Kabanata 1

959 14 0
                                    

Author's Note: please read the first three stories. This is Les Tendres #4. Les Tendres Series #1 is Arcajante's story, Les Tendres #2 is Raedwald's story and Les Tendres #3 is Tamizen, published on Wattpad. This story contains spoilers if you read this first so please read the first series first. Thanks.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata 1

MALALIM ANG AKING PAGHINGA dahil sa pagod. Paghaplos ng mainit na sinag ng araw sa aking balat ay nakumpirma ko na nakabalik na ako sa bansang pinanggalingan ko.

"Miss Kahel! Please wait!"

Huminto ako tsaka ako lumingon sa aking likuran. I saw Amber there, Erin's secretary.

Kumunot ang noo ko. Why is she here? Pinasundan ba ako ng kaibigan ko?

"Ma'am Erin wants to see you ma'am. Do you have any important schedule today?"

Umiling naman ako. "Is this for the campaign?"

"Yes, ma'am," tumango naman siya.

Ngumiti ako. "I'll be there. Send me the time and address. Company building or somewhere outside?"

"She reserved a restaurant, ma'am."

I nodded. "Okay. Thanks." Tumalikod na agad ako at nagsimulang maglakad.

Kagagaling ko lang sa Dubai. Saglit lang naman ako roon dahil sa UAE campaign ko para sa isang luxury brand. Siguro ay inabot ng isang buwan ang pag-aayos no'n kaya natagalan ako. Nakakuha ako ng iba pang offers doon kaya hindi ako naburyo sa paghihintay.

That's a life of a model! You should wait for your turn. Pretty privilege is real, yes. But all models are pretty so you have to work hard and wait for your turn. So, you should seize every moment!

Hindi na ako nasurpresa nang makita ko ang naglalakihang billboard sa daan. Nandoon ang mukha ko, modeling different brands.

Nitong nakaraang buwan lang ay nakatanggap ako ng mail na galing sa kumpanya ni Erin. Nakarating iyon sa agency namin. Kaya after three months on Dubai, I came back here on the Philippines to model for Hyacinth, Erin's company.

Tutal magkaibigan naman kami ay hindi na namin kailangan pa magkaroon pa ng maraming meeting. Pero gusto naming maging professional.

Nadaanan ko pa ang malaking trial court.

Saktong dumaan kami sa harap no'n nang biglang may lumabas doon, naglalakad na lalaki pababang hagdan. Lumingon siya sa kotse ko pero hindi ko nakita ang mukha niya.

May naalala tuloy ako.

That fucking CPA Lawyer!

"Hindi na naman niya siguro ako masusundan dito. How the hell would he even know? I left him on Dubai without him knowing!" Bulong ko sa sarili.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon