"Mika ......
"Kiefer .....Narinig naming tawag samin ng tao sa labas kaya naman nataranta kaming dalawa. Tumayo si Mika sa pagkakaupo sa lap ko at dali daling pumasok sa isang kwarto. Sa sobrang pagmamadali nya sa kwarto pa namin ni Mikee sya napapunta.
"Mika..... Kiefer" rinig kong tawag ulit ng tao galing sa labas. Papalipatin ko pa sana si Mika sa kwarto nila pero dahil ang kulit nung tumatawag kaya pinuntahan ko na.
"Saglit lang eto na papunta na" sagot ko while composing myself. Pakaistorbo ng gagong to eh
"Paps naman kanina pa ko tawag ng tawag hindi mo ba ko naririnig?" galit na bungad sakin ni Pauly. Yes it's Pauly, kung paanong dinala niya ko dito eh sya rin ang naging malaking istorbo saming dalawa ni Mika.
"Gago ka bakit dumating ka pa?" badtrip kong tanong sa kanya. Kasi naman Paps kasi naman tsk
"Gago ka ayaw mo ba kong makasama? Tandaan mo Paps kung nakasama ako kanina wala ka dapat dito ngayon" sumbat ni Pauly, oo nga pala dapat pala akong magpasalanat sa kanya hihi.
"Joke lang Paps binubully lang talaga kita ang ibig kong sabihin bakit ngayon ka lang dumating?" pagsisinungaling ko pa.
"Namu ka talaga haha traffic eh. Nga pala anong balita? Success ba? Tsaka Paps pwede bang papasukin mo na ko? Kanina pa ko dito" reklamo niya
"Ay oo nga tara Paps pasok" alok ko sa kanya at knwento na rin ang nangyari sa proposal ni Mikee.
"Ayos pala eh bakit andito ka? Tsaka si Mika nga pala Paps?" usisa ni Pauly
"Syempre kailangan bigyan ng sariling moment yung dalawa kaya iniwan na namin sila ni Mika" sagot ko
"Ah so andyan lang si Mika?" tanong nya pa
"Oo tulog ata" pagsisinungaling ko pa
"Ah ganun ba? Teka nga pala bakit ang tagal mo magbukas ng pinto kanina? Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Pauly. Leche naman tong mokong na to ang daming tanong oh.
"Ah nasa kwarto natutulog kasi ko" pagsisinungaling ko pa.
"Tulog? Eh bakit ka basa?" tanong niya pa. Shit oo nga pala si Mika kasi, she made me wet lelz
"Ah kanina kasi nagswimming din ako eh" sagot ko pa. Nalunod nga ako kay Mika eh hahaha
"Ah nagswimming tapos harap na katawan at shorts lang ang basa? Paano ka nagswimming Paps floating na lunod ang mukha?" usisa nya pa, walang lusot sa mokong na to eh tsk si Mika kasi bakit hindi rin binasa ang likod ko?haha
"Humiga kasi ako kaya natuyo yung likod ko" bobo kong rason sa kanya hahaha kagatin mo na lang Paps.
"Pakatanga mo talaga Manong hahaha teka nga asan ba kwarto niyo ni Mikee? Ipapasok ko lang tong gamit ko" tanong niya at tinuro ko naman ang kwarto namin ni Mikee at agad na pinuntahan ni Pauly pero bago pa man niya mabuksan ang pinto....
"Waaaaaaaaaaag" sigaw ko sa kanya na kinagulat niya. Mabilis naman akong lumapit sa pintuan. Naalala kong nasa loob nga pala si Mika na panty lang ang suot. Lagot na pag nakita ni Pauly.
"Gago ka naman Paps ano bang problema mo?" Sigaw sakin ni Pauly kasi nagulat din sya haha.
"Ako na ako na magpapasok. Bilang pasasalamat sayo pagsisilibihan kita my highness" sagot ko sa kanya at kinuha na ang dala niya.
"Haha yan naman gusto ko sayo Paps eh" sagot niya. Buti na lang naniwala.
"Sige na Paps upo ka muna dun sa couch pasok ko lang tong gamit mo" taboy ko kay Pauly at inantay muna syang makaupo bago pumasok sa loob ng kwaro namin ni Mikee kung san andun si Mika.
BINABASA MO ANG
AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )
Fanficwill the heart remembers what the mind forgets? will fate give them a second chance? will regrets be enough to bring someone back? A story of 2nd chances, Acceptance Letting go Moving on Bitterness Regrets Forgiveness Book 1 and 2