Kabanata 27

217 4 0
                                    

Kabanata 27

"Mama, look! A fish!"

Cielle raised the fish she was holding that was hit by her slingshot. The five-year-old girl was overjoyed at her achievement as the eyes she inherited from her father sparkled.

My eyes widened in shock because the wounded fish she was holding was still moving. We were at the beach for a vacation but she disappeared from my side earlier, I only found her here, holding that fish!

"Cielle! Leave the fish alone!"

She chuckled, "Mama, it's still moving, look!" She said happily.

After a while, her father came behind me. She immediately showed my husband the small fish she caught. I also turned to Darell who was shocked and amused at what he saw but later smiled.

"How did you get that, Cielle?" he asked his daughter.

Ipinakita ni Cielle ang kanyang slingshot na lagi niyang dala-dala, bata pa lang siya.

Natampal ko na lang ang noo dahil hinding-hindi ko iyon kukunin sa kanya, iyon ang kasiyahan niya kaya wala akong magagawa dahil pati ang paghuli ng isda gamit ang slingshot ay natutunan na niya. Namana niya siguro iyon sa akin. Nahilig ako sa slingshot noong pinagbubuntis ko siya.

Naka-bikini ako at beach hat. Parehas kami ni Cielle ng suot, natanggal nga lang ang maliit niyang beach hat dahil sa lakas ng hangin at dinala ng mga alon sa kung anong parte ng dagat.

"Let's cook this!"

"I think making that fish as your pet will be better," ngumiti si Darell at binuhat ang anak bago ako tiningnan. "Hinahanap ka ni mama, gusto kang kausapin." Seryoso niyang sabi sa akin.

Tumingin din ako sa kanya tsaka kay Cielle.

"Mama, 'di ba we can cook this little fish? It's already injured. It will die anyway. I want to end it's sufferings. I don't want it to be double dead." Inosenteng sabi ni Cielle.

Tumawa ako at tumango na lang. Kinakabahan ako dahil ngayon lang kami mag-uusap ng mommy ni Darell.

Ang huling pag-uusap namin ay noong tumawag siya sa akin noon at sinabing kailangan kong putulin ang komunikasyon namin ni Darell dahil nasa law school pa siya. Kahit noong pinanganak ko si Cielle ay ngumingiti lang ito sa akin at tinitingnan ako gamit ang kakaibang ekspresyon na tila may gustong sabihin noon pa.

"Let's go together," nasa likuran ko na pala si Darell. Sumunod sila sa akin.

"It's private, hon,"

"Are you sure?" Tanong niya na tinanguan ko naman. "Okay, fine. I love you." Aniya at hinalikan nila akong dalawa sa pisngi bago sila naglakad-lakad sa tabing dagat.

Natanaw ko ang matandang babae sa loob ng hut at nakapikit ang mga mata, tila dinadama ang hangin na tumatama sa balat namin. Maingat ang paghakbang ko para hindi ko siya magambala. Hindi ako umupo agad.

"Kahel," banggit niya sa pangalan ko, nakapikit pa rin.

"Gusto niyo raw po ako kausapin?"

"Take a seat, hija," bumukas ang mata niya at ngumiti sa akin.

Umupo naman ako sa harapan niya. Ngayon ko lang napansin ang pagbabago ng boses niya. Dahil siguro naninigarilyo siya noon kaya parang lumalim ito at tila nahihirapan sa pagsasalita.

Ang sunglasses ni Tita Daiselle ay nakataas sa kanyang noo. Suot niya ang mahabang cardigan, sando at maikling shorts naman sa loob. Kulay black ang buhok niyang bagong kulay lamang pero nakikita pa rin ang puti niyang buhok.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon