Kabanata 5
Panay ang paypay ko sa aking pawis na pawis na mukha. Ang init masyado. Tanghaling tapat na pero wala pa ring dumaan na jeep. Kanina ay may narinig akong may inaayos na daanan kaya walang nakakarating na sasakyan.
"Punyeta," bulong ko at muling pinaypayan ang sarili gamit ang ID ko.
Nang makakita ako ng isang jeep ay parang nabuhay ang buong katawan ko. Kaso ang walanghiyang driver ay nagdire-diretso lang. Dalawa lang ang sakay nito at mukhang private pa 'ata.
"Paano ako makakapunta sa school nito? Anong oras na. Male-late ako." Nasapo ko ang noo.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako makakita ng isa pang jeep. Agad ko 'yong pinara. Nakahinga ako nang maluwag dahil huminto ito sa harapan ko.
Sa wakas.
Habang naglalakad papunta roon ay kumuha na ako ng pera sa bulsa ko dahil baka mahirapan akong maghanap ng pambayad mamaya dahil malalim ang bulsa ng palda ko na pinaglalagyan ko ng pera.
"Bayad p---"
Isang paa ko pa lang ang nakatungtong doon sa parang hagdanan nang makita ko si Darell na nakatingin sa akin. Nakapalupot ang braso niya roon sa metal. Nasa pinakadulo siya nakaupo. Tatlo lang din ang pasahero sa loob ng jeep.
"Uy," bati ko. Parang humangin ang paligid at nilipad ang buhok ko habang nakatingin ako sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin.
May naramdaman akong kung ano sa ngiti niya. Hindi na ako naiilang sa kanya dahil sa nangyari sa amin. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay paano ko aayusin ang friendship namin dahil sa paparating na debate.
Tumabi ako sa kanya. Napaayos siya ng upo.
"Nagawa mo na 'yung assignment?"
"Saan?" tanong ko.
Taka ko siyang tiningnan. Parang nahihiya siyang tumingin sa akin pero nakikita ko ang ngiti niya kahit pa sa ilalim ng kulay abo niyang mask.
"Sa subject ni Sir Manuel,"
Ang gwapo niya. Wala siyang ka-effort effort pero ang gwapo niya pa rin. Lalo na dahil sa buhok niya.
"Tapos na, ikaw?"
"Mamaya ko na gagawin. Bukas pa naman deadline no'n." Tumawa siya. "I like procrastinating."
Noong naging magkaibigan kami, kami palagi ang nag-uusap sa group chat. Para ngang mas close pa kaming dalawa kesa sa kanila ni Marcus noon. Oo gwapo siya, pero talagang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya noon. Lalo na't may girlfriend pa siya nun.
Pagbaba namin ng jeep ay natahimik ulit kami. Sabay kaming naglalakad sa kanto papunta ng school.
"Online ka kahit gabi, 'no?"
I broke the silence. Kita ko kasi ang active status niya dahil nangunguna siya sa profile bubbles ng Messenger ko dahil active friend ko siya sa social media account ko.
Tumango siya. "Oo, lagi ngang nagpupuyat eh. Kahapon medyo napaaga, alas-diyes."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero tumango na lang ako. Naiwan sa isip ko ang sinabi niyang alas diyes dahil hindi ko alam iyon. Ano bang english no'n? Two? Twelve?
"Twelve?" tanong ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ako palapit sa kanya gamit ang bag ko. Napahawak pa ako sa dibdib niya dahil sa lakas ng pwersang ginamit niya sa akin.
"Tumabi nga kayo! Kabata-bata pa ang lalandi na!" Galit na sabi noong tricycle driver at mabilis na umalis.
Napapikit-pikit ako dahil hindi ako roon nagulat kundi sa ginawa ni Darell.
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...