Chapter 34

1.2K 48 12
                                    

Kiefer's Pov

I composed myself and tried to stop from crying before dialling Mika's number. I need to talk to her at alam kong hindi ko na magagawang ipagpabukas na malaman ang explanation nya sa ginawa nya sakin.

I dialled her number and took all the courage to talk to her sa gitna ng galit ko. I told her na pumunta sa bahay. Ayaw niya pa pero nung tinanong ko kung pupunta sya o ako ang pupunta sa Bulacan napapayag na sya.

The waiting game to know the truth feels so long. Ang tagal niyang dumating. Buti na lang din na ako lang ang tao dito sa bahay dahil hindi ko alam kung paano ko kakausapin sila Mama after kong malaman ang totoo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinanong ang sarili ko ng Bakit? Bakit? I still cant understand!

Maya maya lang narinig kong may pumasok na kotse sa gate ng bahay namin. If only thing were the same, excited akong sasalibungin si Mika pero now Im not. Ang gusto ko lang malaman ang lahat at kung saan ang naging hangganan ng pagsisinungaling nila sakin.

"Babe" bati ni Mika at nakita kong umiiyak na sya. I saw fears in her eyes pero ayokong magpaapekto.

"Ano to Mika?" tanong ko sa kanya habang isa isang pinapakita ang mga binigay sakin ni Trincaa.

"Ah Kiefer aa...lam mo na?" nakita kong nagulat sya sa mga nakita niya. She dont know what to say.

"Na ano? Na niloloko niyo lang akong lahat?"galit na galit kong tanong sa kanya pero pinipigilan ko pa rin na sigawan sya dahil nakikita kong natatakot sya.

"Kief let me explain" takot na takot nyang sagot sakin. Gusto kong maawa sa kanya pero kinakain ako ng galit ko.

" Explain para ano? Mika alam ko na ang lahat!!Natatandaan ko na. Hanggang kelan mo ko planong lokohin? Hindi ka pa tapos? Kulang pa yung mga ginawa mo dati? Hindi ka pa tapos sa mga panloloko mo? BAkit mo paulit ulit na ginagawa sakin to Mika? Bakit?" umiiyak kong tanong sa kanya dahil sa totoo lang yung galit at awa para sa sarili ko dahil sa nalaman at natandaan ko ay naghalo halo na.

"Kiefer wala akong planong lokohin ka. Gustuhin man naming sabihin sayo ang lahat natatakot kami na baka ituloy mo yung nauna mong plano. Kief prinotektahan ka lang namin. Maniwala ka hindi ko ginustong magsinungaling sa'yo. Hindi ko plinanong saktan ka Kiefer Im sorry alam kong mali na pinaniwala ka namin sa hindi totoo pero yun na lang yung alam naming solusyon Babe Im sorry Im really sorry" explain sakin ni Mika at lumapit sya para sana yakapin ako pero lumayo ako.

"NO! Ayoko ng makarinig ng kahit anong sasabihin mo dahil hindi ko na alam kung may dapat pa ba kong paniwalaan sa kahit anong galing sayo. Ayoko ng marinig yung explanation mo." Sagot ko sa kanya habang lumalayo sa kanya.

"Babe believe me hindi ko gustong lokohin ka. Hindi ko intention na saktan ka. Babe naipit na lang ako sa mga pangyayari" umiiyak niyang paliwanag sakin. Ayokong Makita syang ganto pero parang biglang naging manhid ako.

"Hanggang kelan mo plano to Mika?Hanggang yayain ulit kitang pakasalan at tanggihan mo ulit ako? Hanggang kelan mo planong paikutin ako?" ang daming tanong sa isip ko, tulad nung araw na iniwan nya ko sa kasal naming gusto kong malaman lahat ng sagot pero natatakot ako na marinig mula mismo sa kanya.

"Tomorrow Kief Im planning to tell you everything. Naunahan lang ako ni Trincaa. Alam ko wala ka ng kahit anong pinaniniwalaan pero sana maniwala ka naman ngayon oh. Hindi ko planong forever kang lokohin. Hindi mo alam kung gaano kahirap para sakin ang itago ang lahat. Kung gaano kasakit magpanggap na hindi ako nasasaktan nung mga araw na hindi mo ako matandaan. Hindi mo alam kung ano yung pinagdaanan ko mahalin mo lang ulit ako. Hindi mo alam kung gaano katagal kong tiniis na itago sayo ang lahat at kung gaano katagal akong kinakain ng konsensya ko dahil sa mga tinatago ko sa'yo. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sayo yung totoo pero kinakain ako ng takot ko na baka pag nalaman mo na yung totoo lahat biglang magbago at mawala ka ulit sa buhay ko. Natakot ako Kief" sumbat nya sakin at ramdam kong kahit sya galit na rin.

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon