BEST

1.6K 50 16
                                    

Kiefer's Pov

Nagiinuman kaming tatlo nila Mikee and Pauly nang biglang magpaalam si Alyssa na magCC.R sya since hindi sya familiar sa place sinamahan sya ni Cyd. Naiwan kaming dalawa ni Pauly dahil biglang may tumawag din kay Mikee.

"Hindi mo ba talaga girlfriend yun?" tanong sakin ni Pauly habang inaabot ang shot glass

"Hindi Paps kaibigan ko lang" sagot ko pagtapos inumin ang inabot nya.

"Eh bakit mo sinama?" follow-up question ni Pauly habang nakatingin sa akin.

"Iniiwasan ko lang maging awkward kami ni Miks" sagot ko dahil yun naman talaga yung totoo.

"So tingin mo hindi naging awkward ng makita niya si Alyssa? Paps bulag ka ba?!Nakita mo ba kung gaano kasama yung tingin sa kanya ni Mika?" sermon sakin ni Pauly. Buti na lang talaga nagkaayos kami nitong bestfriend ko na to.

"Awkward" simpleng sagot ko dahil nakita ko rin naman kung paanong sumagot si Mika kay Aly pati na rin ang mga simpleng irap nya dito.

"Alam kong hindi naman kailangan maging Propeta pero sana Paps napredict mo ng mangyayari tong ganto" seryosong sermon ni Pauly sakin at napatahimik ako.

"Paps gusto ko lang ding malaman kung magseselos si Mika kaya nagawa ko yun" confess ko kay Pauly dahil wala naman akong maitatago sa isang to.

"Pinagselos mo? Gago ka pala eh Pakabakla moves naman nun Kiefer! Pakagago mo kahit kelan. ewan ko ba kung may isip ka pa parang lahat napunta jan sa abs mo!" tahasang comment ni Pauly sakin. Ang hard pucha.

"Tangina Paps sino ba talagang kaibigan mo samin ni Mika?" pikong pikon kong tanong sa kanya paano guilty na din kasi ako.

"Pareho pero Paps alam mo one of these days itatakwil na talaga kitang kaibigan eh. Pakatanga! Pakagago mo kahit kelan" sermon nya sa akin. See hindi talaga maiiwasan na meron at meron silang kakampihan samin.

"Oo na mali na ako" suko na ko dahil totoo naman yung mga sinabi ni Pauly na ang selfish ko.

"Kuha mo nga kong tubig! Nahighblood ako sa kagaguhan mo eh" utos sakin ni Pauly na sobrang uminit talaga ang ulo.

"Oo na teka nga" Sagot ko at iniwan siyang magisa.

I made my way to the kitchen at nagulat ako ng makita ko syang kumukuha rin ng tubig. Pagdating ko saktong nakatalikod sya. Regrets? Feeling ko all of the sudden kinakain ako ng mga regrets ko. Paano ko sya nagawang iwanan? Bakit hindi ko sya pinaglaban? Nagpadala na naman ako sa takot.

Just like the old times kahit nakatalikod pa lang sya maganda pa rin. Bagay din sya sa long hair nya although mas gusto ko yung short hair nya coz I like biting her shoulders. Pumayat din si Miks, nadepressed ba sya sakin? Hindi ba sya makakain? So many things running in my mind but I want to talk to her. Kahit saglit lang para malaman ko man lang kung ok sya. Why am I sounding so concern ngayon samantalang hindi ko nga inisip yung feelings nya. Kahit naduduwag ako naglakas pa rin ako ng loob na kausapin sya.

Kinamusta ko sya at buong akala ko hindi nya ako kakausapin but she did. Akala ko rin hindi na sya haharap but still she did. She respects me and with that I feel like the most douchebag guy for bringing Alyssa here and not respecting her. Bakit kasi hindi ko sya kayang mahalin tulad ng pagmamahal nya sakin? Yung walang bounderies, walang rason pero alam mong malalim. At ngayon patuloy ko ring tinatanong ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang maging katulad nya after the breakup, selfless at higit sa lahat nirerespeto ang nararamdaman ko. Tahimik lang at alam kong never na may sinabing masama against sakin tapos ako kahit break na kami gago pa rin. Tama nga si Pauly pakatanga ko!

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon