Kabanata 11

198 4 0
                                    

Kabanata 11

"February na agad!?"

Napatakip ako ng tenga sa sigaw ni Hannari.

"Malapit na 'yung prom, may dress ka na?" Tanong ko sa kanya habang pinapanood si Darell maglaro ng volleyball kasama ang mga kaibigan niya.

Intrams na! Ilang araw ko na siyang hindi pinapansin dahil gusto kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Nakakarinig kasi ako ng usap-usapan tungkol sa kanya at doon sa babaeng mas bata sa akin ng isang taon.

"Sa tingin mo, magkakagusto si Darell sa akin? Eh mas matanda ako sa kanya ng isang buwan."

"Oo syempre! Pumatol nga siya sa legal age noong 14 ba siya no'n o 15? Basta 'yon!"

"But what if he likes younger girls now..." Humina ang boses ko nang makita ko ang pagtaas niya ng puti niyang t-shirt revealing his stomach. He's wiping his sweat.

"Prom dress ang pinag-uusapan natin pero sa kanya ka nakatingin." Sinundan ni Hannari ang tingin ko. "Huwag kang tumingin! Trap 'yan, makikita mo ang abs niya!"

"Paano mo nalamang may abs siya!?" Tarantang tanong ko.

"Bakit? Meron talaga?" Gulat niya ring tanong. "Paano mo nalaman? Nakita mo? Ilan?"

"Walo!" Pinakita ko ang pagtaas ng walong daliri ko.

Napatakip siya ng bibig at gulat na tumingin sa akin. "Don't tell me, sinisilipan mo siya!"

"Excuse me!?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Usap-usapan ang prom ngayon. Ako wala pang dress. Isang araw na lang!

"May partner ka na?" Kiolo asked.

Ngumiti ako nang maisip si Darell. "I guess so!"

"Sino?" Tanong niya.

"Alam mo na!" Humagikhik pa ako, daydreaming me and him dancing.

Imagining us, we're both each other's first dance! I'll confess to him once again there! If I get rejected again, it's okay! Gusto ko lang malinawan para hindi ako manatili sa dilim. I want to know his thoughts!

While we're dancing, nakakawan ko siya ng halik!

"Kahel?"

"Charot!" Humalakhak ako pero hindi siya natawa. "Huh?" Takang tanong ko sa sarili.

"Sabi ko, sino 'yung partner mo? Si Darell?"

"Feeling ko, inaya ko siya eh!"

"Ahh..." Humina ang boses niya. "Sasabihin ko pa lang sana sa 'yo na na-fall ako sa 'yo."

Parang nagloading ang utak ko sa kanya. Maya maya ay nalaglag ang panga ko. "Huh!?"

"Gusto na kita, Kahel..." Aniya.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Peke akong tumawa at napahawak sa ulo ko. Anong gagawin ko ngayon!?

"A-Alam mo naman kung sino ang gusto k-ko, 'di ba?"

Tumango siya at lumunok. "Oo, alam ko. Hindi ka naman niya gusto, 'di ba? Ako, paghihirapan kita. I'll work hard for you, more than you did for him. I can treat you well---"

"Kiolo, sorry," malungkot na sabi ko.

Mariin siyang napapikit at bumuntong hininga. "Think about it again, Kahel..."

Noong gabi ng prom ay hindi naging maganda ang dress ko. Sobrang daming punit dahil naloko kami noong mananahi nito. Three thousand pa naman ito! Ang mahal mahal!

Kahit sa makeup ko, 'di nakabawi! Iyong ipit ko, natanggal agad, hindi pa nga ako nakakasayaw sa dance floor.

Noong nagsimula na ang sayawan ay hinanap ng mga mata ko si Darell. Iyon kasi ang unang love song doon. Perfect ang title.

Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon