Kabanata 26
"Look, Cielle, this is Sayelle," tinuro ko ang aso na hawak ni Darell. "Sa-yelle. Dog. Sa-yelle." Turo ko.
Tiningnan lang ako noong bata habang ang hinlalaki niya ay sinisipsip niya.
"She called me 'mama' yesterday and you weren't there. Too bad for you. Hindi mo siya nakita when she said her first word. Tsk." Umiling-iling ako habang iniinggit ko si Darell. He just pouted. "Mama ang una niyang sinabi, mana talaga siya sa 'kin."
"Magkamukha kami! Tingnan mo 'yung ilong niya!" Tinuro niya pa ang ilong ng anak namin.
"No, sa akin din niya 'yan namana. Lalaki pa siya, magbabago ang ilong niya. Iyong parehas na parehas sa akin! Ganyan din ako nung bata ako!" Pagpo-protesta ko.
Nagkamot siya ng ulo at hindi na nakipagtalo pa dahil alam niyanv hindi siya mananalo sa akin. Tawa lang ako nang tawa dahil sa reaksyon niya.
"How was work, anyway?" I asked.
"To be honest, more stressful than before." Napahilot siya ng sintido. He shook his head. "Pabuhat kay Cielle, pwede?"
"Bawal." Biro ko.
Tumango na lang siya pero nakatingin siya roon sa bata kaya tumawa ako at maingat na inabot sa kanya ang anak namin.
"I'm so excited for our wedding." Sabi ko.
"Kailangan planado, para abot ng standards mo. Let's take our time." Nilaro niya si Cielle na tuwang-tuwa sa kanya. "She loves me." Masayang sabi niya.
Hinagod ko ang likod nung bata at hinalikan si Darell sa labi. Papunta pa lang sana ako sa kusina para magluto pero pinigilan niya agad ako.
"Let me do it, Kahel."
"No. Pagod ka na sa trabaho tapos---"
"Bakit? Pagod ka rin naman dito sa bahay. Pagod tayong pareho. Ako na riyan." Hinalikan niya sa pisngi si Cielle na ngayon ay nakatulog na bago maingat na ibinigay sa akin. "What do you want for dinner?" He asked.
"Anything. Basta luto mo." Sagot ko.
He smirked. "Sarap na sarap ka naman sa luto ko." aniya na para bang may iba pang pinapahiwatig.
Sinaman ko siya ng tingin. Kinuha ko ang tsinelas niya sa sahig at hinagis iyon sa kanya pero naiwasan niya naman agad. Bumelat siya sa akin dahil doon. I glared at him.
At ang walanghiya, nagtwerk pa sa harapan ko!
"Darell!" Banta ko.
"Okay! Sorry, sorry!" Tumatawa pa siya at tumakbo sa kusina para magluto.
Napunta kay Cielle ang atensyon ko. "Ang kulit ng tatay mo, nak. Pakiramdam ko, pati siya ay anak ko." Tumawa ako roon, pero mahina lang para hindi siya magising.
Inilapag ko rin siya roon sa crib nang makarinig ako ng tawag sa phone ko. Galing pa 'yon sa kwarto ko na limang hakbang lang ang layo sa crib ng anak ko.
Nakita ko ang pangalan ni Nirca roon.
"Papunta na kami sa bahay niyo!" Bungad niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh!? Ngayon!?" Gulat kong tanong.
"Oo!"
"Mga tarantado, bakit wala kayong sinasabi!? Hindi kami naglinis at wala akong ipapalamon sa inyo. Bumalik kayo. Tulog ang anak ko!"
"Gusto lang naman namin makita si Cielle. Nandito si Aurenne. Kasama ni Jarell. Si Monica, Erin, Lychie, Renice, Laurel at iyong isang kaibigan ko lang ang kasama ko. Tsaka hindi mo na kami kailangan palamunin. May dala kami ritong pagkain."
BINABASA MO ANG
Him And His Superficial Love (Les Tendres Series #4)
RomanceWARNING: Mature Content | R18 [Completed, 2023] Les Tendres Series #4 || Tender Love Series Revenge. Betrayal. Karma. Justice. Kahel says revenge is for the hearts who loved dearly. Because after doing her best to be loved by her one and only who fo...