Chapter 21

1.7K 47 7
                                    

Mika's Pov

I immediately ran out from the resto with so much anger in me. Ang kapal ng mukha ni Trincaa para takutin ako. Sino ba sya para bantaan ako at sabihang lumayo kay Kiefer?

I drive my way to my condo and hindi ko napigilang umiyak. Halo halo na yung emotions na nararamdaman ko. Galit sa sinabi ni Trincaa at pati na sa kanya mismo, takot na malaman ni Kiefer yung totoo, lungkot na baka mawala na naman sya sakin for the 2nd time at awa para sa sarili ko dahil naduduwag na naman ako. Ang saya saya ko pa nung mga nakaraang araw pero bakit bumalik ulit sa madaming problema. Kung kailan masaya na ulit tsaka manggugulo si Trincaa. Kung kailan ok na kami ni Kiefer tsaka sya magbabanta.

Agad akong umakyat ng condo ko para dun ibubos ang inis at galit ko. Im on my way when my phone rings, it's Kiefer calling. Inantay ko munang makapasok ako sa loob ng condo bago ko sinagot.

"Hello Miks kanina pa ko tumatawag at nagtetext but you're not answering. Im worried already where are you?Nasa condo ka na ba?" madaming tanong ni Kief, kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang totoo na pinagbabantaan ako ni Trincaa but here I am again naduduwag. Alam kong may tamang panahon para malaman ni Kiefer ang lahat at hindi pa yun ngayon. Kaya kahit mabigat sa loob kong umiwas sa kanya, gagawin ko. Ayokong magalit sya ulit at mawala sakin pag nalaman niya yung totoo.

"Sorry medyo naging busy lang but Im here na sa condo" sagot ko sa kanya trying my best not to sound crying.

"Are you okay Miks masama ba pakiramdam mo? You sound sick" Kief worriedly asked. Hindi pala ko magaling magtago.

"Yes medyo not feeling well but Im ok don't worry" pagsisinungaling ko sa kanya.

"Sure? You want me to go there sa condo mo? Magisa ka lang baka kung ano mangyari sa'yo Miks" he told me

"No okay lang talaga ko pahinga lang siguro to sige na Kief gabi na matulog ka na. Ako din magpapahinga na. Don't worry kaya ko talaga ang sarili ko" I told him still convincing him dahil knowing him ipagpipilitan niya ang pumunta dito.

"Pero nagaalala pa rin ako basta in case you'll feel di mo na kaya tawag ka lang sakin ha. Sige na pahinga ka na Miks good night" Kief said

"Yes po sige na good night and See you tomorrow" I told him as I ended the call.

"Im sorry Babe Im really sorry" I uttered as I cry while holding my phone.

Kiefer's Pov

I don't know if Mika cries or she's really sick pero kahit ano sa dalawa hindi ko gustong mangyari sa kanya. Kaya naman halos hindi ako makatulog kakaisip kung ok lang ba sya. Naisip ko napagod na din siguro dahil this past few days naging sobrang busy na sya sa shop.

I woke up at 4am halos wala nga ata akong tulog. I decided to cook for Mika at puntahan na rin sya ng mas maaga para malaman kung ok sya. Bakit kasi hindi na lang niya ko pinayagan na matulog sa condo niya eh? Tigas din talaga ng ulo nun.

I took a bath and cooked breakfast for Mika. Ako na lang magisa ang nagluto since maaga pa ayoko istorbohin si Manang at si Mama. I also get some medicines for Mika. Hindi ko na alam kung ano yung mga kinuha ko basta lahat ng nakita ko sa medicine cabinet dinala ko.

5:30 and Im on my way to Mika's condo. Sana naman pagkatok ko pagbuksan niya agad dahil ayoko na ulit magmukhang akyat bahay gang sa labas ng condo niya. I texted her and I silently hope na gising na sya.

Pagdating ko sa condo niya isang katok pa lang bukas na agad. There she is wearing her over size shirt and her eyeglasses with her swollen eyes and nose. Kawawa naman this not so little baby.

AMNESIA BABE ( MIEFER FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon