Kabanata 3

451 9 0
                                    

Kabanata 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 3



I can't look back to the past anymore. But this is where it all started.

Hindi ako matigil kakatipa sa aking laptop. Habang nag-uunahan ang luhang naglalandas sa aking pisngi. Once again, I got my heart broken.

Gustuhin ko mang magbasag ng mga bagay ngayon ay hindi ko magawa dahil maging ang mga magulang ko ay walang ka-alam alam na nakikipagrelasyon ako sa edad kong 17.

Fifteen year old ako noong nagkaroon ako ng malalang depresyon. Mula sa pinakamataas sa klase ay bumagsak ang grades ko sa 76 dahil sa hindi malamang kadahilanan ng mga magulang ko dahil maayos naman daw ang trato nila sa akin.

Isa akong manunulat. Erotic writer, to be exact.

"Kahel, kakain na tayo."

Agad kong pinalis ang luha at isinarado ang laptop ko. Nasa spicy details na ako ng story pero ako mismong nagsusulat ay umiiyak, heartbroken at higit sa lahat ay walang experience.

Patapos na ako ng highschool ngayong taon pero wala pa rin akong gaanong kaibigan. Charot! Marami akong natatawag na 'kaibigan', pero hindi ko sigurado kung kaibigan ko talaga sila.

"Punyeta, Kahel!" Napasigaw na si mama sa akin dahil sa inis.

Napatakbo tuloy ako, muntikan pang tumalbog dahil sa malambot na kama.

Bumaba ako agad. Tatlong araw na akong walang tigil kakaiyak pero hindi ko maipakita sa kanila. Gusto kong magwala pero hindi ko ginawa kasi paniguradong magtatanong 'yan kung bakit sobrang lungkot ko. Anong sasabihin ko, nagkaboyfriend ako ng apat na beses sa loob ng dalawang taon tapos niloko ako ng lahat?

Baka sapakin pa 'ko ni mama.

"Hinihintay ka ni Hannari, ah?" Bungad ni papa sa akin na kumakain sa hapag.

"Hannari? Saan po?"

"Sa labas."

Si Hannari ang best friend ko na pinaka close bukod kay Monica. Sila lang ang talagang tinuturing akong kaibigan. Sa laki ng circle of friends ko ay sila lang ang nakakaintindi. Sila lang ang nagstay. Kaibigan ko si Hannari mula pa noong grade 7 kami, si Monica naman since grade 3 pa.

"Kumain ka muna rito, hoy!"

"Busog pa po 'ko, ma!" Agad kong kinuha ang bag ko sa sofa. Inayos ko ang lukot na uniporme at tumingin sa salamin na nasa tabi lang ng pintuan.

Layered cut- slightly wavy black hair, almond black eyes, long lashes, thick hair and rosy heart lips. Nang mapunta ang tingin ko sa ilong kong pag-side view lang matangos ay nasira na agad ang araw ko. I hate my nose so much. But anyways, I look beautiful even with my olive toned skin!

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko agad ang katawan ni Hannari sa pagitan ng gate namin. Tinatahulan pa siya ng mga aso ko.

"Gaga ka! Baka makalabas iyong aso!" Taranta, mahina niyang sabi sa akin.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon