JOY

1.7K 57 14
                                    




Kiefer's Pov

"Hello Paps andyan ka ba sa condo mo?" I called Pauly at naisipan puntahan sya after the meeting and checking of the unit. Gagawin ko rin kasi syang partner sa oplan ko at sasabihin sa kanya ang plano. Wala eh si Pauly lang naman yung alam kong maiintindihan ako gago man o matino ako kaya sa kanya ako hihingi ng tulong. Isa pa kaibigan namin sya pareho ni Mika at kung may isang tao man na alam kong gustong gusto na maging okay kami ni Mika alam kong si Pauly yun . Bigla ko ring naisip na after ng 90 day challenge ko eh kasal na pala nila ni Cyd. Sakto di ba? So Im really hoping na bago sila ikasal maging okay na kami ni Mika para kami na ang sumunod hahaha okay feelingero!

"Yes Manong bakit? Istorbo ka rin eh" tanong nya na mukhang bagong gising lang o bagong ano haha.

"Bagong gising ka o bagong ano? Hahaha teka wala ba jan si Cyd?" pang-asar kong tanong sa kanya.

"Gago bagong gising ako at wala si Cyd dito kaya wag ka na magselos, pakadumi ng utak mo!" inis na inis nyang sagot sakin at ramdam kong nagbeast mode on sya dun hahaha. Guilty siguro haha

"Hahaha sinisigurado ko lang. Magsaing ka magdadrive-thru ako ng dinner natin" utos ko sa kanya dahil gutom na naman ako. Teka pano na abs ko nito?

"Kuripot ka? Rice na lang hindi mo pa masama sa order mo?" init ng ulo ng mokong.

"Oo may pinagiipunan ako!" sigaw ko sa kanya habang nagdadrive at bago makaliko sa drive-thru.

"Sus buti pa pera iniipon samantalang tiwala tinatapon hahaaha" loko nakahugot pa!

"Tangina humugot ka pa ah basta magsaing ka na lang! Practice yan sa future dahil mukha namang under ka kay Cyd hahahaha" bawian ko nga sya kala nya ha ako pa ba eh cum laude ako sa Mika's school of bully wars haha.

"Atleast sa babae ako under may kilala nga ko under regrets and what-ifs at higit sa lahat UNDER construction ang lovelife hahahaha" Leche talo pala ko sa Pauly's hugot academy

"Tangina mo ka!" pikon na pikon kong sigaw sa kanya.

"Oh ano bakit ka pikon? Hahaha" asar pa ni Pauly.

"Bale punyeta ka po kasi! Leche ka basta magsaing ka wag ka na humugot!" utos ko sa kanya dahil ang sakit gumanti ni Pauly.

"Hahaha oo na malayo ka pa?" tanong nya sakin habang nakapila pa rin ako

"Malapit na inaantay ko na lang kunin yung order ko ang haba ng pila eh" reklamo ko sa kanya

"Sige baby see you haha" paalam ni Pauly at ibababa na sana ang tawag ko.

"Wag mo muna ibaba naiinip ako dito eh haha" pigil ko sa kanya dahil ang layo ko pa sa pila.

"Gago pano ko magsasaing?" tanong nya sakin na halatang nainis rin haha.

"Eh di multitasking haha ano ba naman yan simpleng problema hindi magawan ng paraan!" sagot ko sa kanya. Ewan ko ba pag kami magkausap nito hindi uso ang keep calm.

"Bale hindi po ako marunong magsabay ng dalawang bagay wag mo nga ko igaya sayo hahaha" sagot nya sakin at humugot ulit. Anak ng!

"Tangina babye na nga gago ka! Humugot ka na lang buong araw! Leche" sigaw ko sa kanya dahil ayoko na syang kausap.

"Hahaha" rinig na rinig ko pang tawa ni Pauly bago ko tuluyang ibaba yung phone ko. Pakagago talaga ng abnormal na yun hindi na ko tinigilan kakahugot. Binabaan ko nga haha. Bakit kasi ang dami ding nagdadrive-thru? Anong meron sa Jollibee? Tsk namiss ko tuloy lalo si Mika na halos kayang ubusin lahat ng menu sa Jollibee haaay hanggang miss na lang ba ko?

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon