Mika's Pov
After Kiefer left me I immediately go back to my bed and tried to remember what happened. Yes it wasn't easy but I know it's the best thing to do. I texted Trincaa to inform her na nakuha na niya ang gusto niya.
To: Trincaa
Hey Bitch I have a good news Kiefer is yours FOR NOW. Take note of the word for now my dear. Do whatever you want to do wala na kong pakelam. Labas na rin ako sa kung anuman ang tungkol sa inyo ni Kiefer and please wag mo na ko guguluhin. Mind your own business okay! 😡😡
Sent! Wala na kong pakialam sa irereply niya. After all she don't matter anymore.
Pagod, antok, sakit ng ulo at katawan at kung ano ano pa. Lahat na ata nararamdaman ko pero wala ng tatalo sa sakit ng pagiwan ko ulit kay Kiefer, sa sakit na iwanan ko sya dahil lang naduduwag ako, sa sakit na iwanan ko sya sa mga panahong alam ko sa sarili kong sya lang ang bubuo ng buhay ko. Pakatanga pala talaga magmahal. Minsan ang selfless mo, minsan selfish ka. Minsan maraming rason, minsan mauubusan ka. Minsan tanga ka pero sasabihin mo sa sarili mong okay lang nagmamahal kasi ako. Minsan tanga ka, tanga ka lang talaga period, minsan hindi lang minsan, araw-araw pa.
Kung kami, kami talaga I will be keeping that mantra. Hindi ko na kasi alam kung ano pa bang gagawin para maging okay kami ni Kief. Binigyan ako ng chance para itama yung ginawa kong pagiwan sa kanya, binuhay si Kief sa kabila ng pagpapakamatay niya kaso nagkaamnesia sya. Binigyan ako ng chance na maging close ulit sa kanya at sinobrahan pa nainlove pa sya sakin kaso tulad dati eto tanga pa rin ako pinakawalan ko sya dahil sa takot. Lumalaban ako sa lahat ng gustong gawin ng tadhana pero sa dulo matatakot na naman ako at eto ako sa kanya ulit aasa sa kung ano ba talaga ang plano niya saming dalawa. Naniniwala akong walang perfect love story, lahat may problema pero mas naniniwala ako na ang magkarelasyong mas mabibigat ang pinagdadaanan ang mas magkakaron ng matatag na pagsasamahan. Sana hindi magsawa si tadhana na bigyan ako ng chance kay Kiefer. Haaaay
Bumalik ako sa normal kong buhay. Yung 3 years ago, walang Kiefer. Buhay single, buhay magisa. Yung sarili ko lang ang iniisip ko, yung trabaho na ngayon ay business na, yung family na ngayon ay unti unti ng nagiging okay dahil gumagawa na ng steps si Mama at Papa para sa kanilang dalawa. Masaya ko sa takbo ng buhay ko, sa halos isang linggo na walang Kiefer narealize ko na kaya ko pala, pwede naman pala nasanay lang ako. Hindi ko naman sinasabing ayoko ng bumalik si Kiefer sa buhay ko pero mabuti na yung handa ako kung dumating man yung araw na maalala niya ko, magalit sya at hindi na niya gustuhin pang bumalik ako sa buhay niya. Posible, pwedeng mangyari pero at the end of the day hinihiling ko pa rin na hindi. Dahil sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin umaasa pa rin ako na kami pa rin.
Kiefer's Pov
Isang linggo nang huli kong makita si Mika. Isang linggong walang communication, walang yakap, walang kiss sa tip ng nose. Isang linggo na ang nakalipas nung huli kong naramdaman na buo at kumpleto ang pagkatao ko. Mabilis na lumipas ang mga araw, naging busy ako sa trabaho. Instead of going home early, I prefer to stay at work or to see Trincaa. Yes Trincaa dahil after all isa sya sa dahilan kung bakit nagdecide si Mikang iwanan ako. Inayos ko kung anuman yung problema namin, pinunan ang mga pagkukulang ko at pilit na binuo kung anuman ang nasira namin relasyon. But at the end of the day, pagtapos ng araw na kasama ko sya, pagtapos ng bawat yakap at halik, hindi ko pa rin maramdaman ang happiness na naramdaman ko kay Mika. Kung paanong para sa ibang tao si Trincaa ang dapat kong mahalin, ramdam ng puso ko na si Mika pa rin. Si Mika lang, my sweetest mistake, my favorite one.
Wala akong pinagsabihan ng kung anuman ang nangyari samin ni Mika. Ayoko silang magtanong, ayokong magpaliwanag. Ayokong masisi, ayokong maramdamang nagkamali ako. Ayokong magalit sila kay Mika o magalit ako sa kanila pag may nasabi silang hindi maganda at higit sa lahat ayokong malaman nila dahil baka husgahan nila si Mika, sabihin syang mangaagaw kahit ang totoo pareho naman naming ginusto to.
BINABASA MO ANG
AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )
Fanfictionwill the heart remembers what the mind forgets? will fate give them a second chance? will regrets be enough to bring someone back? A story of 2nd chances, Acceptance Letting go Moving on Bitterness Regrets Forgiveness Book 1 and 2
