Day 41
I miss you
I'm sorry if it takes too long for me to say this but..........
I'm really sorry for everything
Sorry for telling you that I don't want this anymore but the truth is I'm just scared
I want you back
Can I have this one last chance again?
Please.....
I still love you, I never stopped.
Those were the words I wanted to tell her but just like what happened most of the time, I can't find the courage to say it. Kinain na naman ako ng takot ko, buong buo.
"Guys wag nyo ng pigilan si Mika. Hayaan nyo na syang makita ang dapat nyang makita. Kung madumi man malay niyo linisin nya pa. Sige na Mika pumasok ka na. dyan ka na magbihis" Pauly said
After hearing those words, nagmadali akong magtago sa likod ng closet nila Jessy at buti na lang the closet is too big and enough to hide me.
"Thanks Pauly" rinig kong sagot nya bago tuluyang isara ang pinto ng guest room nila Jessy at pumasok sa loob.
She placed her bags and her things in the bed na malapit lang sa pinto ng room. She didn't open the lights. Nakatalikod sya sakin and I know I look like a creepy stalker here watching her change her clothes. Ang manyak pucha pero hindi ko rin naman matiis na hindi sya tingnan dahils miss na miss ko na sya and it's been a long time since the last time I saw her personally. Chance ko na to eh yung ganito kalapit, yung personal at malapitan ko syang nakikita na hindi ko kailangang umasa sa CCTV camera. Eto na yun abot kamay ko na sya, literal na abot kamay. Pero ang duwag ko. Nasa harap ko na yung taong mahal ko pero wala naman akong magawa. Literal na nasa harap mo na, pinakawalan mo pa.
Mabilis syang nagbihis at pagtapos nya, tumingin sya sa paligid na para bang may hinahanap . Naramdaman nya sigurong may matang nakatingin sa kanya kaya hinahanap nya. Naglakad sya na at tumingin sa paligid at dahil na rin nahihirapan siguro sya, binuksan nya ang ilaw. Shit ano ba Mika lumabas ka na kasi!! Im panicking dahil na rin baka magalit sya pag nakita nya na andito ako lalo pa at nagbibihis sya baka kung ano pa ang isipin nya.
"May tao ba dyan?" she asked. Shit eto na ata yun.
Just when she was about to go nearer to me......
"BF huy bakit ba ang tagal mo dyan? Ano ba ginagawa mo? May nakita ka ba?" may halong worry na tanong ni Jessy. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Jessy sa loob para sunduin si Mika.
"Ah eh ang creepy kasi ng room na to Jessy parang may nakatingin sakin habang nagbibihis ako kanina. May multo ata dito eh hindi mo ba nararamdaman?' may halong takot na tanong ni Mika kay Jessy. I felt relieved dahil for the nth time sinave na naman ako ni Jessy. Paano na lang kaya kung hindi sya dumating? Nalintiktan na ko for sure
"Nakatingin sayo? Multo? Ha ah eh wala yun BF praning ka lang wag ka na kasi masyadong nanonood ng mga horror movies para hindi kung ano ano iniisip mo. Tara na nga dun sa labas tapos ka na naman magbihis eh" yaya ni Jessy at hinila na rin si Mika para makalabas na ng tuluyan sa kwarto nila.Narinig ko ring nilock ni Jessy ang pinto para siguro hindi na bumalik si Mika. Pucha muntik na ko dun ah haaay. Nakahinga ako ng maluwag at lumapit na ulit sa likod ng pintuan para marinig ang usapan nila.
"Oh Mika bakit ang tagal mo namang nagbihis? Akala ko may nakita ka na sa loob kaya ka natagalan eh" rinig kong sabi ni Pauly kay Mika. Gago talaga tong mokong na to.

BINABASA MO ANG
AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )
Fanfictionwill the heart remembers what the mind forgets? will fate give them a second chance? will regrets be enough to bring someone back? A story of 2nd chances, Acceptance Letting go Moving on Bitterness Regrets Forgiveness Book 1 and 2