Chapter 26

1.6K 48 7
                                        

Mika's Pov

Oo may amnesia sya but that does not give him the license to judge me. Ang sama sama ni Kiefer para sabihang malandi ako when in fact mas malandi nga sya for kissing Trincaa.

"Miks huy are you okay?" Pao asked me while he's driving.

"Yes I am" I answered while Im still sniffing. Gagong Kiefer na yun.

"I know naman na you're not yet ready to talked about what happened but remember Im always here for you" Pao seriously told me. Sya na lang kaya mahalin ko? Amp joke lang.

"Thank you and by the way sorry for being too clingy awhile ago. I just wanted to make Kiefer jealous kaso digital ata talaga ang karma kasi bumalik agad sakin" I explained to him.

"Akala ko pa naman totoo na yung sweetness mo, sayang haha" sagot ni Pao

"No kasi and besides medyo tipsy na rin ako kanina kaya ko yun nagawa Im sorry ulit ha" Sagot ko sa kanya.

"Wala yun tulad nga ng sabi ko Im always here for you" sagot ni Pao while winking at me.

"Oh sige Pao salamat sa paghatid and pagsama sakin tonight ha. Sorry ulit sa nangyari and thank you for being there kanina" I told him bago umakyat papunta sa condo ko.

"Wala yun Mika okay ka lang jan magisa? Kaya mo ba?" tanong ni Pao, gusto pa ata matulog sa condo ko pero para kay Kiefer lang to eh.

"Oo naman kaya ko sige na Pao una ka na at ingat ah" paalam ko sa kanya at umalis na para hindi na sya mangulit.

Pauly's Pov

May kukunin lang sana ako sa kotse ko sa parking lot pero napansin ko na parang nagaaway si Boy kups at si Manong. Nakita ko kung paanong itulak nila ang isa't isa. Akala ko simpleng nagkainitan lang ang dalawa pero nakita ko si Mika na umiiyak na at si Kiefer pumoporma ng susuntukin si Boy Kups kaya agad akong tumakbo para awatin sila. Hahabol pa sana si Kiefer dun sa dalawa pero pinigilan ko sya at nang makaalis na sila Mika kinausap ko sya agad.

"Manong ano bang nangyari? Bakit umiyak si Mika?" tanong ko kay Kiefer

"Eh kasi Paps" nahihiya pa sya pero kinwento niya rin kung anong nangyari.

"Ano sinabihan mo syang malandi? Eh gago ka pala talaga Kiefer eh kung ako si Mika hindi lang sampal ang inabot mo sakin. Gago ka talaga" galit na galit ako kay Kiefer dahil sa nalaman ko kaya naitulak ko din sya.

"Kaya nga nagsisisi na ko eh Ano Paps aawayin mo rin ako?" tinulak rin ako ni Kiefer galit din sya pero alam ko nagsisisi talaga sya.

"Wala kang karapatang sabihin yun kay Mika hindi mo alam ang pinagdadaanan niya. Tsk kakadisappoint ka Kiefer" sagot ko sa kanya pero sinubukan ko ng kumalma.

"Kaya nga nagsorry na ko kanina eh Paps naman nagiguilty na nga ko wag ka na dumagdag" reklamo nya pa.

"Bakit mo ba kasi nagawa yun ha?" Seryoso kong tanong sa kanya

"Eh nagseselos nga ko sa kanila ni Boy kups. Badtrip na nga ako sa mga nakikita ko sa IG tapos dadagdag pa yung mga nakita kong sweetness nila ngayon" paliwanag niya

"Ah selos ka tapos si Mika hindi mo man lang naisip kung nagseselos ba? Bakit Paps sweet ka rin naman kay Trincaa ah mas malala pa. Hindi mo ba naisip na nagseselos din sya? Halos ipagsigawan na nga nya eh kulang na lang itag ka nya dun sa IG post niya?" sagot ko sa kanya.

"Ano? Anong IG post? Inunfollow ko na sya nung isang araw lang" sagot niya pa

"Yan yan yan puro sarili kasi ang naiisip Oh eto basahin mo" sagot ko sa kanya at pinakita ang post ni Mika.

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon