Bonus Chapter 2 - with feathers
KAGAGALING lang namin ng mag-ama ko sa isang restaurant para mag-celebrate ng birthday ni Fajarez. Ngayon naman, dumiretso kami sa isang grocery store upang mamili ng ipanglalaman namin sa aming refrigerator.
Lahat ng tinuturo ni Cielle ay kinukuha ng daddy niya. Tuwang-tuwa naman ang bata roon kaya kahit hindi ako sang-ayon na masyado siyang ini-i-spoil ay hinayaan ko na lang. Hindi rin naman kasi ito araw-araw nangyayari. Sa pagkain nga lang, kailangan naka-balanse.
Nang mapunta ako sa isang section para sana bumili ng sanitary pads ay nagkatinginan kami ni Darell. Unti-unting sumilay ang ngiti ko sa labi nang makumpirmang naaalala niya pa ang nangyari sa amin noon nung highschool kami.
"Kumusta ang puson mo?" Darell asked after class. Isinukbit niya ang isang strap ng bag niya sa kanyang braso. Nasa tapat ko lang siya at nakatayo.
"A-Ayos lang naman..." Pagsisinungaling ko.
Bihira lang ako magkaroon ng cramps, mabilis din ang menstruation ko na tumatagal lang mula tatlo hanggang limang araw. Kaya siguro pinaparusahan ako ngayon. Sobrang sakit ng puson ko. Pakiramdam ko ay masisira ang pagkatao ko.
Wala na ang iba naming mga kaklase. Nagsialisan na. Naiwan lang kami dahil cleaners kami ngayong araw pero kanina pa kami natapos maglinis. Ako na lang dapat ang nandito ngayon dahil hirap akong tumayo at wala rin akong extra pads. Gustuhin ko mang magpabili sa kanya ay nakakahiya dahil lalaki siya. Wala na rin siya rito kanina eh, ewan ko kung bakit siya bumalik.
"Hindi ka pa uuwi?" Tanong niya sa 'kin.
"Mamaya-maya..." Halos pabulong iyon.
"Sabay na tayong umuwi. Ihahatid na kita, tara."
Umiling ako. "Ayos lang talaga."
"I don't think so..." Aniya at inalalayan ako.
I pursed my lips. Gusto kong murahin lahat ng tao sa mundo sa sobrang sakit. Grabe, cramps pa lang nasa kalahating hukay na ako. Paano pa kaya kapag nag-anak ako sa future? Baka mamatay agad ako!
Nasa kanto pa lang kami, naglalakad habang ang kamay niya ay nasa bewang ko para alalayan ako. Pero hindi ko na kaya. Nakakailang hinto na kami dahil sa akin. Maggagabi na rin. Namumula na ang kalangitan.
"Kaya ko na 'yung sarili ko. Magiging okay ako mamaya, umuwi ka na---"
"Ayoko nga,"
Ang kulit!
May hinagilap ang mga mata niya. Huminto iyon sa isang tindahan. Omg! Don't tell me he knows what I really need right now!
"Ilan ang kailangan mo?" Tanong niya sa akin pagkatapos niya akong iupo sa malaking bato na nasa tabi.
Naku! Alam niya nga. Sa bagay, may ate siya.
"Dalawa," sabi ko dahil iyon lang ang kaya ng pera ko. Tumango siya. Ibibigay ko pa sana ang pera sa kanya pero umalis na siya agad. "Hey! The money! Anong ipambibili mo?"
Hindi niya ako pinansin. Dumiretso lang siya roon.
Nakakahiya, nagpabili na nga ako sa kanya ng pads tapos hindi pa ako magbabayad! Hindi iyon kakayanin ng pride ko.
Kahit hirap at iika-ika ay sinundan ko siya. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit nang marinig ko ang pagsasalita ng tindera. Hindi ko makita ang mukha niya kaya lumapit ako nang kaunti. Malaki ang ngiti nito kay Fajarez at mukhang kinikilig pa. Kilala ko iyon, eh. Schoolmate namin. Same grade din.
Nag-init agad ang ulo ko roon.
"Darell, 'yung pera---"
"Ano po ang sa inyo?" Malanding tanong nung babae sa kanya at nagpuppy eyes pa. Malapad pa rin ang ngiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...