Kabanata 15
"Magpahinga ka muna, Kahel,"
I ignored Darell. I am the member of the family, not him. Bakit ko iiwan ang pamilya ko rito at siya pa ang ipagbabantay ko?
Parehas kaming nakaupo sa waiting chair, pwede naman kami pumasok sa loob pero nasasaktan ako pag nakikita ko silang ganoon.
Nakatingin lang sa akin si Darell. "Bibili lang ako ng pagkain." He gave me a small smile and stood up, his hands are on his pocket. "Mabilis lang 'to." Hinawakan niya ang ulo ko bago siya umalis.
Hindi ko alam ang susunod kong gagawin pagkagising nila. Pipirmahan ko ba? Pero pinaghirapan iyon ng mga magulang ko!
"Ang hirap maging mahirap," napahawak ako sa ulo ko. "Putanginang buhay 'to."
Mabuti na lang at nagising din sila agad. Dahil sa matinding pagod at gutom kaya sila nagkaganoon. Idagdag pa ang pananakit sa kanila ng mga lalaki ng Legaspi na 'yon. Kung sino man siya!
I felt bad for Darell, hindi naman talaga siya dapat nandito. Minsan nakakatulog ako nang hindi ko namamalayan dahil din sa pagod. Lalo na kaya siya na kakasimula lang sa law school?
Bumuntong hininga ako nang umupo na naman siya sa tabi ko. "Umuwi ka na, Darell,"
"Ayoko," aniya at inilapag ang dala niyang plastic bag sa tabi niya bago siya umupo. "Kumain ka na," kumuha siya roon at ibinigay sa akin.
I only glanced it then immediately looked away. "Wala akong gana,"
Bumuntong hininga siya at hindi na nakipagtalo. Alam niyang ako lang ang mananalo. Ngayon ay naka-sweatpants siyang kulay gray at black t-shirt. Gulo-gulo pa ang buhok niya at halatang pagod na ang mga mata niya.
"Your parents said you should go home."
"Ayoko nga eh! Inis kong sigaw sa kanya. He flinched because of that. "Kung gusto mo, ikaw ang umuwi!" Sigaw ko pa.
Maya-maya ay umiiyak na naman ako dahil sa pagsigaw ko sa kanya. Nakahawak lang ako sa mukha ko at tahimik na umiiyak. He hugged me.
This is exactly what he is on my book. I wrote many books about him so other people can relate on how much I hate him and how much I love him at the same time.
Pagkalabas namin sa Ospital kasama ang pamilya ko ay bihira ko na lang siyang makita. Nag-aaral 'yon nang mabuti, lalo na't mataas ang expectations sa kanya ng parents niya dahil siya na lang ang natitirang anak.
Mabuti na lang at hindi pa pumupunta rito ang Legaspi na 'yon at ang mga alagad niya. Sinabi nila sa mga magulang ko na babalik sila sa isang linggo.
"Nak, kumusta na kaya si Darell?" Tanong sa akin ni mama habang nanonood kami ng balita.
Ang balita ay isa na namang babae ang nabaril. Parehas na parehas kung paano namatay ang ate niya.
"Dalhan mo kaya 'yon ng pagkain? Kawawa naman 'yung batang 'yon. Pag tinitingnan ko siya parang wala siyang kahit anong emosyon. Pati mata niya, blangko. Namanhid na 'yon." Si papa naman.
Tumango ako.
Pasasalamat na rin nila kay Darell sa pagsama sa akin sa Hospital noong binabantayan ko pa sila kaya tinulungan nila ako roon. Strikto ang mga magulang ko at ayaw nilang lumalapit ako sa lalaki. Hanggang ngayon. Pero iba sila kay Darell.
Tumawag ako kay Jaimme para malaman kung saan nakatira si Darell pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kay Aaron naman, hindi ko alam ang number kaya kay David ako nagtanong.
"Hello?"
"Hello, can I talk to David, please?"
"Sino ka?" Tanong niya kabilang linya.

BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Justice. Kahel lived for love and died for betrayal. Twice, she gave her heart to Fajarez, the man who saved her from despair. Twice, he c...