Kabanata 22

244 4 0
                                    

Kabanata 22

"Mga ulol, akala ko ba, magmu-moveon kayo?"

Umuusok ang ilong ni Jarell habang pabalik-balik sa harapan naming dalawa ni Erin. Nasa loob kami ng pangatlong bahay ni Lynelle.

"Kung ayaw mong pumunta---"

Pinutol ni Jarell ang sasabihin ni Erin.

"Syempre, pupunta ako sa kasal niyo. May handa iyon, eh." Ngumiti siya at tumabi sa tabi ko bago tinulak ang sintido ko gamit ang hintuturo niya. "Eh ikaw na gaga ka, nakabuntis 'yon, 'di ba?"

Matamis akong ngumiti. "Hindi siya nagloko sa akin. Mahabang kwento pero iyon ang totoo."

Bumuntong hininga siya at nagcross arms. "Akala ko ba rich tita tayong lahat?" Malungkot niyang tanong pero ngumiti rin naman agad. "Masaya ako para sa inyo. Buti pa kayo, nahanap niyo na si The One. Sana ako rin."

"Paano pag binalikan ka ni Brelenn?" Tanong ko.

Nawala ang ngiti niya. "Hindi na namin siya kailangan sa buhay namin ng anak ko. Wala siyang kwentang ama."

"Pero paano kung may dahilan kung bakit siya umalis?"

Iyon kasi ang nangyari sa amin ni Darell. May dahilan kaya nagsisikreto siya sa akin. Paano kung may dahilan din si Brelenn?

Sinamaan ako ng tingin ni Jarell kaya nag peace sign ako.

"Kung talagang mahal ka no'n, mananatili siya." Erin smiled at me.

"Eh bakit ikaw, hindi ka nanatili kay Cadmus noon?"

Nawala ang ngiti niya. "Kasi may dahilan ako!"

"Exactly." Ngumiti ako at tumingin kay Jarell. "Whatever his reason is, hindi pa rin tama na iniwan ka niya." Niyakap ko ang kaibigan ko na nangingilid ang luha.

"Gusto ko ring ikasal," naiiyak na sabi ni Jarell kaya pati si Erin ay malungkot na napayakap sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, hindi pa ako kinakasal." Sabi ko.

"Punyeta ka, pustahan tayo. Ngayong taon, magp-propose iyong taga-dilig mo sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong taga-dilig!?" Naghihisteryo kong tanong sa kanya.

"Bakit, majojontis ka ba kung hindi?" Inirapan agad ako ng kadarating na si Monica. "Kung gusto mo ng asawa, Jarell, magpalit tayo ng pwesto. Sobrang obsessive ng asawa ko sa akin. Nakakasakal." Napahawak siya ng ulo.

"Eh bakit mo pinakasalan?" Tanong ni Jarell.

Binatukan siya ni Erin. "Gago, saan ka nakakita ng marriage na hindi kinakasal?"

Tumawa lang ako sa kanila.

"Umo-oo na rin pala si Lynelle sa boyfriend niya." Balita naman ni Hannari at inilagay sa lamesa na nasa harapan namin ang niluto niyang popcorn. "Ikakasal na rin sila."

We all gasped.

"Napag-iwanan na ako!" Tarantang sigaw ni Jarell. "Sana all!"

"Ako, ayaw kong ikasal. Baka pagkapanganak ko iwan ako ng asawa ko dahil hindi na maganda ang katawan ko." Sabi ni Hannari.

Napaisip ako roon. May point siya.

"Baka kasal na kami, niloloko niya ako habang pinapadede ko 'yong anak namin." Bitter niyang sabi.

Tawa lang ako nang tawa sa mga kaibigan ko pero hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Hannari.

Ilang taon na rin naming hindi nakita si Lynelle kaya ngayon ay excited na kaming makabonding siya. Mayaman si David kaya lahat ng gusto niya ay nasusunod kaya pati kami ay damay na roon.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon