Author's Note: Hello, this is the last part of Fajarez (Les Tendres #4) take note that the Les Tendres Series is just a series of novellas which means they are all short stories so please don't wonder why the events are moving too fast. See you in Les Tendres #5, Nirca and Mnemosyne's story! The title is 'Harmino'.
Thank you for your time and congratulations for finishing this short story! :) Love lots.
**********
It was always in my plan. To stay faithful for her. For our relationship. To marry her someday.
Dati noong college, gwardiyado iyang si Kahel. Walang takas 'yan sa akin. Kahit mga ka-date niya, hindi ko pinaglagpas. Walang nakakahawak sa kanya at mukha namang wala siyang nagustuhan sa mga 'yon.
Alam kong galit pa siya sa akin dahil sa ginawa kong hindi niya alam ang dahilan pero naiintindihan ko 'yon dahil hindi pa ako nakakapagsalita.
Pag-uwi ko sa bahay pagkatapos ng klase, nakakatulog na lang ako sa pagbabasa ng articles at panonood ng commercials niya. Doon na lang kasi ako nakikibalita sa kanya dahil wala na ring gaanong balita ang mga kaibigan niya sa kanya.
Maraming beses kong binalak pumunta sa mga castings o 'di kaya'y shoots niya. Noong bumalik siya rito sa Pilipinas saglit ay nalaman ko sa mga magulang niya na pupunta siya sa Italy para sa isang foreign shoot.
Wala akong kain palagi, kahit na magutom ako. Umalis ako sa dormitory nang palihim para hindi dagdag gastos at makaipon pa ako mula sa allowance ko. Naghanap din ako ng part time job. Gusto ko na kasi talaga siyang makita!
Naging waiter ako sa restaurant. Nag-o-overtime pa nga ako minsan doon pag tapos ko na ang mga kailangan kong gawin para sa university.
"Kuya! Kuyang waiter! Dito po!"
Yumuko ako at mariing napapikit. Sila na naman?
"Hi, my name is Amber---Anong number mo?" Humagikhik pa ito.
"Ma'am, ano pong order niyo?" Tanong ko.
"Ikaw po."
Malalim akong napabuntong hininga at umalis na roon. Lagi iyong nangyayari.
Walang makaka-order sa akin, si Kahel lang. Libre pa. Napangisi tuloy ako sa inisip kong 'yon.
Hanggang sa nakaipon din. Buong dalawang linggong 'yon, pinapanood ko lang siya palagi. Binabantayan pag naglalakad lalo na pag ginagabi siya. Lagi bang ganito pag model? Pagod na pagod na 'yan, sigurado.
Pati ako napapagod para sa kanya pag naglalakad siya.
You're working so hard, my joy. You deserve the best things the industry could ever offer.
Pag-uwi naman namin sa Pilipinas ay kaba ang nararamdaman ko. Paano kung nandoon si Barron?
Nalaman noon two years ago na hindi talaga ako ang ama ng anak ni Perry. Bago 'yon kasi, ang tanging rason ko lang para lumayo sa pamilya nila ay dahil nag-aaral pa ako ng kolehiyo sa Manila.
Pasasalamat ko na lang na nawala ako sa isip ni Barron kaya ligtas pa ako ngayon. Kilala ko 'yon, maraming koneksyon. Kung gusto niya akong ipapatay, kahit saan ako magpunta ay malalaman niya kung nasaan ako. Pero bakit hindi niya ako hinahanap?
"Nandito na si ate..." Kahel sobbed while holding his little brother who's only fifteen year old that time.
Kahit sa pagtulong ko, hindi ko makalimutan iyon.
Miss na miss na kita, ate. I'm sorry dahil ngayon, wala pa ring hustisya. Pero malapit na. Ako mismo ang tatapos sa kanila.
"Darell!" I heard Perry's voice behind me. Papasok sana ako pabalik sa school.
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...