Tulog na tulog si Kiefer sa tabi ko. Pagod na pagod din siguro dahil sa surprise na ginawa nya. Nagmadali syang umuwi ng Manila para iprepare lahat ng to for me and I cant help but to be thankful to him, to our friends and most especially to God for giving me the strength and the patience na kumapit lang sa relationship namin.
Our relationship was never easy. Away, tampo, galit, topak, sapak, breathing space, cool off, on a break, break. Lahat yun chinallenge kaming dalawa at yung amnesia nya that's the greatest of all.
Yung makalimutan niya lang akong itext galit na ko. Makalimutan niya lang akong sunduin dahil busy sya, away na agad. How much more when he forgot everything about me?
Lahat naman ng relationship dumadaan sa away, yung away na hindi basta madadaan sa panuyo moves. Yung away na mapapasabi ka na lang na ayoko na, ayoko na sa kanya ayoko na sa relasyon namin. I want to end this, hindi ko alam kung ilang beses ko ng sinabi yun sa kanya o sya sakin. Kung ilang beses kong ginusto at plinanong tumigil dahil pagod na ko. Kung paanong dinelete ko laht ng pictures namin sa instagram dahil inis ako. Unfriend sa FB, unfollow sa twitter at IG. Delete ng number niya kahit saulo ko. Pagod na kasi akong intindihin sya. Pagod na ko sa drama, yung tipong konting bagay iiyak ako, konting kasalanan niya magagalit ako. Minsan gusto ko nang tapusin na kasi akala ko yun na lang yung solusyon para matapos na lahat ng drama at pagod pero at the end of the day, sa kabila ng pagod ko pinili ko lang magpahinga.
Hindi ko alam kung gaano kalaki na yung hiningi naming space para sa isa't isa sa tuwing nasasakal na kami, ako sa pagiging protective nya at sya sa pagiging selosa ko. Kung paanong feeling ko na wala na kong freedom na gawin yung mga gusto ko at kahit sya kung paanong feeling niya sakin na lang umiikot ang mundo nya. We're both possesive pareho kasi naming tinanim sa utak namin na once na wala na kaming pakialam sa isa't isa it means we don't love each other anymore kaya pareho kaming naging possesive, parehong naging territorial na kung minsan hindi na pala healthy. Minsan nakakasakal na to the point na gusto mo ng bumitaw at huminga. Pero ginusto man naming huminga na magisa at wala ang isa't isa, sinigurado namin na ang paghinga ay laging pansamantala.
I have commitment issues kaya nung nagdecide akong magtake ng risk nung minahal ko sya, I did everything to make it work. Minahal ko sya sobra pa sa alam ko pero nagising na lang ako one day at narealize ko love is not enough to make someone stay. TRUST, its the most important thing. Tiwala pag hindi mo sya kasama, tiwala kahit kasama mo pa sya. Tiwala sa kanya, sa sarili mo at higit sa lahat sa relasyon niyo. Girls are born to be paranoid, boys are born to make us paranoid. Kaya kung hindi ka talaga magtitiwala sa kanya wala kayong mararating. I myself find it so hard to trust someone pero nung dumating si Kief sa buhay ko I took the risk, gave my 100% and just like any other relationship, yung 100% naging 50%, naging 0 and the worst is naging negative.
Tao lang sya, he's not perfect. He makes mistake no matter how much he promised na he won't. He's faithful alam ko yun but I guess lalaki lang sya kaya napapatingin sya sa iba kahit na feeling ko at napapatanong ako na enough na naman ako bakit pa?. He never cheated on me sabi nya kahit nakita kong nagsasayaw sila sa bar na halos dikit na ang katawan nila , kahit nabasa ko yung mga text nung babae sa kanya pero wala kong nakitang reply nya dahil hindi nga ba talaga sya nagchicheat? O magaling lang syang magdelete? He never cheated on me sabi nya kahit madalas kong makitang maglike sya ng picture nung girl sa insta, kahit madalas syang magfavorite ng tweets ni ate girl kahit walang kwenta. He never cheated, it's just sometimes my girl instinct is telling me that he does when in fact Im just putting too much mallice on everything and sometimes nagpapadala ko sa mga sinasabi ng tao sa paligid ko which is wrong dahil binibigyan ko sila ng puwang sa relasyon na dapat kami lang. Shut up please! I know my man more than yours! I wish I have the guts to tell them this but all I can do is secretly defend him here in my heart. I know better, we know better. Wala syang ginagawang masama, mahal niya ko.
Dumating sa point na ayoko na talaga. Ayoko na dahil hindi ko na kilala ang sarili ko. Ayoko na dahil parang wala ng Mika kung walang Kiefer. Nabuhay akong magisa kaya parang masakit sa ego ko na tanggapin na I need him, na hindi ako mabubuhay nang wala sya. Na para bang yung paghinga ko hindi ko magagawa dahil sya yung oxygen, na parang hindi ako makakakain pag wala sya dahil nasa kanya yung ulam, na para bang pag wala sya hindi ako mabubuhay simply because he is my life.
Kaya I decided to live my life na wala sya, I ask for a breathing space. Walang maghahatid dahil may sarili akong kotse. Walang magreremind na kumain na ko dahil alam ko ang tamang oras ng pagkain. Walang magtatanong kung ano nangyari sa araw ko dahil kahit ikwento ko pa wala na naman siyang magagawa maganda man o hindi yung nangyari simply because tapos na. Walang magsasabi ng goodnight dahil good naman lagi ang night ko basta makapagpahinga ako at hindi ko kailangan ng good morning msgs dahil yung araw na sumisikat pag umaga eh sapat na para iremind ako. Walang magsasabi ng I love you dahil I love you lang ni Mama at Papa ok na. Walang kiss dahil kaya kong mabuhay kahit walang ganun. But I guess when someone became a part of your routine hindi mo na sila basta basta maaalis sa buhay mo. Na minsan kailangan pala talaga may maghatid sakin para pag traffic may kasama ko sa kwento, pag pagod ako may ibang magmamaneho. Na kailangan may magremind sakin na kumain na dahil minsan sa sobrang busy ko nakakalimutan ko. Na minsan kailangan ko na may masabihan kung anong nangyari sa buong araw ko dahil concern sya sakin at mas masarap na alam kong may masaya pag naging masaya ang araw ko at may nalulungkot para sakin pag hindi. Na kailangan ko ng good night galing sa ibang tao dahil it only reminds me that he is thinking of me bago sya matulog and he's looking forward for the next morning na babatiin nya ko ng good morning dahil ako agad yung naisip nya pagkagising nya. Na kailangan ko pala ng I love You from him dahil it only reminds me na someone is capable of loving me beside Mama and Papa, na kaya ko ring magmahal ng ibang tao, na mas masarap na alam mong may nagmamahal sayo hindi lang dahil kapamilya mo sila at kailangan ko ng kiss dahil part yun ng pagpapakita na mahal ko sya at mahal nya ko. I need him not because he is sweet or because he gives butterflies to my stomach but simply because I love him.
Kumapit lang ako sa relasyon namin, sa kanya kahit pa dumating sa point na kasing nipis na lang ng sinulid yung hinahawakan namin. Kahit parang NBA finals na 3-1 na at kami yung 1 isang pagkakamali lang namin talo na. Kahit parang PBA playoffs na nasa bottom ng standing at isang talo na lang laglag na. Kahit pa 1sec na lang tapos lamang ang kalabang ng 2pts pero nashoot pa rin namin ng 3pts kaya sa huli panalo pa rin kami. Never say die nga di ba?
Hindi ako nagalit kay tadhana sa lahat ng problema at sakit na binigay niya saming dalawa dahil naniniwala akong binigay nya yun para matuto kaming dalawa, na para pag dumating yung time na pagdaanan ulit namin yun, alam na namin ang dapat gawin. Yung wala ng takot na magkamali ulit dahil lahat alam naming kaya namin.
Hindi ako nagsisisi na humingi ako ng space noon dahil nakita ko kung gaano kalaki yung emptiness pag wala sya.
Hindi ako nagsisisi na hiningi kong kilalanin muna ang sarili ko noon dahil nalaman kong mas masaya pala na maging Mika kung may Kiefer na kasama. Na minsan pala okay lang ang magkamali.
Hindi ako nagsisi na kailangan naming pansamantalang maghiwalay dahil nalaman ko kung sino ang totoo sa hindi sa mga kaibigan naming dalawa at nalaman ko ang tama sa hindi.
Hindi ako nagsisisi na kailangan namin iwanan ang isa't isa dahil dun namin narealize kung gaano kahirap na mawala ang isa't isa na naging dahilan para mangako kami na forever na kaming dalawa.
Alam kong malayo pa sa ending ang story namin, marami pang challenges at problema kaming haharapin pero tulad nga ng mantra ko, KAPIT LANG 😊 coz time will come all the pain will be worth it.
** NO REGRETS JUST LESSONS LEARNED
Author's Note:
Hugot hugot lang hugot hugot hugooooot : )
Ginawa ko talaga to habang nasa work ako dahil nasasad ako :(
btw guys hindi pa to ending ah hahaha I just need to let out my feelings :)
Good Vibes at kapit lang, parang wattpad lang yan sila pa rin sa huli :)
#KAPITLANG
BINABASA MO ANG
AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )
Fanficwill the heart remembers what the mind forgets? will fate give them a second chance? will regrets be enough to bring someone back? A story of 2nd chances, Acceptance Letting go Moving on Bitterness Regrets Forgiveness Book 1 and 2