Kabanata 16

216 5 0
                                    

Kabanata 16

Nakakapagtaka at hindi na kami ginambala ng mga Legaspi na 'yon nang kausapin ni Darell ang lalaki. Mukhang natakot noong sinabing nag-aaral siya ng batas.

For the first time in my life, my parents approved Darell and I's relationship. I feel happy.

Bumalik din ako sa Italy. Sumunod siya sa akin para hanapin ang mga magulang niya. Noong nakita niya ang mga ito, nagsorry sa kanya. Pabalik na rin pala ang mga magulang niya sa Pilipinas pagkatapos ng tatlong buwan na pamamalagi nito sa ibang bansa.

Naiwan kami ni Darell sa Italy. Syempre, sanay na sa isa't isa tapos laging magkasama, kaya...

"Darell, paabot nga ng damit ko," I'm covered with the white comforter.

Siya naman ay kasalukuyang nagsusuot ng kanyang pants.

Hindi siya nagsuot ng pantaas. Nanatiling nakahubad iyon kaya kitang-kita ang katawan niyang puno ng pawis. Tumutulo pa nga 'yon sa eight pack abs niya! Gulo-gulo pa ang buhok niya dahil sa kakasabunot ko.

Tumingin siya roon sa salamin saglit habang nagpupunas ng pawis. Umikot siya nang kaunti para makita ang nasa likuran niya.

"Jeez, akala ko blade lang ang magpapadugo sa akin. Kuko rin pala ng girlfriend ko." Tumawa siya.

Binato ko siya ng unan habang tumatawa.

"Ba't ka tumayo? Magpahinga ka muna," aniya. "Magluluto muna ako. May casting ka pa mamaya."

Kinuha niya ang pink silk pajama dress ko at isinuot iyon sa akin. Ini-stuck niya pa 'yon sa ulo ko kaya nagpumiglas ako pero pagkababa niya no'n sa dibdib ko ay pinatakan niya ako ng halik sa nuo.

"I'll do it. I love you."

"Darell, mawawala rin 'to---"

Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Sa susunod pala dapat hindi na ako magpigil, para hindi madaling mawala 'yung sakit." Ngumisi pa ang walanghiya.

Napangiti tuloy ako roon. "Bastos!"

"Sus!" Humalakhak pa siya ulit bago pumunta sa kusina para magluto.

Parehas naming ipon ang ginamit namin para rito. Isang buwan muna siya rito habang naghihintay pa sa next exam niya. Pagkatapos no'n ay uuwi na siya ng Pilipinas at maiiwan ako rito.

Nakahiga lang ako roon habang nagrereplay sa utak ko ang nangyari sa amin kagabi. Napakagat tuloy ako ng labi ko.

"What are you thinking?" He asked, leaning on the doorway.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ang dahilan. Nahiya ako bigla!

Shit, Kahel! Ang halay mo!

Parang namanhid ang buong paa ko. Sa loob loob ko ay napuno ko na ng mura ang sarili ko kakabukas ng binti kagabi para sa kanya.

Umalis siya saglit at may kinuha sa kusina. Pagbalik niya ay inilapag niya ang plato sa mesa. "Breakfast."

"Wow," komento ko nang makita ang luto niya. Hindi ko alam ang tawag doon, basta puro dahon! May fried egg tapos kanin. Tapos puro gulay. "Kailan ka nakakuha ng gulay?"

"Binili ko kagabi bago tayo nag---"

"Hoy!" Namula ang pisngi ko roon. "Pinaghandaan mo pa talaga!"

"Bakit? Ayaw mo ba?" Pang-aasar niya. "Ibang breakfast 'ata gusto mo, eh." He chuckled.

I glared at him. Ang aga aga, ganyan siya!

Lagi siyang nakasunod sa bawat casting ko sa buwan na 'yon. Pati sa test shoots para sa aking portfolio, hatid-sundo ako. Kahit wala pa siyang kotse! Pareho kasi kaming katatapos lang sa college.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon