Kabanata 30

246 6 0
                                    

Kabanata 30

Who knows it'd end up this way?

"Pre, tingnan mo 'yun, ang ganda oh!"

Nakaakbay sa akin ang kaibigan kong si Aaron, hinila niya pa ako para lang ipakita sa akin nang maayos iyong mukha ng babae.

Nagbabasa siya ng notebook, nakapasak ang earphone sa tenga. She's studying. Lumilipad din ang buhok niya habang siya'y naglalakad. Revealing the full beauty of her face.

Dinaanan niya kami. Kakausapin pa sana ni Aaron kaso hindi manlang kami tinapunan ng tingin.

Kilala ko ang babaeng 'yon. Iyong kaaway ni Jaimme. Mang-aagaw daw. Hindi naman siya mukhang mang-aagaw. She looks like a snob. Mukha ngang walang paki sa mundo, sa lalaki pa kaya?

Hindi ko alam ang tunay na nangyari kaya tahimik lang ako sa pagra-rant ni Jaimme sa buong section namin kung gaano siya naiinis doon sa babae na 'yon.

Lagi ko siyang nakikita sa convocation. Honor student din. Muntik na nga mag-high honor.

Nakita ko rin siya sa promoting videos ng school. Nandoon siya at kumakanta dahil myembro siya ng choir.

"Marcus," tawag ko sa kaibigan ko nang dumaan siya sa pintuan namin. "Mag-o-online class muna ako next year. Baka hindi na tayo magkita. Laro tayo?" Aya ko sa kanya.

Tumango siya pero nakakunot ang noo. "Ba't ka mag-o-online class?"

"Ah, gusto ni mama eh," nagkamot ako ng tenga. "Baka hanggang sa matapos ako ng junior high, naka-online class ako."

Tapos naging kaibigan ko siya. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya noon. Kahit na aminado ako na nagagandahan ako sa kanya.

May boyfriend din pala.

Kaya nga nagulat ako noong nakita ko siya roon. Tapos may nangyari pa sa amin.

Hiyang-hiya ako sa kanya kaya minsan hindi ko siya tinitingnan. Ganoon ako pag nahihiya ako, eh.

Umamin siya tapos lagi niya akong sinusundan. Noong una hindi ako kumportable dahil pag ginagawa niya 'yon, baka isipin ng tao na merong namamagitan sa amin. Baka isipin nilang magkarelasyon kami. Eh ni-reject ko na nga siya?

Lakas din nitong babaeng 'to, ah? Kahit walang paki sa kanya binubuhusan niya pa rin ng pagmamahal.

Lagi niya akong hinihintay, akala niya ba hindi ko 'yon napapansin? Kaya nagpapatagal ako minsan para mauna siyang umuwi. Pero talagang hindi siya umaalis! Wala akong choice. Hanggang sa nagustuhan ko na paghinihintay niya ako.

Nakikita ko siyang nakikipagyakapan sa mga kaibigan niya. Mapa-babae man o lalaki. Ang katawan ko na lang ang nagre-react para sa akin dahil hindi ko malaman ang nararamdaman ko.

"Uy tol, mananapak ka ba?" David looked horrified while looking at my fist.

Nakakuyom ang kamao ko. Sinundan ni David ng tingin iyon, it's Kahel hugging Kiolo.

"Haha! Akala ko ba rejected?" Pang-aasar niya pa. "Nagseselos ka? Panindigan mo 'yan! I miss you ka pa sa ex mo, ah!"

I glared at him. "I already told you, that screenshot is sent 3 months ago before I even met Kahel face to face."

He shrugged. Binigyan niya ako ng nang-aasar na mukha.

Pagharap ko kay Kahel, nakatingin na siya agad sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin.

Tapos naramdaman ko na lang, naaapektuhan na ako. Hindi na pala hiya 'yon, kinikilig na pala ako? Tangina, ano bang pwedeng pamalit salita sa kilig? Eh iyan lang ang alam ko. Basta iyon ang nararamdaman ko!

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon