ZBS1#16

762 63 4
                                    

Renee

Naging tahimik lang ang naging biyahe namin ni Tyron pabalik ng opisina seryoso lang ang mukha nito buong biyahe kaya hindi ko alam kung okay lang bang makipag-usap rito.

'Masyado bang seryoso ang naging emergency sa opisina niya'

"Sir, naghihintay po sa loob nang opisina ninyo sir Archer," salubong sa amin ni Rebecca pagdating sa opisina.

"Si Archer, kanina pa ba siya nandito?" tanong ni Tyron.

'Archer, familiar ang pangalan niya saan ko nga ba iyon narinig?'

"Yes, sir."

"Thanks, Becca," saad ni Tyron saka ito humakbang papasok ng opisina nito agad naman ako sumunod rito.

Nang makapasok ako sa loob ng opisina ni Tyron ay may kausap itong lalaki pero hindi ko naman makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito.

"Let me introduce to you my husband," saad ni Tyron sa kausap nito saka lumapit sa akin at inakbayan ako.

Humarap naman ang lalaking kausap ni Tyron sa amin.

"It's you," saad nito na bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita ako.

Maski ako ay nagulat rin at hindi inaasahang makita ang taong tumulong sa akin sa Grocery Store kundi ako nagkakamali ay Archer ang pangalan nito. Kaya pala familiar ang pangalang iyon.

"So, you already knew my husband Arc," nakakunot-noong tanong ni Tyron.

"Not really, it just that we accidentally met in the grocery store," nakangiting saad nito.

"Oh I see, well let me formally introduce you to my husband Renee, and Renee he is my bestfriend Archer." pakilala sa amin ni Tyron sa isa't-isa.

"It's my pleasure to meet you again Renee as my bestfriend husband," nakangiting saad nito.

"Ganoon din ako, nagagalak akong makilala na ikaw pala ang bestfriend ni Tyron," nakangiti ko ring saad.

"No wonder, kung bakit agad kang pinakasalan ng kaibigan ko. Your such beauty like an angel," nakangiting papuri naman nito.

"S-salamat," medyo nahihiyang saad ko para kasing sobra naman na ihambing ako nito sa isang anghel.

"And no wonder, that your the notorious playboy dahil pati asawa ko pinopormahan mo," saad naman ni Tyron.

"No need to be jealous, bro," natatawang saad ni Archer. "Alam mo bang sa tuwing magkatawagan kami ni Tyron palagi niyang ibinibida na ang sarap mong magluto," baling na saad naman sa akin nito.   

Napatingin naman ako kay Tyron sa sinabi ni Archer. Nakita kong namumula ang tenga nito.

"Shut up, Arc kahit kailan talaga ang daldal mo," sita ni Tyron kay Acher.

"No need to be shy bro, I am just stating the fact here," tumatawang saad pa rin Archer.

Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti sa nakikita kong closeness ni Archer at Tyron.

"Kung mang-aasar ka lang Arc bukas ang pinto nang opisina ko," saad pa ni Tyron.

"Ngayon na lang ulit tayo nagkita hindi mo man lang ba ko na-miss, kunsabagay may asawa ka na balewala na lang ako sayo," tila nagdadrama na saad nito.

"Mag-asawa ka na rin para hindi ako ang ginugulo mo."

"Huwag kang mag-alala malay mo, one of this days. Magulat ka na lang na ikakasal na ko lalo pa ngayong nakita ko na ang matagal ko nang hinahanap," saad ni Archer na nakatitig sa akin.

Hindi ko naman malaman ang ibig ipahiwatig nang pagtitig sa akin na iyon ni Acher.

"Well good for you," saad ni Tyron

"But anyway, gusto sana kitang ayaing maglunch pero mukhang katatapos niyo lang."

"Yeah," tanging saad ni Tyron.

"Siguro naman puwedeng ayain ko kayong magdinner sa bahay ninyo, gusto ko ring matikman ang luto ni Renee," nakangiting saad nito. "Ayos lang naman sayo iyon di ba?" tanong naman nito sa akin.

"A-ayos lang sa akin," tugon ko.

"So, it's settled then, sa bahay ninyo ko magdi-dinner mamaya," magiliw na ani nito.

*****

Iniaayos ko na mga rekados para sa lulutuin kong kare-kare para sa hapunan.

"Anong puwede kong maitulong sayo?" tanong ni Tyron.

"Manood ka na lang ng tv sa sala kaya ko na."

"No, I insist tulungan na kita," pagkumbinsi pa rin nito sa akin.

"Ikaw ang bahala, pakihugasan mo na lang yung mga panahog," utos ko rito.

"Okay." nakangiting saad nito at agad na sinunod nito ang utos ko.

Habang abala kami sa aming ginagawa ay tumunog ang doorbell.

"Ako na ang magbubukas," presintang saad ni Tyron.

Saka ito naman umalis at tinungo ang pinto upang pagbuksan ang bisita namin.

"Ang aga mo naman ata, hindi tapos magluto ng hapunan ang asawa ko," narinig kong saad ni Tyron.

"Maaga talaga akong nagpunta para tumulong kakahiya naman kung makikikain lang talaga ako," tugon naman ni Archer sa kaibigan. "Oh, hi Renee may maitutulong ba ko sayo?" saad nito nang makalapit sa akin.

"Akong na ang bahala dito sa may sala na lang kayo," saad ko sa kanilang dalawa.

"Nope, tutulong ako," pagtanggi ni Tyron.

"Me too, I'll insist to help," segunda ni Archer.

Kaya sa huli ay wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang ang dalawang lalaking ito na tulungan ako sa pagluluto.

Habang naghihiwa ako ay aksidente kong nasugatan ang daliri ko.

"Aray," daing ko.

Nagulat na lamang ako ng agad na nakalapit sa akin si Archer at hinawakan ang kamay ko upang suriin ang nasugatan kong daliri.

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong pa nito sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ganun na lang naging pag-aalala nito sa akin.

"A-ayos lang ako maliit na sugat lang ito," medyo naiilang na sagot ko.

Nahagip naman nang paningin ko si Tyron. Nakakunot noo ito na nakatingin sa amin ni Archer kaya naman agad kong binawi ang kamay kong hawak nito.

"Kukunin ko lang yung first aid kit," seryosong saad lamang nito at saka umalis sa kusina.

Nasundan ko na lamang nang tingin ang paalis na si Tyron.

*****
Hi, sa mga readers ko may nakamiss ba sa kuwento nila Tyron at Renee. Sa mga nainip sa paghihintay nang update naging busy lang talaga sa stressful na trabaho. But anyway, unti-unti akong mag-update hanggang sa matapos ko ang kuwento nila. Salamat sa walang sawang pagsuporta.

Zaavedra Brothers Series 1: The Gentleman Ceo (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon