Kabanata 20

280 4 0
                                    

Kabanata 20

Kinabukasan ay nagising ako na nakadamit na. May denim jacket na akong suot, maybe it's from him.

"Confirmed, you're still my girlfriend."

Gulat akong napatingin sa tabi ko. Nandoon pala siya, hindi ko napansin agad. Para akong aatakihin sa puso dahil sa ginawa niyang panggugulat.

"Hindi mo ako girlfriend," sabi ko agad at umirap. I crossed my arms and looked outside. Nagd-drive na siya.

"Eh ano kita?" Nagsalubong agad ang kilay niya pero nakangiti pa rin siya.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Ano pa ba sa tingin mo? Edi fuck buddy."

"Huh!?" Pakiramdam ko ay titilapon na kaming dalawa sa lakas ng preno niya.

"Jeez, Darell!" Napahawak ako sa dibdib ko. Sinigurado kong may seatbelt ako dahil baka mamatay agad ako dahil sa ginagawa niya.

"Anong fuck buddy? Hindi ako papayag!" Magkasalubong ang kilay niya habang nagmamaneho ulit. "I didn't do that to you just because I feel like it, it's because I love you!"

Hindi ako nagsalita roon.

"Thanks for the ride." Sabi ko at barumbadong sinarado ang pintuan ng sasakyan niya.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagkabasa ng gitna ko. Natatapilok pa nga ako sa heels ko dahil parang nanghihina ang gitna ko.

Napahawak ako ng ulo dahil nahihilo ako sa pagod. Inabot kami ng madaling araw!

"I never agreed, Kahel!" Ibinaba niya ang car window at sumilip doon. "Boyfriend mo na ako!"

"Ibang klase naman ang status ng relationship natin, self proclaimed?" Sarkastikong tanong ko. "I have no time for you, Fajarez. Pupunta ako sa Dubai in a week."

"Sige, doon na tayo tumira." Matamis niya akong nginitian. "I love you, Orange! Mwa mwa, tsup tsup!" He blew a kiss before closing the car window.

Laglag ang panga ko dahil sa ginawa niya. Hindi na siya ang Darell na kilala ko! Baka mahimatay ang highschool self ko pag nakita niyang ganyan ako tratuhin ng crush niyang kina-o-obsess-an niya noon.

May nangyari lang sa amin, lumambot na siya ulit!

Tumalikod ako at nagmartsa papasok ng bahay. Napahawak ako sa dibdib at napapikit sa gulat nang makita ko si mama sa pintuan. She's leaning on the doorframe, she raised her eyebrows.

"Kakauwi mo lang, kayo na agad? Hindi ba't niloko ka ng lalaking 'yon?"

"Oo ma, gagantihan ko lang." Ngumisi ako.

"Hoy, Kahel Adhara! Anak kita. Kilala kita! May pa-ganti-ganti ka lang nalalaman. Iganti mo 'yang mukha mo!"

Tumawa ako. "Seryoso, ma, wala na akong nararamdaman sa kanya."

"Kaya pala gulo-gulo 'yang buhok mo at hindi maayos ang pagkakatali ng dress mo?"

Nanlaki ang mga mata ko at kinapa-kapa ang tali ng dress ko. Malapit na nga 'yong matanggal dahil hindi maayos ang pagkakatali!

"Grabe kayong dalawa, reunion pala ah." Mom scoffed and went inside.

Napatakip ako ng bibig dahil sa hiya bago ako sumunod sa loob.

I got an offer to be a part of the show business. To be an actress. Who am I to decline that? I would love to be an actress. It's my childhood dream, bukod sa pagiging model.

Pagpunta ko sa Dubai ay kailangan ko pang maghintay kaya naghanap agad ako ng castings doon. Wala pa akong shoots dahil hindi naman ako based doon. Ngayon pa lang.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon