Kabanata 25

258 4 0
                                    

Kabanata 25

Hindi naman nagtagal at dumating na siya sa mundo.

"Welcome to the world, Cielle Paeonia." I kissed her forehead. My eyes watered as I looked at the small and beautiful I'm carrying on my arms. "I'm your mom." Pagpapakilala ko sa sarili.

Darell kissed my forehead then the baby's. "And I'm your papa, Cielle..." He then looked at me and gave me a small smile. Tears formed in his eyes too while looking at us. "You did great. Thank you. I'm so proud of you..." He kissed my hands and said 'thank you' again, countless times.

Hindi ako makapagsalita, tanging ngiti lang ang naisusukli ko sa kanya habang lumuluha. I kissed my daughter's face again.

Suot ko pa ang hospital gown, nakaupo sa hospital bed. Si Darell ay nakahawak lang sa kamay ko habang puno ng pagkamangha ang tingin niya roon sa bata. Kumikinang ang mga mata niya habang pinagmamasdan ito.

I'm tired, but I'm so happy...

"Thank you..." Hindi na napigilan ni Fajarez na umiyak sa harap ko.

Bahagya akong gumalaw kahit na hirap para lang mayakap siya. Magkayakap kaming tatlo.

"I love you, I love you, I love you..." Paulit-ulit niyang sabi at pinagsalit-salitan ang halik sa amin ng anak niya. "How beautiful..."

"I love you," I whispered.

"Let's take a picture." Aniya at pinalis ang luha. Nakakulay pulang polo lang siya at simpleng pantalon ngayon. Gulo-gulo pa ang buhok niya.

Hindi ko inasahan na manganganak na ako kahapon noong naliligo ako. Akala niya pa ay nagbibiro lang ako noong sinabi kong manganganak na ako dahil lagi ko iyong ginagawa sa kanya kaya nagduda siya noong una pero noong lumakas ang sigaw ko ay pumasok siya sa cr. Wala pa akong saplot nun at basa pa ang katawan!

Halos isampal ko na kagabi sa kanya ang paa ko dahil sa sakit. Nasabunutan ko siya dahil sa frustration kaya pati siya ay hindi na nakapag-ayos. Habang nangyayari iyon ay inisip kong kahit kailan ay hindi na ako magpapabuntis sa kanya kahit kailan. Last na 'to!

Pero ngayon... Ang sarap sarap sa pakiramdam.

Darell angled his digital camera. Umupo ako nang mas diretso kahit ang sakit-sakit, parang napunit ang buong pagkatao ko at dinikit lang gamit ang glue. Hawak ko pa rin si Cielle. Nasa tabi namin siya. Umusod ako para makaupo siya. Parehas naming hinawakan si Cielle.

"Say, Cielle!" He said.

"Cielle!" Sabi naming dalawa ng may malawak na ngiti sa labi. He clicked the camera and I heard the shutter sound.

Tuwang-tuwa ang pamilya naming dalawa nang makita si Cielle. Pinlano na talaga nila na magpakasal kami pero hindi sumasagot si Darell, tumitingin lang sa akin at tila iniisip kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Tinanggihan ko ang engagement proposal niya... Kaya ngayon iniisip niya na baka hindi ko siya pakasalan.

After ten months, ganoon pa rin ang nasa isip ko. Ang pagpapakasal naming dalawa at ang overthinkings ko sa future. Sa kabilang banda, hindi na kinaya nila mama na magpabalik-balik sa bahay namin ni Darell at sa bahay ng family namin. Kaya inimbitahan kami nila papa na sa bahay para doon muna saglit, gusto kasi nilang makasama si Cielle. Wala naman dito si Poseidon dahil nakakuha ng scholarship sa syudad.

"Mrs. Artamerez, iaakyat ko lang po si Kahel sa taas, pagod na po kasi siya sa biyahe." Paalam ni Darell kay mama.

Nakahawak siya sa braso ko para alalayan ako. Hilong-hilo kasi ako sa biyahe.

"Sige, nak. Huwag mo na rin akong tawagin sa ganyan. Tanggap ka namin, huwag kang mag-alala. Mama na lang." Ngumiti si mama sa boyfriend ko.

Ngumiti rin si Darell at tumingin sa akin. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya dahil suka ako nang suka sa byahe.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon