Chapter 27

1.8K 59 11
                                        

Pauly's Pov

Flashback:

"Umayos ka nga Paps teka may naisip ako para magkaayos yung dalawa" sabi ko kay Mikee at lumapit para ibulong ang plano ko sa kanya.

"Ganto Paps this coming weekend sa surprise proposal mo hindi ako sisipot" bulong ko sa kanya.

"Ano? Gago ka naman Paps eh walang ganyanan kailangan kita. Paano naman ako nyan---" galit na sagot ni Mikee pero hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin niya. Hala sya attack na attack na naman.

"Gago makinig ka nga muna. Hindi ako sisipot kasi si Kiefer ang papupuntahin ko" sagot ko sa kanya at kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni kalbo

"Ha? Ano? Parang tanga ka naman dyan sa plano mo Paps eh alam mo namang ayaw ni Mika na makasama si Kiefer di ba? Paano kung malaman nya tapos hindi na sya pumunta tapos hindi na rin makakapunta si Jessy? Eh di nganga lahat ng plano ko? Paps naman ayoko niyang plano na yan!" galit nyang paliwanag sakin.

"Huy magrelax ka nga tsaka pwede ba hayaan mo muna kong magpaliwanag! Kaibigan mo si Kiefer di ba?" Tanong ko at umoo sya.

"Si Mika din di ba?" Tanong ko ulit at umoo sya ulit

"Gusto nating dalawa na magkaayos sila di ba?" Tanong ko at oo ulit sya.

"Oh eh bakit ang kontrabida mo? Ganto kasi Paps last minute ko na sasabihan si Kiefer na hindi ako sasama at si Mika malalaman na lang niya na si Kiefer na ang proxy ko sa mismong araw na ng alis nyo" paliwanag ko pa sa kanya

"Pero Paps sigurado ka bang papayagan si Kiefer ni Trincaa? Hindi mo ba nakita kung gaano kaclingy yung isang yun kay Manong at isa pa pano pa pag nalaman nyang kasama si Mika? Baka isipin pa ni Trinca na plano lahat to ni Mika tapos magagalit sya tapos sasabihin na nya kay Kiefer yung totoo about kay Mika" o.a na reklamo ni Mikee.

"Alam mo ikaw ang dami mo na agad nasabi. Relak nga kasi. Si Pauly tong kausap mo, hindi ako pabigla bigla Paps at isa pa yung mga eksena na sinabi mo naisip mo pa lang nagawan ko na ng paraan. Trincaa will be out this weekend pupunta ata ng Malaysia so probably wala sya eh di walang asungot. Isa pa syempre iiwasan nating malaman ni Trincaa na magkasama sila Kiefer at kung malaman niya man eh di gawan na lang natin ng palusot." explain ko kay Mikee at nakita kong unti unti na syang nacoconvince.

"Eh si Mika Paps pano pag nakita niya si Kiefer dun tapos biglang sabihin niya na hindi na lang sya sasama? For sure by that time nasasaktan pa rin yun sa mga nasabi ni Kiefer ngayong gabi" usisa pa ni Mikee. Daming reklamo ng kalbong to.

"Paps sa tingin mo ilalaglag ka ni Mika? Sa tingin mo hahayaan niyang hindi matuloy yung proposal mo kay Jessy? Sa tingin mo mas pipiliin nya yung pride nya over her bestfriend's lifetime happiness?" Tanong ko kay Mikee at halatang napaisip sya sa mga sinabi ko.

"Hindi" he plainly answered

"Oh yun naman pala eh kaya wag kang praning Paps. Relak ka lang matutuloy yung plano mo" assure ko sa kanya.

"Eh Paps hindi ka na talaga pupunta?" malungkot niyang tanong sakin.

"Clingy ampucha hahaha susunod ako syempre pero hayaan ko munang makalayo kayo para wala ng atrasan para kay Mika at Kiefer" sagot ko pa

"Eh anong idadahilan mo kay Kiefer para pumayag sya?" tanong ni Mikee

"Masakit tyan ko?" patanong kong sagot

"Pucha ang lame ng excuse mo Paps eh diatabs lang katapat niyan eh" sagot ni Mikee, may point sya dun.

"Oh sige work related na lang" sagot ko at tumango na lang sya.

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon