Bonus Chapter 1.5

140 3 0
                                    

Bonus Chapter 1.5 - concert

Magkasalubong lang ang kilay ni Kahel na nakatingin sa kanilang gay instructor. Kanina pa nakatingin sa kanya ito at sa pagkanta niya. Dahil magaling kumanta si Kahel ay wala naman itong maipintas pero nagdagdag ng pagsayaw sa kakantahin nila kaya todo puna ito kahit sa konting pagkakamali ng dalaga.

"Kahel, ano bang ginagawa mo?" Iritadong tanong ng instructor.

Kabadong nag-angat ng tingin si Kahel, nakasalubong niya ng tingin si Laurel na kasama sa banda ng school na siyang magiging instrumental ng kakantahin nila. Binigyan siya ni Laurel ng nag-aalalang tingin.

"Sorry po." Umulit na lang siya, mabuti naman at maayos na.

Si Hannari ay focused lang sa pagsayaw dahil hindi rin siya sanay roon pero nang magtama ang tingin nila ay gumuhit ang ngiti sa labi nito.

Nasa backstage sila ngayon para maghanda sa concert ng choir at school band para sa grand ball ng senior highschool students. Pili lang ang mga kasamang estudyante roon kaya sigurado siyang wala ang kanilang section sa manonood. Liban na lang kung magbabayad pa ito ng entrance fee para lang makapasok sa loob at mapanood sila.

Ang alam niya, may fireworks after ng performance nila. Kaya naisip niya na baka marami rin ang pumunta kahit may bayad pa.

'Hays, sayang, wala si Darell. Gusto ko pa naman sana magpakitang gilas. Pero sana nga hindi siya pumunta dahil ang kakantahin namin ay pambatang kanta!' aniya sa isip.

Matapos ang practice ay sumilip siya sa stage. Ang dami ngang tao na nanonood!

Ang mga nagpeperform na ibang grupo ay magaganda ang kanta. Trending at puno ng hugot, pero sila, PIPIT?! Anong relatable sa lyrics nitong "May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy at nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon... dahil sa sakit di na nakaya pang lumipad,"?

"Mga anak, umupo na raw kayo roon sa pinakaharap at nang aakyat na lang kayo sa stage." Sabi ng kanilang teacher.

Excited na tumabi si Laurel at Hannari kay Kahel.

"May makeup ka?" Hannari asked.

"Oo. Eyeliner, mascara at lipgloss lang. Meron ding pulbos." Sagot naman ni Kahel. "Gusto mo, Laurel?"

Umiling naman agad si Laurel. "Ayoko ng makeup. Malagkit."

"Ako, gusto ko! Palagay ng eyeliner, Kahel!" Si Hannari naman.

"Kahel, ang galing mo kumanta!" Puri ng mga kasama niya sa choir.

"Oo nga, parang umaawit na anghel!" Iyong kasama naman ni Laurel sa banda ang nagsabi no'n.

"Grabe boy, ang pogi non. Pinuri ka! May gusto 'yan sa 'yo!" Mala-demonyo ang ngiti ni Hannari.

"Ayoko. Hindi ako interesado." Ngumisi si Kahel nang maisip na naman ang crush niyang wala namang paki sa kanya.

Mabuti na lang talaga at walang paki sa kanya si Darell, kaya hindi nito makikita ang nakakahiyang performance nila mamaya. At isa pa, bakit pupunta rito si Darell? He loves music, alright... but he doesn't like these kinds of songs! Like folk songs!

Kulay pula ang kalangitan, malapit na maggabi. Alas singko na.

Umupo sila sa mahabang upuan para makinig sa performance ng ibang grupo bago tawagin ang kanila.

♪ Hanggang kailan ako
Maghihintay na makasama kang
Muli sa buhay kong puno ng paghihirap ♪

"Gago, nag-i-imagine ka na naman amputa. Baliw ka na!" Si Hannari agad ang nagpagising kay Kahel na maluha-luha na habang lumulutang ang utak papunta sa ibang mundo. Nagde-daydream na naman kasi ang walanghiya sa kanyang crush na si Fajarez.

Ngumiti lang si Kahel dahil tama naman ito. Tsaka iyon lang ang nakakapagbigay sa kanya ng confidence.

♪ At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha at
Naglalagay ng ngiti sa mga labi ♪

"Gago, Kahel!"

Hindi pinansin ni Kahel si Hannari dahil busy pa siya mag-imagine.

"Kahel, gago! Gumising ka nga!" Tinulak-tulak na siya ng kaibigan habang nakatingin ito sa kung saan pero hindi niya pa rin pinansin. "Puta, Adhara! Nand'yan 'yung crush mo!" Sigaw ni Hannari dahilan para mapatingin pati ang mga performers sa harap sa pwesto nila.

Nanlaki ang mga mata ni Kahel at biglang napatayo. Tsaka niya lang inikot ang tingin para hanapin ang mga mata ng sinasabi ni Hannari.

And there, he saw Darell on the backstage where they stayed before. He was leaning on the wall with his legs crossed. His hands were on his pocket while he's staring at her with full of amusement in his eyes.

♪ Umuwi ka na baby...
Umuwi ka na baby,
Umuwi ka na baby,
Umuwi ka na baby,
Umuwi ka na baby...
Umuwi ka na baby ♪

Natulala si Kahel doon. Nakita niya ang gulat sa mga mata ni Darell nang mapansin na nakatingin din ito sa kanya. Malayo ang pagitan nilang dalawa at marami pang tao na nakaupo pero sila, parang nasa drama. Nagkakatinginan lang silang dalawa.

Nagtago si Darell sa likod ng wall. Tawang tawa ang kaibigan nitong si Jefferson na nakatingin din sa kanya.

"Darell, lumabas ka riyan. Nakita mo na 'yung gusto mong makita!" Binasa ni Kahel ang sinabi ni Jefferson na hindi niya marinig.

'T-Teka lang... Pumunta siya rito para sa 'kin?' namula ang pisngi ni Kahel.

Humarap ulit sa kanya si Jefferson.

"Kahel, goodluck daw sabi ni Darell." Jefferson mouthed.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon