Kabanata 9
Akala ko ay ginawa ko lang ito dahil gusto ko silang gantihan sa paraan na alam ko pero mukhang mali ang naisip kong paraan ngayon.
Nakatingin lamang ako sa message no9ong top student na taga-STEM. Iyong president ng top section.
Kiolo:
Do you want to go to an arcade? I know a place. Fast food restaurant too, my treat.Tatlong araw na ang nakaraan noong umamin ako sa kanya na crush ko siya. Crush ko siya dahil matalino siya and I admire that about him pero I don't like him to the point that I'd date him or flirt with him!
Pagkaamin ko sa kanya ay nareject agad ako dahil may gusto raw siyang iba. Ngayon ay inaaya niya ako na gumala after exam!
Ako:
Basta treat mo ahPumayag ako roon dahil wala naman akong gagawin after exam next week. Isa pa, masama pa ang loob ko sa mga kaibigan ko kaya hindi ako makakasama sa gala nila this third quarter.
Pagpasok ko sa room ay napatingin silang lahat sa akin. Masyado 'atang malakas ang pagkakasarado ko sa pinto.
Sinundan nila ako ng tingin. Hindi nakatakas ang mainit na tingin sa akin ni Darell.
Pumwesto ako sa second row. Nandoon din siya sa row na 'yon. Apat na upuan lang ang layo niya sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kinakausap ang mga kaibigan ko. They know what they did to me and I don't owe them an explanation because they made me feel this way. So if ever they felt bad, it's not my fault because I didn't do anything to them. They did something to me and they know it so they feel bad.
Lagi rin akong nakakasagot ngayon. Dalawang subject quizzes na ang nap-perfect ko at iyon pa talagang pinakamababa kong grade sa card.
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang may kumatok sa pinto.
Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ko sa gulat. I saw Kiolo standing there, slightly leaning forward, holding a big paper bag. Ibinigay niya 'yon kay ma'am.
"Pakibigay po kay Kahel ma'am, salamat po." Aniya at umalis na.
Nanlaki ang mga mata ko. I unconsciously looked at Darell. Baka iba ang isipin niya! Nalungkot ako nang makitang walang reaksyon si Darell doon. Buti na lang hindi siya nagselos! Bakit nga naman siya magseselos, 'di ba? Nireject niya ako kasi hindi niya ako gusto!
Nahagip ng tingin ko si Nirca at Jaimme na magkatabi. Parehas ang tingin nila sa akin pero hindi ko malaman kung ano ang ibigsabihin non.
Inilagay ni ma'am ang paper bag sa desk ko at ngumiti.
"Kahel, boyfriend mo na si Kiolo?"
"Nanliligaw ba 'yon sa 'yo?"
"Bagay kayong dalawa!"
Kumunot ang noo ko sa tanong sa akin ng mga kaklase ko.
"Wow burger at ice cream float, favorite ko 'to ah!" Laurel said after checking what's inside the paper bag. She's beside me.
"Shit! May french fries!" Excited na sabi ni Renice. "Anong label niyong dalawa ni Mr. Top student?"
"Anong label ang pinagsasasabi mo, Renice?" Frustrated na tanong ko. Baka anong isipin ng iba!
Nakita ko ang tingin sa akin ng president ng classroom namin na si Victoria. That's so unusual of her because she usually ignores my presence even I'm friendly with her. But now, it seems that something happened caught her interest.
"Sigurado akong magjowa na kayo! Ikaw ang first girlfriend noon, kung gano'n!" Sabi pa ng isa kong kaklase.
Narinig ko ang mahinang paghampas sa 'di kalayuan na upuan. Dinig ko 'yon dahil malapit lang naman ako. Napunta tuloy roon ang tingin namin. Tumayo si Darell mula sa kanyang kinauupuan. Seryosong seryoso ang mukha niya at dikit na dikit ang labi.
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...