buong condominium building na ito. Nasa akin ang lahat ng access para malaman kung sino ka at kung sino si George."
Nagulat ako sa sinabi nitong ito ang may-ari ng buong building.
Kung ganoon hindi pala basta-basta lang ang taong ito
"I-I see, ako naman si Renee Albano, twenty-five years old."
"It's nice meeting you, Renee." nakangiting saad nito. "Anyway, dalawa ang silid dito sa unit ko at napasukan mo kanina ay ang silid ko. So, you will have the other room and you can use all the things inside. May towel, over-sized t-shirts and shorts. Just feel at home and then tomorrow, aalamin ko kung narito pa sila."
"Siguradong narito pa sila may unit dito si George sa mismong floor na ito."
"Really? Delikado nga talagang makita ka nila, but don't worry about that like I said you'll be safe here."
"A-at saka pala may isang bagay pa kong gustong sabihin," saad ko.
"What is it?"
"N-nagugutom ako. H-hindi pa kasi ako kumakain ng lunch at dinner," nakakaramdam na kasi talaga ako ng gutom kaya naman kinapalan ko na ang mukha kong magsabi rito.
Napangiti naman ito sa sinabi ko.
"Oh! I'm sorry about that I forgot to ask you if you have eaten. Don't worry I will order you food. Magpalit ka muna ng damit mo at paglabas mo ay makakain ka na."
"T-thank you, pasensiya na sa abala."
"It's okay, It's actually my pleasure to help you."
Masasabi kong masuwerte pa rin pala ako dahil may taong handang tumulong sa akin kahit hindi ako nito lubusang kilala.
"Thank you ulit."
"Okay, go to your room."
"O-oo," humakbang na ako patungko sa silid na itinuro ni Tyron na katapat lang rin ng kuwarto nito.
BINABASA MO ANG
Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)
Romance"Marry me Renee." saad ni Tyron Natameme ako at hindi makapag-isip nang matino masyado akong naguguluhan hindi sa nagiging choosey ako sino ba naman ang tatanggi kung isang gwapo at makisig na lalaki sa katauhan ni Tyron Zaavedra ang nag-aalok sayo...