Kabanata 14

206 4 0
                                    

Kabanata 14

Pagka-graduate ko ng accountancy ay naghanap agad ako ng trabaho. Magna cum laude ako nagtapos ng college kaya naman nagkaroon ako ng chance para makahanap agad ng mapapasukan.

Nag-ipon ako para makaalis ng bansa. Wala na rin kasi kaming gaanong koneksyon ng mga kaibigan ko dahil busy sila sa kani-kanilang problema at trabaho. Iyong mga pinapadala ko sa pamilya ko, sino-sobrahan ko para wala silang masabi.

Sa mga taong 'yon siya lang ang nasa isip ko. Hindi ako nakapagboyfriend ulit. Never naging kami pero hindi ako maka-move forward.

"Miss Kahel?"

Pinapasok na agad ako noong babae para sa isang commercial casting. Ito ang first time ko na casting bilang isang model.

Dalawang linggo simula noong nakalipat ako ay nakilala ko ang mga kawani ng agency. Nagustuhan naman nila ako. Pero dahil hindi ako ganoong kasing tangkad ng mga kaibigan kong higante dahil 5'7+ ang height nila, pang commercial pa lang ang pwede sa akin sa ngayon. Posible ako sa runway, pero kailangan doon ng popularity. Lalo na sa editorial modeling.

Hindi ako natanggap sa first casting ko. Nakakailang casting na ako pero wala pa ring tumatanggap sa akin. Nagtry ako sa online submission, tapos ayun! Sinwerte, nakapasok! Doon talaga sa mas malaking kumpanya kesa sa mga pinapasukan ko noon na ni-reject ako.

And after a year, may pangalan na ako. May time na muntik na akong matanggal sa agency namin. Noong nagsisimula pa lang ako. Wala kasing nagb-book sa akin kahit na halos manigas na ang katawan ko dahil sa gutom at pagod kakalakad papuntang castings.

Pero ngayon, meron na! Matunog ang pangalan ko sa Italy at Turkey. Mga kumpanya kasi roon ang kadalasang nagha-hire sa akin sa commercials. More on beauty commercials ang coverage ng trabaho ko.

Habang nasa isang shoot ako ay tumawag ang parents ko. Bawal ang cellphone doon kaya tumingin ako sa paligid. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Go ahead, answer it." Mary, one of the staffs said. "Don't worry, the boss likes you very much. She would allow you to answer the call too if she was here. Just be here before Regina finishes her shoot, 'kay?" She added with her italian accent.

I nodded and answered the phone. It's Poseidon.

"What is it now?" Mahina, ngunit iritado kong tanong. Inikot ko ang paligid kung may tumitingin sa akin pero dahil lumabas ako ng kwarto ay pader lang ang nandito.

"Ate, bumalik ka raw sa Pilipinas!"

"Ano? Bakit ako babalik d'yan?" Nanggagalaiti kong tanong.

"Iyong bahay natin, inaangkin ng mga Legaspi! Pag daw hindi tayo pumirma, sisirain daw 'yung bahay natin!"

"Edi sirain nila! Magdedemandahan kami kahit sa impyerno. Sino ba 'yang mga gagong 'yan?" Inis kong tanong at sumulyap ulit sa paligid. "Teka nasa trabaho ako. Tatawag ulit ako mamaya."

"Ate wait lang! Sa 'yo kasi nakapangalan 'to, pag 'di ka pumunta agad baka hindi sila matuwa. Sinasaktan nila kami!"

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ko. "Paano kayo sinasaktan?"

"Hinahampas kami nila mama! Nagkakanda pasa-pasa na nga ang katawan ko. Lalo na kay papa dahil nilalabanan niya iyong mga lalaki! Ate please umuwi ka na, natatakot na kami---"

Biglang namatay ang tawag. Natulala ako roon.

Pagtapos ko ng shoot ay lumabas agad ako. Lagi akong natatapilok dahil hindi pa ako gaanong sanay sa ganitong kataas na heels tapos tumatakbo pa ako. Nakalimutan ko pa ang sleepers ko sa nirerentahan kong bahay. Hays!

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon