Chapter 30

1.4K 47 18
                                        

Pauly's Pov

Nakaupo ako sa sofa ng condo ko, tulala, nasasaktan, sabaw, lutang at hindi pa rin makapaniwala sa nalaman ko ngayong araw na to.

Paano niya nagawa sakin to?Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko dahil hanggang ngayon wala pa rin akong sagot. Sinubukas niya pa sanang magpaliwanag pero hindi ko alam kung bakit umayaw na ko, masyado ng masakit pag may nalaman pa ko.

Minahal ko sya ng totoo, pinakilala sa lahat ng taong mahalaga sa buhay ko at higit sa lahat sineryoso.

Naniwala akong sya na si The One. Pero bigla na lang niyang inamin sakin na niloloko nya lang ko, plano lang daw nila ang lahat ng to. Simula nung unang araw na nakilala ko sya hanggang sa ngayon na minahal ko na sya. Ginamit niya lang ako para makakuha ng information sa kanilang dalawa, para sirain sila kasi alam nila ako ang pinakamalapit sa kanila.

Bakit ako? Kung paanong inakala kong ito na ang reward ko sa pagiging mabuting kaibigan ko biglang pinaramdam sakin na mali pala ako. Karma ba to? Pero bakit ako? Anong ginawa ko?

Sa gitna ng pagiisip ko, may biglang kumatok sa pinto ng condo ko. Malakas na katok na para bang gigibain ang pinto kaya kahit na masama ang loob ko pinagbuksan ko.

Binuksan ko ang pinto pero bago ko pa makita kung sino ang kumakatok, nauna na niya kong sinuntok.

"Tangina mo Pauly! Tangina niyong lahat niloko niyo ko!" sigaw sakin ni Kiefer habang sinimulan na rin na kwelyuhan ako.

"Tangina anong pinagsasabi mo?" galit kong sagot sa kanya sabay tulak sya para mawala ang pagkakapit nya sa kwelyo ko.

"Alam ko na Pauly lahat. Alam ko na!!! Alam ko ng niloloko niyo ko. Natatandaan ko na si Mika" Pasigaw na sagot nya sakin na punong puno ng galit. Sabi na nga ba.

"Oh gago ka pala eh! Anong kinakagalit mo?!!" sigaw kong tanong sa kanya.

"Akala ko kaibigan kita pero pare pareho lang kayo, lahat kayo pinaikot niyo ko. Lahat kayo kumampi kay Mika! Lahat kayo ginago niyo ko!!" sumbat niya sakin.

"Nagagalit ka dahil pinagtakpan namin si Mika? Nagagalit ka dahil akala mo niloko ka naming lahat?! Tangina mo ka hindi mo ba alam na kaya lang namin ginawa yun dahil concern kami at pinoprotektahan ka namin? !!!" galit kong paliwanag sa kanya at alam ko malayo pa kami parehas sa pagkalma.

"Protektahan? Concern? Gago pala kayo eh sana sinabi niyo na lang yung totoo hindi yung pinaniwala niyo ko sa mga kagaguhan niyo!" sumbat niya pa

"Para ano? Para magpakamatay ka ulit? Hindi mo ba maintindihan na ginawa lang namin yun dahil naaawa kami kay Mika!! Nagsisisi na sya at isa pa gusto pa naming maayos kung anuman yung naging problema nyong dalawa!!" galit kong paliwanag sa kanya.

"Tapos ano hindi niyo naisip yung nararamdaman ko? Hindi niyo naisip na ako yung niloko ni Mika? Hindi nyo naisip na mas masakit yung pinagdadaanan ko? Hindi nyo ko naisip kasi naawa kayo kay Mika tapos sakin hindi? Sino bang umurong sa kasal? Sino bang nagsabi na hindi na nya ko mahal?!!! Tangina!" napasabunot na si Kiefer sa inis nya, gusto ko syang intindihin pero gusto ko ring maintidihan nya kami kung bakit nagawa namin yun sa kanya.

"Kiefer nabigla lang si Mika. Alam mo naman yun pinagdaanan niya di ba? Natakot yung tao na baka lokohin mo kasi muntik mo na ngang magawa noon di ba?! Hindi madali yung pinagdaanan nya alam mo yun!" sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nagagalit pa rin sya kahit na alam na nya.

"At ako madali? Sa tingin mo madali lang para sakin na araw araw akong naniniwala na unang beses ko pa lang nakilala si Mika? Na may mga araw na nagiguilty ako dahil akala ko mali yung ginagawa ko at araw araw akong naniniwala sa lahat ng kasinungalingan nyo? Madali ba yun?!" sumbat niya sakin.

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon