MAHAL KO EH :)

1.4K 47 13
                                    

Kiefer's Pov before their supposed to be wedding

Isa. Dalawa. Tatlo hindi ko na mabilang kung ilang beses na pinaiyak ko si Mika dahil lang sa katotohanang gago ako. Mahal ko sya wala naman dapat na tanong dun pero minsan kahit gano ako nagiingat na wag syang masaktan, nagagawa ko pa rin. Tao lang kasi ako, oo ang bobo ng rason pero yun ang totoo.

Naalala ko nung hiningi niya sakin na iwanan na sya dahil pagod na syang intindihin ako. I was too busy with my career, yung work ko kinakain ang lahat ng oras ko. Wala na kong time sa kanya. Im too preoccupied. Inaalagaan ko yung career ko pero napabayaan ko sya. I want to be too succesful to the point na nalimutan ko na kung para saan ang lahat ng to. Kung bakit ako nagsisikap, kung bakit ako nagpapakapagod pero nabulag ako eh inuna ko yung pangarap ko. Im listing down my priorities, my dreams, my wishes pero sa lahat ng yun naging huli si Mika. Hindi ko sya masisi kung nagdecided na syang iwanan ako dahil all of a sudden nawala sya sa equation. Nalimutan kong para nga pala sa kanya lahat ng to, yung success umakyat sa ulo ko. Akala ko magiging masaya ko pag nakukuha ko lahat ng gusto ko sa career ko pero nagising na lang ako one day, para bang pinamukha sakin ng pangarap ko na si Mika talaga ang mukha nito. Si Mika lang ang pangarap ko, mahal ko eh.

Second chance, one more chance, one last chance. Hindi ko alam kung gaano kadami yung paulit ulit na binigay ni Mika. Hindi ko alam kung ilang chances ang nasayang pero binibigay pa rin niya kahit minsan napapatanong ako kung deserve ko pa ba. Mahal niya daw ako, kaya niya kong iforgive kahit ilang beses akong magkamali. Naging unfair ako sa kanya, tumatak sa isip ko na mahal nya ko ok lang magkamali. Pero dumating yung time na napagod sya, pahinga daw muna kami. Yung wala yung isa't isa, yung magisa. Akala ko okay lang, akala ko kaya ko pero nagising ako na sya yung hinahanap ko. Malaki pala yung butas ng buhay ko pag wala si Mika. Butas na kahit kelan hindi mapupunan ng kahit sino at ilang babaeng nagtangkang tuksuhin ako.

Yes I was almost on the verge of cheating to her. I stalked that girl's IG , I liked some photos, those selfies showing her beautiful face and her body. Maganda si Mika pero di ko alam kung bakit parang kulang pa. We became constant textmates and I can feel she's teasing me. I play it cool dahil ayokong magduda si Mika. Ayokong bigyan ng rason para unti unting mawala yung tiwala nya but I did. Tinago nya lahat ng pain to save our relationship, kinimkim niya lahat ng sakit dahil naniniwala syang natutukso lang ako. Yung tiwalang pinaghirapan kong makuha nabawasan, hanggang sa naubos pero dahil mahal niya ko unti unting nabuo ulit. Kahit mahirap ginawa ko, mahal ko eh.

Selosa si Mika but she still gave me the benefit of the doubt. Seloso sya at minsan pinapalala ko pa na hindi ko alam kung bakit, ang gago di ba? Malakas yung tukso pero mas malakas yung reminder sa utak ko na hindi ko dapat lokohin si Mika dahil nangako ako na iba ako sa mga lalaking kinakatakutan niya. So I stay faithful, mahal ko eh.

Breathing space? Bakit? Bakit kailangan namin ng space kung halos nauubisan na nga kami ng oras sa isa't isa? Pero narealize ko na baka nga tama sya. Baka masyado na kaming complacent na hindi na kami masaya.

Sundo, hatid naging everyday routine. Wala ng bago sa mga text messages na pinapadala namin sa isa't isa. Yung araw araw na kwentuhan naging pare pareho lang. Naumay na kami sa goodnight at good morning messages. Yung I love you nawalan na ng meaning. Yung kiss nakasanayan na lang. Oo nga kailangan nga namin ng breathing space para isipin ko dapat pa ba naming ituloy ang kung anong meron kami. Yung breathing space hiningi niya para huminga kaming dalawa, but that breathing space became an empty space. Sobrang tahimik dahil wala yung mga tawa niya. Sobrang lungkot dahil wala yung mga ngiti niya. Sobrang empty dahil wala sya. Hindi pala masaya yung tanginang breathing space na yun, ayoko ng space dahil natatakot ako na baka may magtake advantage ng naiwan kong space so I do everything to win her back, mahal ko eh.

Maganda, sexy, matalino, mabait almost perfect. Ilan lang yan sa mga sinasabi nila kay Mika, mapababae man o lalaki. Wife material, yung babaeng iuuwi mo sa bahay at ipapakilala sa pamilya mo, yes its Mika. Madaming lalaki na nagaabang na iwanan ko sya, mga lalaking anytime will take the opportunity to steal her from me. That's why I did everything to protect her, takot akong mawala sya eh. Bawal pumarty pag walang Kiefer. Bawal magbikini sa beach dahil ayokong may titingin sa kanya. Bawal ang sexy dress dahil ayokong may magnanasa sa kanya. Bawal umalis kung wala ako, pag wala ako dapat puro girls, pag may boys dapat kilala ko. Bawal gumalaw na wala ko, lahat ng desisyon dapat iconsider yung opinion ko. Yung cellphone niya daig ko pa ang soco kung magimbestiga. Bawal ng kahit anong connection sa iba. Nasakal sya dahil hindi ko naisip na sobra na ko. Yung sarili ko lang iniisip ko. Masyadong mahigpit to the point na hindi na sya makahinga. Yung Mika na nasanay magisa kinulong ko sa buhay na hindi nya inaakala. Pero pinili niya pa rin ako, inintindi niyang protective lang ako. Hindi ko sinuko, mahal ko eh.

Pinagpahinga ko lang nung napagod sya, mahal ko eh.

Ginago ko pero binalikan ko, mahal ko eh.

Yung pride ko kahit gaano kataas pag dating sa kanya binababa ko, mahal ko eh.

Kahit anong topak niya sinuyo ko, mahal ko eh.

Kahit unreasonable na minsan inintindi ko, mahal ko eh.

Kahit may ibang higit sa kanya hindi ko pinagpalit, mahal ko eh,

Kahit ilang babae tumukso sakin hindi ako kumagat, mahal ko eh.

Iwanan man namin ang isa't isa alam ko sa sarili kong babalik ako, mahal ko eh.

Walang magbabago, walang aayaw, walang susuko dahil simple lang, mahal ko eh. Mahal na mahal 😊

Author's Note:

Mahal niya wala tayong magagawa 😂😂
Hugot UD lang ulit pero medyo wala tong kwenta 😂😂 favorite ko yung kay Mika mga 100x ko atang binasa 😂😂
Kailangan ko muna ng breathing space para sa next chapter charot 😂😂
Gusto kong palitan si Rachel, sino ipapalit ko si Alyssa? Para kiefly? Haha o si Pabebe girl? Hahaha
Next UD may laman na promise 🙋🏻 hirap kasi gumawa ng masayang UD pag walang inspirasyon pero I'll try promise.
Dami ko na naman sinabi hahaha
#KAPITLANG 💪🏻💪🏻

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon